Chapter 2

2015 Words
Nasa loob ako ng isang van na naka-park hindi kalayuan sa main entrance ng Anox, ang kumpanya na pag-aari ng target ko. According to the information that Seventh Sector gave to me, he never parked his car in their parking lot. He always puts it in the main entrance for easy access since he always needs to go out even during his work hours. Sa mga kamay ko ay isang Nr.1 Barrett M*2. Isang american weapon na in-issue ng organization para sa misyon na ito nang sa gayon ay maging madali sa akin ang pagbaril kahit pa 1500 yards ang layo ng target. Mas madali kasi ito nang sa gayon ay agad akong makakaalis pagkatapos ng misyon. Mahihirapan ang mga awtoridad na tukuyin kung saan manggagaling ang bala na siyang tatapos sa buhay ng lalaking iyon. Kakatapos lang ng office hours at mula sa scope ng ng baril ko ay nakikita ko na nagsisimula nang maglabasan ang mga empleyado ng Anox. Ibig sabihin nito ay masisilayan ko na ang target kong si Lancelot Neon. “He will be the in just a minute,” dining kong sambit ni Li-San mula sa communication device na suot ko ngayon. Si Li-San Cesium ang nag-iisang anak ng pinuno ng Seventh Sector na si George Cesium. Maliban doon, nagtatrabaho din siya dito bilang agent, technical analyst at communicator naming mga field agent mula sa headquarters. Siya din ang guide namin para sa mga escape routes kung sakaling magkaroon ng problema sa mga misyon na hinahawakan namin. She is my girl best friend who always looks out for me whenever I am doing a job for the organization. “I still can’t believe that in just a minute, you are going to kill the man of my dreams,” sambit ni Li-San na ikinakunot ng noo ko. “Sana man lang ay nasilayan ko siya sa huling pagkakataon bago siya mamatay.” “Yeah, he will be the man in your dreams tonight,” singhal ko. “Seryoso ka dito, Li? You admire this kind of man?” “Well, you can’t blame me for that,” sagot niya. “He is nice to everyone around him and he is handsome. And his body? Oh my! You should have seen it and I am sure that you will also—” “Sira ulo kang babae ka!” singhal ko sa kanya. “Straight ako! Bakit ako titingin sa katawan ng kapwa ko lalaki?” Kahit kailan talaga ang babaeng ito. “Chill!” At tinawanan pa nga ako.”Alam ko naman na straight ka pero sinasabi ko lang na kahit ikaw ay siguradong hindi maikakaila ang charm ng isang Lancelot Neon. He can make you fall in love—” “Nakakadiri na ang mga pinagsasasabi mo, Li-San!” putol ko sa kanya. “Itigil ko na iyan bago pa ako masuka. Sabihan mo na lang ako kapag nasa range na ang lalaking iyon paglabas niya ng building.” “Hmp! Ang killjoy mo talaga kahit kailan!” Napailing na lang ako. However, I can’t really blame her because that man is like a living god when it comes to his appearance and every woman in this country is head over heels for him. May sumpa nga yata ang itsura ng lalaking iyon dahil walang nakakatakas sa charm na mayroon siya. Ah, mas okay nang matapos ang misyon na ito sa lalong madaling pahanon. Then, I will visit a bar and drink myself all night. Matagal-tagal na din nang huli akong maggala at maganda din itong oportunidad para makapag-relax dahil alam ko na muling magiging tagumpay ang misyon kong ito. “Nakalabas na siya,” dinig kong muling sabi ni Li-San. Huminga ako ng malalim at agad na hinanap ang target ko. Napangisi pa ako nang makitang ang tanging kasama lang nito ay mga babaeng empleyado na masayang nakikipag-usap sa kanya. I was a bit worried earlier because this case is treated as special yet with everything going on, it will be easy for me to execute my plan. That man doesn’t even bother to put a bodyguard on him. Oh, maybe he doesn't know that his life is in danger. Well, whatever the reason, I don’t really give a damn. I am at an advantage because of his carelessness so I will take his life. Tumingin muna ako sa paligid para masigurong walang madadamay sa pagbaril ko. Nang masigurong clear ang lahat ay inilapat ko na sa trigger ang daliri ko at inasinta ang baril sa ulo ni Lancelot Neon na ngayon ay nakatayo na sa tabi ng kanyang sasakyan habang nagpapaalam sa kanyang mga empleyado. Bahagya akong natigilan nang matamis siyang ngumiti sa mga kaharap ngunit agad kong iniling ang ulo ko at nag-focus sa misyon. “Well, you should only blame yourself for creating something that puts your life in danger.” I was about to pull the trigger when I heard Li-San’s scream. “s**t!” “Abort! Adze, mission abort! Abort!” She repeated it a couple of times. I immediately took off my finger at the gun’s trigger and opened my laptop to have a video call from Li-San. “What the hell was that, Li?” “I am sorry,” sabi niya. Halatang maging siya ay nataranta din dahil sobrang lapit ng mukha niya sa camera. “Kumalma ka muna, babae,” singhal ko. “Explain what happened.” Huminga siya ng malalim tsaka naupo ng maayos sa kanyang upuan. “I just got a message from Dad saying that your mission to kill Lancelot Neon was canceled. And I don’t know how to say it to you in a nice way since you’re about to pull your trigger.” I sat up and started disassembling my gun. “Why did they cancel the mission?” “It is a red case, right?” she said. “At sigurado naman na pumasok sa isip mo ang iba pang posibilidad na siyang dahilan kung bakit nasa red category ang isang ito.” “Oh.” Tumangu-tango ako. “Someone is interested in him.” Tumango din siya. “They are interested in the system that