CHAPTER NINE HINDI magkaumayaw sa pag-ayos ng kanyang mga panindang mani si Celestine. Tinanghali na kasi siya ng gising dahil nagpa-partime job siya tuwing gabi bilang tenant sa isang burger shop. Kailangan niyang magsipag dahil sa malaking pera na kanilang kinakailangan para sa operasyon ng kanyang Ina. Kailangan niyang makalikom ng pera na katumbas sa perang gagastusin ng Gobernador para sa operasyon. Ayaw niyang tumanggap ng tulong mula sa lalaki. Sa abot ng kanyang makakaya babayaran niya ito at ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa lalaki. Ayaw niyang maging habang buhay na alipin ang kanilang pamilya sa anino ng Governor. Dahil kumbinsido talaga ang kanyang isipan na maitim ang budhi ng lalaki at sinasamantala lamang nito ang kanilang pangangailangan. “Friend, magpahinga ka n