Three years ago
Pangalawang Liham
December 23, 2015
Magandang Binibini,
Sabi nila timang daw ako. Pero 'di naman 'yon totoo. Mali bang ngumiti ako....
...kapag ikaw ang naiisip ko?
Alam mo bang napakalampa mo? Tatawid ka na nga lang sa isip ko. Mahuhulog ka pa sa Puso ko.
At noong oras na nahulog ka, pasensiya ka na...dahil hindi ka na makakalabas pa. Dahil tuluyan ko na 'yang nai-lock...at kailanman, hindi mo na magagawa pang tumakas.
Masayang pasko, magandang binibini. P'wede ba akong humiling? Regalo mong liham sana'y dumating...upang ngayong pasko'y aking makapiling.
Muling umaasa,
Mahal na Prinsipe
***
Ikatlong Liham
February 14, 2016
Magandang Binibini,
Alam mo bang madalas akong tumitig sa mga bituin? Palagi ko kasing ibinubulong sa kan'ya na palagi kang bantayan para sa akin.
Pinipilit kong itago, nadaramang lungkot ko. Naghihintay sa tamang panahon...na ika'y muling masilayan at maabot.
Masayang araw ng mga puso, mahal kong prinsesa. Sana kahit sa ikatlong liham kong ito, ika'y aking mapasaya. Kahit alam kong wala namang dahilan para ito iyong madama.
Naghihintay pa rin ako at umaasa. Kahit matagal ko nang alam na dapat itigil na. Pero para akong sundalo, habang nasasaktan, lalong tumatapang at hindi nagpapatalo.
Nagmamahal,
Ang iyong Prinsipe
Dito sa pangatlo niyang liham tumagos sa puso ko ang mga sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Kilala ba niya ako? Matagal na? Bakit hindi siya lumapit sa akin at magpakilala? Hindi naman ako isnabera, no.
Hindi ko pa rin pinansin ang liham niya. Pero akala ko ay hihinto na siya. Pero hanggang akala lang pala.
***
IKAAPAT NA LIHAM
March 2, 2016
Mahal kong Prinsesa,
Maligayang kaarawan, mahal kong prinsesa. Hinihiling ko na sana ay ikaw na ang pinakamasayang babae ngayong araw na ito kahit siguro sisirain ko na naman dahil makakatanggap ka na naman ng liham mula sa isang masugid na manunulat.
Pero sana ay masanay ka na. Hindi kasi ako mapakali dahil alam kong malayo ka at hindi kita nakikita. Sana sa aking ika-apat na liham ay makatanggap ako ng sagot kahit kapiraso lang. Kahit man lang sa isang liham maramdaman kong kasama kita at hindi ako nag-i-isa.
Patuloy na umaasa,
Prince J
Prince J? Sino 'yon?
At alam niya ang birthday ko! Stalker 'to,malamang!