January 10, 2017
Prince J
"What's with the face? Sambakol na naman ang mukha ng prinsipe," pang-aasar na naman ni Cedric.
"Tss. Kumusta na 'yong pinapabantayan ko sa 'yo?"
"As usual, I'm still watching over your princess. Ewan ko ba sa 'yo. You must be the one doing this and not me."
"Tsk. Mahirap ang hinihingi mo."
"Walang mahirap kung gugustuhin mo. Try to think about what you have lost and what's still left to you. Baka sakaling malinawan na 'yang pag-iisip mo."
I just sighed deeply. Habang tumatagal, umi-igsi ang oras ko. I have to decide now not for myself, kundi para sa mga mahal ko.
"Wala pa rin ba siyang sagot?" I asked him again about Nancy's letter.
Dumukot siya sa bulsa niya at inilabas mula doon ang puting sobre. Matapos ko kasing masagutan ang tungkol sa slumbook ni Nancy ay hindi pa rin siya sumusulat hanggang sa ngayon.
'Di ko tuloy maiwasang malungkot nang dumaan ang pasko at bagong-taon na hindi man lang siya nakakausap.
Cedric said the family was on vacation in the province. That's probably the reason, why she couldn't send me a letter. Naiintindihan ko naman 'yon.
"And this," Cedric said before taking out and placing a paper bag he was carrying on the table.
Napakunot naman ang noo ko habang nakatitig doon.
"What's this?"
"See for yourself," nakangisi niyang sagot. Tsk.
I picked it up and peeked inside. Telang nakatupi ang nakita kong laman niyon.
"Can I see that too?"
Kaagad kong itinupi ang paper bag nang tangkang sisilip din ang ususerong Cedric.
"Tss." Kaagad na akong tumayo at iniwan siya.
Pagpasok ko sa loob ay saka ko pa lamang binuksan ang liham.
January 5, 2017
Mahal kong Prinsipe,
Merry Christmas and happy New Year!! Nakita mo na ba 'yong gift ko para sa 'yo? Isuot mo 'yan, ha. Hindi p'wedeng hindi! Kahit hindi mo nagustuhan, isuot mo pa rin!
Sorry ha, ngayon ko lang naipadala ang liham ko. Nakaligtaan ko kasi kung saan ko nailagay noong nakaraan eh, nagmamadali na sila mama kasi uuwi kami ng province.
Dapat idadaan ko 'yan sa post office, eh. Ayon naiwala ko. Na-late tuloy 'yong bati ko sa 'yo at gift ko. :(
Nakita ko lang noong nakabalik na kami. Sorry talaga, ha. Bati na tayo. Mwaah.
By the way, balik tayo sa Slum note. Gigil mo 'ko ah!
Sabi ko wrong answer, wrong! Pinahihirapan mo talaga ako, mahal na prinsipe. Binigyan mo lang ako ng clues. Dumudugo utak ko sa 'yo.
Totoo ba 'yong description mo sa sarili mo? Bakit ang perfect? Parang 'yong crush ko, perfect.
Bigla akong napahinto sa sinabi niyang 'yon. Crush? May crush siya? Tsk.
I just sighed deeply before resuming reading.
Pero dati lang 'yon. Para siyang bula, pumutok at biglang nawala.
Mahal na prinsipe, sa RTU ka nag-aral? Classmate ba kita? Pero hindi tayo magka-edad. 20 pa lang ako.
Ah, siguro schoolmate.
Lagi kang nakatitig sa akin? Siguro prof kita, no? Kasi sa iba ako tumitingin, iniiwasan ko ang mga mata ni prof. Baka kasi tawagin ako, eh hindi ko alam ang isasagot ko. Hehehe.
Bahala ka na nga. Kung ayaw mo, 'wag mo.
Mahirap pilitin ang ayaw.
Basta 'yong gift ko sa 'yo, isuot mo, ha. Hindi ko alam kung kakasya ba 'yan sa 'yo. Binase ko na lang sa description mo.
Isipin mo na lang ako 'yan. Nakayakap sa 'yo.
Your Princes,
Nancy
Napangiti na lang ako. Napaka-sweet naman talaga ng prinsesa ko.
I immediately opened the paper bag and took out its contents. Itinaas ko iyon sa harapan ko upang mas makita ko ng mabuti ang hitsura niyon.
"Ang ganda niyan, ah."
"Naks, parang sa akin kasya 'yan."
"Bigay ng girlfriend mo 'yan, no?"
"S'werte mo talaga, boy. Babae pa nagreregalo."
"Sa akin nga walang naka-alala."
Kumento ng mga kasama kong nasa paligid ko ngunit hindi ko sila pinansin.
I just smiled and quickly put on the denim jacket given to me by the woman I love. And wow! It really fits me perfectly.
Ang galing naman niyang bumase.
"Bagay na bagay sa iyo."
"Galing naman pumili ni girlfriend."
"Lalo kang pumogi, bata."
Napaisip tuloy ako.
Wala akong maibigay sa kanya.