SINISIKAP ni Gavin na mapatugon nito sa halik si Ferlyn. Pero bago pa mawala sa katinuan si Ferlyn ay sinikap niyang makawala sa halik ni Gavin na hindi maitatanggi ni Ferlyn na kay sarap naman talaga. Ngunit ayaw niyang magpaka-easy-to-get sa harapan nito. Hindi pa sila lubos na magkakilala para bumigay agad dito. Oo, sobrang na-touch siya sa binitiwan nitong mga salita kanina. Pero natatakot siyang magbigay basta-basta ng tiwala sa isang tao matapos ng mga pinagdaanan niya. Medyo habol pa ni Ferlyn ang kaniyang paghinga nang makawala sa labi ni Gavin. “Hiwalay na ako, oo. P-pero hindi ako ang klase ng babae na go agad sa iba. Hindi ako easy to get,” mariin niyang wika kay Gavin. “Hey, wala akong sinabi na easy to get ka. O kahit ang isipin ‘yon. I’m just making you remember everythi