he created, to be exact. And Lancelot Neon was the only one who knew the location of it so a lot of people joined the game,” paliwanag niya. “Isa sa mga kliyente ang nakaisip ng ideya para malaman kung ano ang dapat gawin ng Seventh Sector para sa misyon na ito.” “We are auctioning Lancelot Neon’s life?” Bumuntong hininga siya at muling tumango. “Looks like you to the gist of this new situation,” aniya. “May dalawang panig ngayon ang kliyente na involve sa red case na ito. And they are both fighting using their money to keep Lancelot alive or dead.” Damn it! Akala ko ay magiging madali na ang trabahong ito kaya naging kampante ako na maagang matatapos ito. Kaya naman pala kakaiba ang pakiramdam ko dito. Ah! Nakakasuka man ang karamihan sa mga nagiging kliyente ng Seventh Sector ay wala din naman akong magagawa. Sila ang may maraming pera na siyang natatanggap namin sa mga misyon kaya wala akong karapatan na magreklamo. “So? Ano na ang mangyayari ngayon?” Inilagay ko na sa violin case ang mga baril ko. Mas madali ito upang masiguro na hindi mapaghihinalaan na baril ang dala ko. “Well, most of the clients who are after his life started contacting other organizations and freelance assassins to ensure that he will be killed,” sambit niya. “On the other hand, ang Seventh Sector lang ang tumanggap sa request ng kabilang panig para protektahan si Mister Neon.” “Ibig sabihin, ako na din ang ia-assign para maging protector niya since pilit ko namang kinuha ang misyon na ito?” “I am glad you got everything right!” Binigyan niya ako ng ngiti na parang sinasabi na wala akong choice ngayon kung hindi tanggapin ito dahil nga ako naman ang nagpilit para gawin ito. Bumuntong hininga ako. “Alam kong hindi magiging madali sayo ito,” dagdag niya. “Kaso, ikaw lang din kasi ang may experience sa pagiging protector at assassin. Gustuhin ko man ay hindi rin kita basta mapu-pull out.” “Nah.” Umiling ako. “Wala din naman akong planong tanggihan ang pagbabagong ito sa misyon.” Yes, I am the top agent of our organization when it comes to assassination but I once became part of the protection department. Doon ako unang na-assigned matapos ang training ko pero agad akong inilipat ni Sir George sa assassination department dahil higit daw na magagamit ko ang kakayahan na mayroon ako dito. Ah! Para sa malaking halaga na kapalit ng misyon, hindi ko uurungan ang kahit anong pagbabago na nangyayari dito. Isa pa, alam ko kung ano ang kakayahan ko. I am the top agent of the Seventh Sector, so I shouldn’t doubt myself over some changes. “May pagbabago din sa reward na matatanggap mo,” sabi pa ni Li-San na higit na nakakuha ng atensyon ko. “Makakatanggap ka ng isang milyong euros sa bawat assassins na mapapatay mo na siyang ipinadala para patayin si Lancelot.” Nanlaki ang mga mata ko. “W-what?” This is more than I can receive if I just kill him. “Tulad ng naunang na-discuss sayo, mababawasan ang pera sa rewards mo kapag nagtamo ng matinding pinsala si Lancelot habang pinoprotektahan mo siya,” dagdag pa niya. “Pero hindi mo na kailangan na mag-alala sa mga posibleng masira sa paligid mo habang pinoprotektahan siya. The clients will hold responsibility for all of that so you don’t need to hold back and just do everything you can to make sure that he will be alive until the killing side of our client drops their case.” Hindi ko inaasahan na iyong misyon na matatapos ko lang sana sa loob ng isang gabi ay tatagal pa. Ang masama ay walang kasiguraduhan kung kailan ito matatapos dahil nakasalalay ang lahat sa kung kaninong panig ang mananalo o kung may isa sa kanila ang susuko sa kaso nila. Bumuntong hininga akong muli. Kailangan kong paghandaan ang lahat ng ito dahil bawat araw na lilipas ay magiging delikado din ang sitwasyon. Lalo na kapag dumating na dito ang mga dagdag na assassin na inuupahan para tapusin ang buhay niya. Sinukbit ko ang bag sa balikat ko at binuksan ang pinto ng van. “Okay. I understand all of that and I will accept the terms and condition of this job.” “Good,” she said. “But let me remind you of the last part of the contract.” Kumunot ang noo ko. “There’s more?” “Well, it will apply if you fail your mission,” aniya. “First, if Lancelot dies, lahat ng rewards na nakuha mo sa pagdispatsa sa mga assassin na naghahabol sa kanya ay babawiin ng client. Wala kang makukuha kahit pa makaipon ka ng misyon at nakapatay ng isang dosenang assassin. Those people need that man alive so do everything you can to protect him.” Well, hindi na nakakapagtaka iyon. Gusto lang nila na magkaroon ng sapat na dahilan ang Seventh Sector para seryosohin ang kasong ito. “And second, you have to prepare your life because those who wanted him to be alive will surely make your life miserable for failing the mission.” Iyan ang isang bagay na inaasahan ko. Aba’y hindi maglalabas ng malaking pera ang mga iyon kung hindi sila umaasa na makakakuha ng malaking benepisyo para sa resulta nito. “Walang eksaktong duration kung kailan matatapos ang misyon kaya ihanda mo ang lahat ng kailangan mo,” sabi pa niya. “Both sides are still negotiating and I think it will take a long time to decide the fate of Lancelot’s life. For now, protect him with everything you got. I will inform you immediately once there are changes in your mission.” “Okay.” Tinapos ko ang tawag namin at tuluyan na akong lumabas ng van.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD