NORMAN DELA VEGA’S POINT OF VIEW Year 2013 “Hoy! Bakit tulala ka diyan?” tanong ni Monique sa akin at nailing naman ako. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang notebook niya mula sa mamahalin niyang bag. May klase kami ngayon at ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase pero wala pa rin ang prof namin. “Hindi ako nakatulala, Monique,” sabi ko at napabuntong hininga. Grabe naman kasi ang activities ngayon. Feeling ko mamatay na ako sa mga subjects na sunod-sunod ang deadlines to submit. Hindi naman kami robot, tao kami and students palang. Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita si Shawn na nanliligaw sa isang classmate namin na si Shiela. Ang corny niya sa totoo lang. “Good morning, class!” Napatingin ako sa harapan at pumasok na sa loob ang prof namin. Suplado talaga ito