"Adam, nandito ka na pala.” Pamilyar na boses ni Bashyang ang narinig ko mula sa may likuran ko. Dahil doon kaya napalingon ako agad sa kaniya, nakita ko rin sa gilid ng mga mata ko ang pag silip din ni Leah kay Bashyang. Doon ko nakita na mukhang katatapos niya lang na maligo dahil basa pa ang buhok niya. Ngunit, hindi rin nag tagal ang atensyon ko sa buhok niya sapagkat napagawi na ang paningin ko sa suot-suot niyang damit. Hindi ko napigilan na mapakunot ng noo. Nakasuot na naman siya ng short. Hindi ba at napag-usapan na naming dalawa ang tungkol sa bagay na ‘yon noong nakaraan? Hindi ba at sinabihan ko na siya na ‘wag magsusuot ng mga ganong klase ng damit lalo na at dalawa kami ni Adam na lalaki rito sa bahay? At ngayon pa talaga kung kailan may mga bisita sila sa bahay. Tsk. Ang