Chapter XVI

1039 Words
Hindi akalain ni Lorie na may ganitong lugar pala sa building na ito. Isang garden na may iba’t ibang uri ng bulaklak at halaman ang makikita dito. Idagdag pa ang ganda ng kalangitan dahilpapalubog na ang araw. Para sa kanya, this place is a breathtaking. “Sino nag-aalaga ng mga halaman dito, Sir Kiefer?” tanong niya. Pinuntahan niya ang isang bahagi ng garden kung nasaan ang mga pulang rosas. “Ako. Well sometimes si Kuya Kiko, he’s my gardener. Every morning siya nandito,” sagot ni Kiefer sa kanya. Naupo sila sa isang wooden bench at tanaw na tanaw niya ang papalubog na araw. Ngayon lang niya napagmasdang maiigi ang ganda ng kalangitan. Hindi niya akalain na sa gitna ng siyudad ay mabibigyan siya ng ganitong kagandang tanawin. “Alam po ba ng ibang empleyado ang lugar na ito?” tanong niya ulit. Umiling si Kiefer at tumingin sa kanya. Ngumiti ito sa kanya. Hindi niya alam ang nangyayari pero pakiramdam niya ay silang dalawa lang ni Kiefer ang nasa mundo ngayon. Tila ba mabagal ang takbo ng oras. Dama niya ang pagrigodon ng kanyang puso. “No one knew this place except you,” sagot ni Kiefer sa kanya. “Bakit?” tanong niya. Mukhang nagulat at nabigla ang binata sa bigla niyang tanong. Napakunot nag noo ni Kiefer sa kanya. “What do you mean?” tanong ni Kiefer. “Ito. Bakit ang bait mo sa akin? Ngayon ko napapansin na iba ang pakitungo mo sa akin kaysa sa ibang tao? Bakit ako lang ang dinadala mo sa ganitong lugar?” sunod-sunod niyang tanong. Hindi agad nakapagsalita si Kiefer. Ayaw niyang maging asyumera pero sa pinapakita ng binata ay hindi niya maiwasang makaramdam nito. Natatakot siya na baka may kung anong maramdaman siya sa lalaki at sa huli ay maling akala lang pala. “Ano… I don’t know either. Basta ayaw ko lang makita kang nahihirapan or malungkot. Hindi ako sanay na makita kang ganyan. All I want is to make you happy,” sabi ni Kiefer sa kanya. "Natanong ko lang. Ayaw ko kasing bigyan ng kahit anong kahulugan ang mga ginagawa mo. Ayokong maging asyumera. Ayokong bigyan ng kulay ang lahat ng mga ito," sabi niya. Tumango ang binata sa kany at muling tinuon nito ang pansin sa tanawing nasa harapan nila. "I don't know kung bakit ayaw kitang makitang malungkot. All I know is that I want yo wipe away your tears and replace it with a happy smile." At aaminin niya, kinikilig siya. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang mga pangyayaring ito. Iniisip na lang niya na ganito makitungo si Kiefer sa mga naging sekretarya nito. Humangin ng malakas at dama niya ang lamig ng hangin. Kulay kahel na ang kalangitan at ilang minuto ang lumipas ay naging madilim na ang kalangitan. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang paglitaw ng bilog na buwan na handang maging tanglaw sa gabing ito. "Maraming salamat, Sir Kiefer," sabi niya. "Walang anuman, Lorie. Ayaw ko lang makitang malungkot. I always want to see you smile." SA TOTOO lang, hindi niya alam kung ano ang isasagot sa dalaga dahil manging siya ay hindi niya alam ang sagot. Hindi din niya maintindihan ang kanyang sarili. Ayaw niyang makitang ganito ang dalaga. Gusto niya makita ang mga ngiti nito. Kaya hindi niya alam kung ano ba dapat ang sagot sa kanyang sekretarya. Ang alam lang niya komportable siyang kasama ang dalaga, na nasa paligid ito. "Ihahatid na kita sa inyo," sabi niya. Pasado alas siete na din ng gabi at tapos na ang oras ng trabaho. Umalis na sila sa garden at bumalik sa kanyang opisina. Kukunin na sana niya ang kanyang mga gamit nang magsalita si Lorie. "Sir, 'wag mo na akong samahan. Sapat na sinamahan niyo ako,' sabi ni Lorie. "Hindi ako papayag. Kailangan may maghahatid sa'yo. Baka kung ano pa ang mahyari sa'yo sa daan." "Eh sir, maliit at magulo ang lugar kung nasaan kami nakatira. Nasa isang squaters area kami," katwiran ni Lorie. Umiling siya. "So what? Hindi na ako bago sa ganyang lugar. I once lived in a squaters area," sabi niya. "Baka ma-carnapped ang sasakyan mo dun, Sir. Hindi talaga katiwa-tiwala ang lugar namin," sagot naman ni Lorie. "Then I will leave my car here. Mag-commute tayo," sabi niya. "Pero sir, abala po ito sa'yo," sagot ni Lorie. "One more reject Lorie, you will realy hurt my feelings," sabi niya. Mabilis na itinikim ni Lorie ang kanyang bibig. Sabay silang lumabas ng building ni Lorie. Hinayaan niyang dalhin siya ng dalaga sa tamang sakayan. Ilang minutong lakaranm pa mula sa building patungo sa sakayan ng jeep. Mabuti na lang at lagpas na ng rush hour kaya hindi na ganoon kahirap sumakay. Siksikan sa jeep. Samu't saring amoy ng bawat pasahero ang kanyang naaamoy. "Lorie, magkano pamasahe?" tanong niya. "Ako na, Sir—" "Wala na tayo sa opisina, Lorie," sabi niya. "Ako na K-kiefer." "Ako na magbabayad. Magkano ba?" tanong niya. "Eleven pesos," sagot ni Lorie sa kanya. Iniabot niya ang singkuwenta pesos kay Lorie at ito na ang nag-abot ng bayad. Napaisip siya. Ilang taon na ba ang lumipas mula nang magkaroon siya ng sasakyan? Hindi na niya maalala kung kailan ang huli niyang pagsakay ng jeep. Noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo ay madalas siyang sumakay ng jeep. Parang dati lang naalala niya na siete pesos lang ang pamasahe noon pero ngayon ay onse pesos na. Nagbabago na talaga ang panahon. "Bayad po!" sigaw ng isang pasahero. Iniabot niya ito at ibinigay sa driver. Napasimangot siya nang maramdaman niya ang pagsandal ng ulo ng isang lalaki sa kanyang balikat. Gusto niyang alisin ang ang ulo nito pero hindi niya alam papaano i-approach ang natutulog na lalaki. "Para po!" sigaw ni Lorie. Lihim siyang nagpasalamat dahil nakarating na sila. Pagbaba nila ay pumasok sila sa isang eskinita at sinalubong sila ng mga lalaking nag-iinuman. Sumipol pa ang isang lalaki sa pagdaan nila. Akmang sisitahin niya sana nang biglang hawakan ni Lorie ang kanyang braso at umiling. "'Wag na Kiefer. Mapapaaway ka lang," sabi nito sa kanya. "Pero binabastos ka nila," sagot niya. "Sanay na ako sa mga iyan at binabalewala ko na lang. Ayokong mapahamak ka. Sabi ko sa'yo magulo dito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD