"Red, tama na," sabat ko sa usapan nila ng mapansin ko ang paghigpit nang kapit ni Sky sa kamay ko. Tinitigan n'ya ako ng maigi at hindi s'ya makapaniwalang sinaway ko s'ya. Labis na kalungkutan ang nakikita ko sa kan'yang mga mata. "Alam ko," mahina kong wika. "Alam mo pero hinahayaan mo lang?" galit n'yang tanong sa akin. Mabuti na lang at biglang bumukas ang pintoan. Hinila ako ni Sky pero bago pa ako makahakbang ay pinigilan na ako ni Red. "Red, please naman oh! Huwag mo ng papalalain ang sitwasyon," pagsusumamo ko sa kan'ya. Akma siyang lalapitan ni Sky pero mabilis ko itong pinigilan. Pumagitna ako sa pagitan nila dahil ayaw kung humantong na naman sila sa gulo. Sa tuwing nag-aaway sila ay palagi na lang ako ang dahilan. "Sky, halika na." Aya ko rito nang makipagtitigan ito sa