bc

Saving Mr. Billionaire (Filipino)

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
adventure
billionaire
HE
submissive
badboy
heir/heiress
bxb
lighthearted
mystery
city
surrender
selfish
like
intro-logo
Blurb

Adzel Nickel loves money more than anything else in the world, so when he learns that the Seventh Sector, an organization where he works, has some big-time clients, he immediately makes sure that he will be the one who gets assigned to the mission.

His target is Lancelot Neon, a billionaire CEO of a big car company.

When he was about to pull the trigger that supposedly killed the target, his superior changed his job from kill to protect. He was also reminded that any minute, his job might change again and get back from killing the target, so he was expected to keep an eye on him.

Their lives start to get messy until they fall in love with each other, which makes Adze betray his organization and choose to protect Lancelot from anyone who will try to harm him.

But will he be able to do that if all of the organizations around their country, as well as his previous organization, will come after both of them?

Can he really save Mr. Billionaire?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“What the hell are you doing here?” gulat na tanong sa akin ng head ng organisasyon na pinagtatrabahuhan ko. “Sinabihan kitang magbakasyon muna, hindi ba? Bakit bumalik ka pa dito?” Tamad kong binagsak ang sariling katawan sa malambot na sofa na nasa harap ng table nito. “Wala ako sa mood na magbakasyon,” sagot ko. “Isa pa, may nabalitaan ako mula kay Li-San na may confidential mission ka na ia-assign sa isang field agent ng assassin department at malaki ang bayad dito.” Naningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa akin pagkuwa’y napailing na lamang. “Hindi na maituturing na confidential kung nakarating sayo.” Bumuntong hininga siya. “Pero tama ang sinabi ni Li-San. Malaki ang bayad sa misyon na ito.” Sumandal siya sa kinauupuan at diretsong tumingin sa akin. “Basta talaga pera ang pinag-uusapan, ang lakas ng pang-amoy mo.” Nagkibit-balikat ako. “Well, I am just one of the people in this organization who fights for our lives because of money,” I said. “You know, money is life. So, give that mission to me. Ako na ang gagawa.” “Sa tingin mo ba ay makakaya mong gawin ito?” Tumaas ang kilay ko sa tanong niyang iyon. Nakakalimutan ba niya na ako ang pinakamagaling na tauhan niya sa organisasyon na ito para pagdudahan ang kakayahan ko pagdating sa isang misyon? Natawa siya pagkuwa’y muling umiling at ibinato sa mesa ang isang red folder. Medyo natigilan ako habang nakatitig sa folder na iyon. May apat na kulay ng folder ang ginagamit ang intelligence department ng organisasyon na ito. Doon kami bumabase kung madali lang ba ang misyon na gagawin namin o hindi. Ang puting folder ay naglalaman ng misyon na kung saan ang subject ay isa lang at may definite time frame ang serbisyo na aming gagawin. We treat this kind of mission as an easy one considering the environment where our subject lives or works. Ang blue folder ay misyon na siyang mayroong subject na isang high-profile. Medyo mahirap ito para sa amin dahil hindi maiiwasan na mayroong ma-involve na mga taong nakapaligid sa subject. Ang black folder ay kapag isang grupo ang subject kaya kailangan naming humingi ng tulong sa ibang agent upang masigurong maayos ang serbisyo na gagawin namin. Ang ang red folder ay itinuturing na espesyal. Ito kasi ay ang klase ng misyon na posibleng magbago ang serbisyong kailangan naming ibigay ng biglaan depende sa magiging demand ng kliyente namin. “Do you think you can do that?” Ngumisi ako. “Don’t forget that I was the one who did the last red mission we had last year.” Kinuha ko ang folder at sinimulan itong basahin. “It fits your expertise so I guess there is nothing wrong with you taking it,” aniya. “The subject’s life is worth five hundred thousand euros. And just like the rules of the organization, it will get deducted by the damage that you will make to the place where you will kill him.” I nodded. I am Adze Nickel. 25 years old, a man who grew up in an orphanage, and like I said, I am one of the best agents that this organization has. The Seventh Sector. Ang Seventh Sector ay isang organisasyon na hindi sakop ng gobyerno ng Avenir Kingdom. Kilala ng organisasyon na ito bilang isang private security agency na nag-o-offer ng personal para maging bodyguard for a certain amount of time. May mga kontrata din kaming nakukuha mula sa mga gobyerno ng ilang bansa para mag-conduct ng rescue mission tuwing kailangan nila ng serbisyo namin. Well, pwede din naman kaming kontakin ng isang indibidwal para sa serbisyo na ito ngunit kailangan namin ng permiso ng gobyerno kung saan naninirahan ang kliyente at subject ng misyon namin upang maiwasan ang kahit na anong problema. We also offered an investigation where we only sold information to our client about the subject. At lingid sa kaalaman ng publiko, maging ang assassination ay in-o-offer din ng organisasyon na ito. And of course, all of these services were served in exchange for money. Ang serbisyo namin ay bukas sa lahat. Mafias, drug lords, syndicates. Mabuti man o masamang politician ay tinatanggap namin bilang kliyente basta mayroon silang kakayahan na magbayad ng malaking halaga na kapalit ng serbisyong ibibigay namin. Kahit ang mga ordinaryong businessmen, mga kilalang personalidad sa entertainment industry. Kahit ang mga hari, reyna, prinsipe man o prinsesa ng mga monarkiyang bansa. Wala kaming pakialam kung anuman ang katayuan ng kliyente namin sa buhay dahil ang mahalaga lang sa amin ay pera. Yes, pera. Kung kayang magbayad ng kliyente, walang pagdadalawang-isip naming gagawin ang gusto nilang mangyari. Hindi kami makikiusyoso sa dahilan kung bakit nila gustong i-avail ang serbisyo namin, mabuti man o hindi ang dahilan nila, sisiguraduhin namin magiging tagumpay ang misyon. Because everyone in the Seventh Sector believed in one thing. Money can buy everything that we need to stay alive in this f*****g cruel world. Halos siyam na taon na din ako sa trabahong ito. At mula pa noon ay laging ang mga misyon na mayroong malaking bayad ang kinukuha ko kay Sir George dahil pera lang naman ang kailangan ko sa buhay ko. Wala akong pakialam sa ibang bagay at ayon sa mga kasama ko, marahil ay iyon ang isa sa dahilan kung bakit magaling ako sa trabaho ko. Kapag maraming pera ang isang tao ay magagawa at makukuha nito ang kahit na anong bahay na gustuhin niya. Iyan ang paniniwala na tumatak sa akin habang lumalaki ako kaya wala akong ibang gustong gawin sa buhay ko kundi ang magpayaman. “Have you already reviewed his profile?” tanong ni Sir George matapos kong ibalik sa table ang folder. Tumango ako. “Yeah, I got what I need,” sabi ko. “But for some reason, there is something that made me curious about this guy.” Kumunot ang noo niya. “Why did someone want to assassinate the CEO of Anox, who is known for being a nice and kind person to everyone around him?” tanong ko. “Kahit iyong mga business competitors niya ay wala ding masabing masama tungkol sa kanya dahil lumalaban siya ng patas sa negosyo. Kaya hindi ko maintindihan. Bakit mayroong gustong magpapatay sa lalaking iyon?” Lancelot Neon is a 28-years-old CEO of a multi-billionaire luxury company, the Anox, that sells high-end cars around the world. Kilala siyang mabait at mabuti sa mga tao sa paligid niya. At base sa huling interview ng isa sa kaibigan niya sa sikat na men’s magazine, hindi siya kailanman nagpakita ng masama sa kahit na sino. Hindi pa din nila ito halos nakikita na magalit o mainis kahit na madalas nila itong biruin. He is always composed and easy to approach. That is why a lot of people liked him. Aside from all of that, he is a good-looking young man. “Wala akong nakikitang rason para saktan nila ang lalaking iyon,” dagdag ko. “Oh.” Tumangu-tango siya. “Iyan din ang iniisip ko matapos basahin ang profile niya. But he is not an ordinary person.” “What do you mean?” “What I was about to tell you is what makes this mission confidential and I want you to keep everything to yourself and don’t tell anyone about it even to Lancelot, okay?” Tumango ako. “Kilala mo naman ako, Boss.” Itinuro niya ang big screen na nasa gilid namin kaya agad kong binalingan iyon. At doon isa-isang lumabas ang lahat ng impormasyon tungkol kay Lancelot Neon na siyang wala sa folder na ibinigay niya sa akin kanina. Sa dami ay halos sumakit ang mata ko kakabasa. “Lancelot Neon is a genius programmer who managed to create a system that has the capability of overriding and controlling other technology and electronic devices around the world without leaving his office,” aniya. “At ang system na iyon ay itinuturing na threat ng mga nakakaalam nito na maaaring magpahamak, hindi lang sa iilang tao, kung hindi sa isang buong bansa o maging sa buong mundo. Lalo na’t siya lang ang mayroong access sa system na iyon.” “At natatakot ang mga kliyente natin na baka gamitin niya iyon para guluhin ang mundo kapag ginusto niya?” Nagkibit-balikat siya. “Our clients are not the noble ones, Adze,” sabi niya. “Posibleng natatakot lang sila na mabulgar ang mga itinatago nilang sikreto na kayang ilabas ng system na iyon kaya habang maaga pa ay gusto na nilang alisin ang posibilidad na iyon.” “At kung mamamatay ang lalaking iyon ay wala nang makakagamit ng system,” sabi ko. “Hindi nila naisip na mas malaki ang benepisyong makukuha nila kung hahayaan nilang mabuhay si Lancelot at kumbinsihin ito na makipagtulungan sa kanila?” “Naisip naman nila iyon,” sagot niya. “And they did try to approach him to offer him something that can save his life but Mister Neon refused to cooperate with them.” “Oh.” Tumangu-tango ako. “Kaya naman pala gusto nilang ipapatay para masiguro na walang sinuman ang makikinabang dito.” Killing him is the only way to prevent anything that may destroy what they currently have. Oh well. Hindi na iyon sakop ng trabaho namin at wala na din naman akong pakialam. Na-curious lang ako sa rason dahil madalas kong makita ang pangalan ng lalaking iyon sa mga magazine na binibili ng kaibigan kong si Li-San. Tumayo ako at nag-inat. Ito na yata ang pinakamadaling trabaho na magagawa ko para sa taong ito na mayroong malaking bayad. “I will do it tonight,” sabi ko. “Paki-inform na lang si Li-San at sabihan siya na i-prepare ang lahat ng kailangan ko.” Isang bilyonaryo at hinahangaan ng marami ang target ko ngayon pero kung ano siya at anuman ang mayroon siya ay walang silbi para mailigtas ang buhay niya sa mga kamay ko. Dahil ako mismo ang kukuha sa walang kwenta niyang buhay kapalit ng malaking halaga na ibibigay ng mga taong gustong mawala siya sa mundo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.7K
bc

NINONG III

read
384.1K
bc

NINONG II

read
630.7K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
20.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
60.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
279.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
46.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook