NORMAN
"Hey, are you free tonight?" Napatingin ako kay Shawn na bigla na lamang pumasok sa opisina ko. Napailing na lang ako dahil sa ginawa niya. Minsan talaga nawawala ang manners ng ugok na ito.
"Hindi talaga uso sayo ang pagkatok ‘no?" tanong ko at ang loko ay tumawa lang.
"Come on, parang ‘di ka pa nasanay. Hindi na nga ko pinansin ng secretary mo. So, ano na Norman? Libre ka mamaya? Friday naman ngayon eh." Napailing na lang ako sa kanya.
"Pass. Walang bantay si Kier. Kailangan kong makauwi ng maaga." Patukoy ko sa anak ko. Nakita ko naman nagsalubong ang kilay ni Shawn sa sinabi ko.
"Dapat kasi kumuha ka na ng stay in yaya ni Kier. Para kahit papaano nakakalabas labas ka pa," sabi niya at napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. Palibhasa kasi wala pang anak kaya feeling binata pa rin siya.
"May anak na ko, Shawn. Hindi na binata," sagot ko. Mas gusto kong ako ang nakakasama ng anak ko tuwing gabi. Iba pa din kapag ako ang nagpapatulog sa anak ko. May peace of mind ako dahil katabi ko mismo ang anak ko.
"Hindi ko naman sinabing magbuhay binata ka pards, ang akin lang magrelax ka lang kahit saglit lang. Have a life. Hindi puro trabaho tapos pag-uwi asikaso ka naman sa anak mo. Have time for yourself," paliwanag niya.
Totoo nga ang sinabi ng mga matatanda, kapag may anak ka na ito na ang top priority mo. Wala ka ng oras para sa sarili. Kasi iisipin mo agad ang welfare ng anak mo. May responsibilidad ka na. May responsibilidad ako bilang isang ama. Wala na ngang ina ang anak ko tapos hindi ko pa gagampanan ng maayos ang responsibilidad ko. Kawawa ang anak ko kapag ganoon ang nangyari.
"Ganito na lang pards, susunduin ni misis si Kier, siya na lang muna ang mag-aalaga kay little buddy mo. Ngayon lang naman eh. Birthday pa ni Pareng Dexter. Hindi naman gabi-gabi gigimik tayo. Minsan lang naman eh."
One thing about my bestdriend Shawn? Lagi siyang nananalo. Galing mangbrainwash. No wonder nahulog sa kanya si Shiela.
"Mapilit ka talaga no?"
"So, game?" Then he wiggles his eyebrows. Parang timang lang.
"Oo na. Tawagan mo si Shiela ah. Siya muna magbantay sa baby boy ko," sabi ko at binalik na ang atensyon ko sa pag-review ng nga documents.
"Sure! Ako ng bahala," sagot niya at sumaludo pa bago lumabas ng opisina ko.
Napabuntong hininga na lang ako at napasandal sa aking upuan. Kailan nga ba ako huling nakaranas mag-bar? 4 years ago, pa yata. Noong binata pa ako.
Nang dumating sa buhay ko si Kier ay umikot ng 369° ang buhay ko. Siya na ang naging top priority ko. Siya ang nagbigay sa akin ng panibagong pag-asa.
Bandang 7 pm ay agad akong umuwi sa bahay. Pagdating ko ay naghahanda na si Kier ng hapagkainan. Napangiti ako dahil alam na niya ang mga simpleng tasks niya dito sa loob ng bahay.
"Wow! Ang sipag," sabi ko at agad siyang lumingon sa akin. Abot langit ang ngiti at tumakbo papalapit sa akin.
"Daddy!" sigaw niya at agad ko siyang kinarga. Pinupog ko siya ng halik sa mukha.
"How’s my baby? How was your day?" tanong ko. Ngumuso naman siya.
"You know, I hate Manang Carol. She’s too old. She doesn't want to play with me. Please find another baby sitter," reklamo niya. Napangiwi na lang ako dahil halatang halata ang pagkadisgusto niya sa baby sitter niyang si Manang Carol. Well, totoo naman kasi, nasa 50 plus na ang baby sitter niya.
"Anak, nakakailang baby sitter ka na?" tanong ko. He started to count din naman at iniisip kung sinu-sino ang naging baby sitter niya.
"Si Ate Cass, Ate Jem, Manang Rosie, Aling Tess, Ate Girlie, Manang Carol. Mga six na Daddy," sagot niya.
"Then you want me to find another baby sitter?"
"Please Dad. Last na to. I don't like Manang Carol," sabi niya at dinaan na naman ako sa puppy eyes niya. Minsan iniisip ko, nagiging si Shawn na siya. Hindi rin ako nananalo sa batang ito eh.
"Fine. Tara na let’s eat," sabi ko at naupo na kami sa hapagkainan. Masipag itong anak ko, everytime na uuwi na ako ay laging siya na ang naghahanda ng hapagkainan. Si Manang Carol naman ay magluluto ng ulam namin bago siya umuwi.
"Anak, doon ka muna kay Tita Shiela mo magstay ngayon gabi," sabi ko habang hinihimayan siya ng isda.
"Why?" he said while looking at me.
"Because me and Tito Shawn will go somewhere. Sabi ni Tito Shawn mo, you can stay with Tita Shiela muna. Tomorrow morning na kita susunduin," paliwanag ko sa kanya. Napangiti ako ng tumango siya at ngumiti. Para akong nananalamin everytime na pinagmamasdan ko siya.
