ALAS-DOS na ng hapon kami nakarating sa Wood Cove Beach kung saan kami mag i-stay overnight. Nasa loob pa lang kami ng sasakyan habang nagpa-park si Apollo ay tanaw na tanaw ko na ang ganda ng lugar. Idagdag pa na low tide kaya mas lalo kong na enjoy na pag masdan ‘yung maliliit na alon sa dagat. Ang ganda ng lugar! Ito rin ang unang beses na nakapunta ako rito… mas sanay kasi ako sa Boracay, El Nido Palawan at Siargao-- doon kasi talaga kami kadalasan na pumupunta ng barkada kapag naiisipan namin na mag out of the town at kapag nami-miss na namin ang dagat. Nang makita ko anga kabuoan ng lugar, halos lahat ng iniisip ko kanina pa ay nag laho na lang na parang bula. Kanina kasi ay mas pinili ko na lang na manahimik sa natitira pang oras ng pag biyahe namin dahil nga sa mga natanggap kong