ZIA SAN FILIPE’S POINT OF VIEW “Maglalaba ka today?” biglang tanong ni Norman nang makita niya akong bumaba na may bitbit na laundry basket. Dahil tambak na ang labahan ko ay halos hindi ko na siya makita dahil sa bitbit ko. Naramdaman ko na lang na kinuha niya ang basket sa kamay ko at ibinaba ito. “Ang dami nito. Lahat ito damit mo?” tanong niya ulit at tumango ako. “Oo. Lahat iyan damit ko. Wala na akong maisusuot pa. ilang linggo akong hindi naglaba. Saka may iilang damit diyan si Kier. Isasabay ko na,” sagot ko sa kanya. “Huwag ka na maglaba. Mapapagod ka pa diyan. Ihatid na lang natin ito sa laundry shop,” sabi niya sa akin. “Ay ‘wag! Ano ‘yon? Pati undearwaers ko ibibigay ko doon? Gastos lang iyan—” “I have money.” “Kahit na! may washing machine ka naman. Saglit lang ito,” I s