CHAPTER 17 NAPAKISLOT si Celestine nang maramdaman niya ang sakit ng kanyang pisngi at sa kaliwang mukha. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Ang unang napansin niya ang puting pader. At ang puting hose na nakasabit sa steel. Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at napansin niya ang nakatusok na dextrose. Nakita rin niya ang dalawang lalaki na nadahilan kung bakit siya humantong dito sa hospital. “Celestine, gising ka na. May masakit ba o may gusto ka bang kainin?” puno ng pag-aalang tanong ni Ryan. Kaagad siyang umiiling, hindi siya sanay na may mag-aasikaso sa kanya. Samantalang kanina pa gustong hilahin ni Governor Hermedes si Ryan dahil kanina pa ito lapit nang lapit kay Celestine. Halata naman na nagte-take advantage ito dahil ang lalaki ang pinagkakatiwalaan ng bab