PRINCE J's POV
"Here. My news is she's been on vacation the past few days. That's probably the reason why she's only now able to send a letter again," said the man I trusted the most as he handed me the letter he was carrying.
"Thanks." Kaagad ko rin naman itong tinanggap.
"I'll go ahead." Tumayo na rin siya matapos ang ilang sandali naming pag-uusap.
Tumango ako at pumasok na rin sa loob.
I was so happy and excited to open the letter that I knew was from her. To the woman I love. Nagkaroon akong bigla ng pag-asang magpatuloy pa sa buhay ko at lumabang muli.
April 26, 2016
Prince J,
Hindi ka ba napapagod?
Kailan ka hihinto? Kailan ka titigil? P'wede ba, huwag mo 'kong pagtripan?! Hindi ako gano'n ka-tanga para maniwala sa mga drama mo sa buhay! At huwag mo na akong idamay pa sa mga problema mo!
Kung matapang ka, magpakita ka! Huwag mong idaan sa pa-liham-liham! At hinding-hindi ako magkakagusto sa 'yo kahit kailan! Lalong hinding-hindi kita mamahalin! Kung hindi mo na kaya, magpakamatay ka na!
Nancy
Bigla akong natulala matapos kong basahin ang liham niya.
Hindi ako nakagalaw mula sa kinauupuan ko. Nanlambot akong bigla.
Libo-libong karayom ang tumusok sa dibdib ko.
Ganito pala ka-sakit kapag ni-reject ka ng nag-iisang babaeng minahal mo sa buong buhay mo. Sa liham pa lang ito. Paano pa kaya kung harap-harapan na niyang sinabi sa akin ang mga katagang 'yon?
Napatingala ako nang maramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Napahinga ako ng malalim nang maramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko sa mga sandaling ito.
Pangalawang pinaka-masakit na dumaan sa buhay ko.
Siguro nga, ito talaga ang nararapat sa akin. Hindi ako nararapat sa kanya.
Alam ko na 'yon, matagal na. Kaya nga wala akong lakas ng loob na lumapit sa kanya. Dahil ni isa, ay wala akong maipagmamalaki sa kanya. Ang mahalin siya, 'yon lang ang kaya kong gawin.