NABALOT ng katahimikan matapos lisanin ni Celestine ang lugar at naiwan ang mga lalaki. “Maldita ka talaga! Tingnan lang natin kung hanggang saan aabot ’yang kamalditahan mo kapag naging asawa na kita!” sa isip ng Gobernador. Lahat yata ng kapintasan bilang isang babae nakikita niya kay Celestine. Wala ito sa kalingkingan sa mga babaeng nakakasalamuha niya at nagpahayag ng interes sa kanya. Ang iba pa nga halos lumuhod at sambahin siya. Ngunit embes na layuan gayon na lamang ang pagpursige niya na mapabilis ang kanilang kasal. “Governador Hermedes, aalis na ba tayo o susundan natin ang chika babe mo?” Napatda siya nang marinig ang boses ni Rex. Kanina pa pala siya nakatungatunga at nakatitig sa daan na nilisanan ng dalaga. “Just don't mind her, let's go back to my office!” matigas n