"Okay! Miss ko na din naman si Tita Shiela. Enjoy the night Daddy!"
"Aba himala!" sabi ni Dexter ng pumasok kami sa isang club. Napailing naman ako sa reaction ni Dexter. Siya na lang ang binata sa aming tatlo ni Shawn. Wala pa yatang balak mag-asawa ang isang ito.
"Napilit ko din! Hahaha!" sagot naman ni Shawn. Umupo na kami sa isang sofa at pinanuod ang mga babaeng nagsasayaw sa mini stage dito sa VIP room. Napangiwi pa ako. Hindi talaga ako sanay sa ganitong lugar. Hindi ako sanay na makakita ng mga babaeng halos wala ng itago at sumasayaw pa sa harapan ng mga lalaki.
"Sa lahat ng puwedeng venue dito pa talaga," sabi ko bago nagsalin ng vodka sa baso ko.
"Come on! Minsan lang naman. Baka may matipuhan ako. Baka sakaling makaayuda."
"Ikaw pards! Baka gusto mong umayuda. Ilang taon ka ng walang s*x life? Three years? I-release mo na yan! Baka bulok na yan sige ka," sabi ni Shawn.
"Pagpahingahin mo muna si Mariang Palad! Baka kinakalyo na iyang palad mo. Hahahaha!" Napailing na lang ako sa kanila. Ganyan talaga sila, mga bastos ang bibig. Walang filter ang mga bunganga pero sabi nga nila boys will be boys.
"Gentlemen, are you ready for the next show?" Napatigil kami ng magsalita ang isang lalaking may mahabang buhok.
"Yeah! Show us what you got here Alexus!" sabi ni Dexter at umismid ang lalaki.
"Well, let me show you my precious gems."
Nagdilim ang buong paligid. Tanging ang mini stage lang ang naiwang may ilaw. Ilang sandali lang ay isa-isang lumabas ang tatlong babae. Ang isa na nasa kaliwa ay nakasuot ng green na lingerie, ang nasa kanan naman ay nakasuot ng kulay pula at ang nasa gitna naman ay nakasuot ng kulay puti.
Nagsimula na silang sumayaw. Pero iisa lang ang pumukaw sa aking atensyon. Ang babae sa gitna. Bawat giling at indak ng kanyang baywang ay tila hinahatak ako sa ibang dimensyon.
Pinagmasdan ko ang mukha niya, maputi at maamo ito. Tila isa siyang anghel. Bumaba siya mula sa mini stage at nagulat ako ng kumandong siya sa akin.
Ngumiti siya sa akin bago siya sumayaw. Hinandugan niya ako ng isang lap dance. Hindi ko maiwasang makaramdam ng init dahil sa ginagawa niya. Nag-iingay sila Shawn pero di ko na sila naiintindihan. Tanging nakafocus lang ako sa babaeng nasa harapan ko.
Hindi ko namalayan na natapos na ang kanilang show. Nakangiti siya sa akin.
"Can I join you?" tanong niya. Ang boses niya ay malambing. Napapikit ako and I begin to imagine her moaning my name.
Damn. Kung anu-ano na naiisip ko.
Umusog ako at naupo siya sa tabi ko. Nakita kong nakaakbay na si Dexter sa babaeng naka green at ganun din si Shawn. Yari siya kay Shiela kapag nalaman ang kalokohan niya.
Magsasalin na sana ako ng alak ng pigilan ako ng babae.
"Let me. You're our guest," sabi niya at kinuha na ang bote sa kamay ko. Siya na ang nagsalin ng vodka sa baso ko. Ganun din ang ginawa niya sa isa pang baso.
"Girls, take care of our guest," sabi ng lalaki na may mahabang buhok.
"Yes, Boss!" sagot ng mga babae.
"Boss niyo pala siya?" tanong ko. Tumango naman ang babae.
"Opo. Siya ang owner nitong club, sagot niya at iniabot na ang baso sa akin.
"I see. By the way I'm Norman Dela Vera. How about you?" tanong ko.
"I'm Zia," simpleng sagot niya.
"Zia?" Hinihintay kong may idugtong siya pero ngiti lang ang ibinigay niya.
"Just Zia. No surname."
Marami kaming napag-usapan ni Zia. She's professional sa ganitong trabaho niya. Nalaman kong eighteen years old siya ng magsimula sa club na ito, and wala na daw siyang family.
Nakadalawang bote na kami ng vodka at nakakaramdam na ako ng hilo. Wala na din akong pakialam sa dalawang kolokoy na kasama ko. Napansin kong namumula na din ang mukha ni Zia. Mapula na ang pisngi niya pababa sa leeg niya.
Napalunok ako ng makita ang makinis na leeg niya. Parang ang sarap dilaan ng leeg niya.
"Do you have a boyfriend?" tanong ko.
"No I don't have. And I have no plans to have one,” sagot niya.
"Why?"
"Nakakatakot." Napakunot ako ng noo. Anong nakakatakot doon?
"Huh? Why?"
"Basta," simpleng sagot niya. Damn that neck. It invites me.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinatak ko siya papalapit sa akin and I buried my face on the crook of her neck. Damn! It smells so good!
"S-sir?" Pinagapang ko ang kamay ko mula sa leeg niya patungo sa batok niya.
"You smell so good," sabi ko. Tumingin ako sa kanya at walang sabi-sabing hinalikan siya.
I kiss her on the lips and hindi nagtagal sumasagot na siya sa mga halik ko.