ABIGAIL BUEMIO’S POINT OF VIEW That b*tches really did a great job of testing my patience. Kahit noon pa man, hindi maganda ang timpla ko kapag nandiyan sila. Pinakikisamahan ko lang sila noon because they are Norman’s friends. Sa madaling salita ay nakikipagplastikan lang ako sa kanila. I bet hindi pa alam ng Zia na iyon kung sino ako sa buhay ni Norman. Wala siyang ginawa kanina kung hindi ang panuorin ang mga nangyayari. I was expecting kanina na magwala siya para malaman kung gaano siya ka-cheap but my plan back-fired. Imbes si Zia ay sina Shiela at Monique ang gumawa. Sinabi pa ang ginawa ko noon. Bakit parang masama pa ako? I just choose my career over from being a mother besides I’m not ready that time. Wala akong pakialam sa sasabihin niyo. “What happened