April 2, 2016
Prinsipeng Mahugot,
Alam mo bang para tayong naglalaro ng tumbang lata? At ikaw ang lata. Ang sarap mo kasing tsinelasin!
Huwag mo 'kong madrama-dramahan dahil wala tayo sa tanghalan! At 'wag kang feeling artista, dahil hindi ka papasa! Beng!
May pahiling-hiling ka pang nalalaman. Anong tingin mo sa akin, si genieng maalam?
Kaibigan? Marami na akong kaibigan! Gan'yan na lang ba talaga ang kaya niyong ibigay, sa aming mga babaeng ang puso'y malumbay? Sapagkat palagi niyong pinaghihintay sa inyong mga pangakong nakakamatay!
Tigil-tigilan mo 'ko kung ayaw mong maisako. Ibibitin kita nang patiwarik! Para ang mga mata mo ay tumirik! Beng!
Muling nagbabanta,
Walang pangalan
Napangisi na lang ako nang matapos ko na ring isulat ang liham ko para sa kalabaw na nawawala.
"Siguro naman matatakot na siya sa akin, no!" Isinilid ko na siya sa loob ng sobre.
Bukas ng umaga ay dadaan si kuyang Kartero dahil dito lang naman sa malamit sa amin ang bahay niya. Madadaanan niya ang bahay namin bago siya pumasok sa trabaho niya sa post office.
Nahiga na ako at natulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas.
***
PRINCE J
"Masaya ka na naman pogi!" dinig kong sabi ng kasama ko, na alam kong nakikita ako mula sa pagbabasa ko ng liham na puro pananakot lang naman ng babaeng nagpapalukso palagi ng puso ko at nagpapawala palagi ng katinuan ko, lalo na noong nakikita ko pa siya sa personal.
Way back in high school. Noong magkakasama pa kami sa isang paaralan. Pero matapos no'n ay wala na. I can only see her in the distance. Hanggang tanaw na lang.
And now, I haven't seen her in almost a year. Ano na kaya ang hitsura niya ngayon? I'm sure she looks even more beautiful.
Tsk. I really wanna see her. Mas lalo lang akong nasasabik sa kanya.
"Mabuti ka pa may inspirasyon," sabi naman ng isa ko pang kasama.
I just smiled at what they said.
She's the only woman who gives color to my life. At sa oras na mawala siya, katapusan na ng mundo ko.