Mabigat pa man ang kanyang pakiramdam ay agad na siyang bumangon. Panay din ang sabi niya na tanggalin na ang kanyang dextrose upang makauwi na siya. Nang malaman niyang alam na ni Onyx na isinugod siya sa Ospital ay labis siyang umasa na pupuntahan siya nito. Ngunit laking pagkadismaya niya nang wala man lang itong paramdam kahit anino lamang nito. Kahit na masakit pa ang kanyang katawan ay mas ramdam niya ang sakit ng kanyang puso. Hindi niya lubos maunawaan kung ano ang kanyang nagawa at gano’n na lang ang nararamdaman niyang pag distansya ni Onyx sa kanya. Kahit anong gawin niya ay wala talaga siyang maalala. “Mandy . . . Bakit pakiramdam ko parang galit sa ’kin si Onyx? Ano ba ang ginawa ko at pakiramdam ko ang layo niya sa akin. Hindi ba’t sabi mo ay dati niya akong asawa, anong nan