11:Spread your Wings

1616 Words

ZIA SAN FILIPE’S POINT OF VIEW “Zia, para kang tanga diyan. Ilang araw na kitang napapansing nakatulala. Okay ka lang ba? May nangako na ba sa’yong ibabahay ka?” Napatingin ako kay Lorie na nagtitimpla ng kape niya. Ako naman ay pinagpatuloy ko ang paghuhugas ko ng pinggan. “Grabe ka naman sa akin. Walang nangangako sa akin, hindi tulad sa’yo. Pangakuan ka lang eh bigla-bigla ka na lang sumasama. Mabuti na lang at nakabalik ka pa dito,” sabi ko sa kanya at nagkamot lang siya ng kanyang ulo. “Mabuti na lang tinanggap pa siya ni Boss Alexus. Papaano na lang kung hindi? Eh ‘di pupulutin ka sa kangkungan?” sabi ni Cherry na kapapasok lang sa unit namin. Amoy na amoy ko ang sigarilyong hinihithit niya. “Hindi naman ako nakatulala. May iniisip lang ako,” I said at maingat na inilagay ang mg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD