CHAPTER THIRTEEN: ••• ••• Natahimik naman ako sa sigaw niya. Um-echo ata sa buong lugar dito ang boses n'ya. Mabuti na lang nasa lugar kami na walang katao-tao—Mali, wala talagang mga tao. Kanina, habang sinusundan ko siya, bigla siyang lumiko kaya sinundan ko siya. Hindi ako sigurado kung nasaan ako ngayon basta ang naalala ko ay lumiko lang kami, tapos papasok. Hanggang sa nandito na kami, nasa lugar na wala ng tao. Batuhan rin ang daan kaya siguro nasamid ako. Hindi na lang ako nag-ingay. Nanahimik na lang ako. Baka kasi kapag magsalita pa ako ngayon, iiwan niya ako dito. Wala akong balak maiwan sa lugar na'to. Hindi ako familiar dito kaya hindi ako pwedeng maiwan dahil baka hindi na ako makabalik. Wala pa naman akong sense of direts'yon. Nagtaka ako nang huminto siya sa pag