Chapter 10

1508 Words
Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong inangkin kagabi at kahit kaninang umaga ay pinaligaya pa rin namin ang isa't isa. Kaya natural lang siguro na mamaga ang aking ibaba. Nang tingnan ko ang mukha niya ay nawala na ang lahat ng galit niya na palagi kong nakikita. Napansin kong mas lumiwanag pa lalo ang itsura niya ngayon at mas guwmapo. Nasorpresa din ako dahil sa biglaan niyang pagbuhat sa akin na parang bagong kasal. Alam niya siguro na hirap akong maglakad kaya kinarga niya na lang ako. Namula agad ako nang tingnan kami ni Nelia. Nahihiya ako sa kaniyang ginawa lalo pa at nakita ko kung gaano kagulat ang naging reaksiyon ng aking kaibigan. At kan'yang mga mata ay tahimik na nagtatanong sa akin ngunit hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kaniya. Ang kan'yang reaksyon ay talagang nagulat dahil alam niyang hindi kami magkasundong dalawa. Maging ang kan'yang bibig ay nakabuka at sinusundan kami ng tingin ng hindi kumukurap. Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya dahil naiilang ako at ibinaling ang mga paningin sa salaming bintana kung saan natatanaw ko ang sikat ng araw. Napalitan na ang sapin kanina at wala na ang kaninang bed sheet na may dugo na tanda na nakuha na niya ang aking p********e. "I command Nelia to change the bed cover because it's not a good idea to lie down on your bloodstain," paliwanag ni Sir Sky sa akin at parang nababasa niya ang mga tanong ko sa aking sarili. Napapikit ako sa hiya dahil parang nabasa niya ang isip ko. Siguro ay masyado talaga akong transparent para mabasa niya at mahulaan ang iniisip ko. Ilang araw siyang hindi pumapasok sa opisina niya at binatayan ako. Nagtatrabaho lang siya sa loob ng library niya sa bahay na kung saan ginagawa niya na ngayong opisina. Bantay sarado ako at hindi na nagkakaroon ng panahong lumabas kahit sa harden maliban na lang kung kasama siya. Mahigpit niya kasi akong pinagbabawalan dahil ayaw niyang nakikita akong may kumakausap sa akin na kahit sino lang. Hangga't maari kapag hindi siya abala ay siya na mismo ang nagdadala ng mga pagkain sa kwarto ko. Ilang beses niya rin akong inaangkin araw-araw. Walang araw at gabi na hindi niya ako ginagalaw at pinagsasawaan. Pinalipat niya na rin ako sa kwarto niya para doon na matulog at nilagay ang mga pinamili niyang mga gamit para sa akin. Napansin ko rin na naging mabait na siya sa akin kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para kausapin siya. "Sir Sky, alam ko po na wala akong karapatang hingin ito sa iyo pero gusto ko lang po sanang magpaalam sa inyo. Maaari po ba na palayain niyo na ako, Sir nagmamakaawa po ako sa inyo," nahihiya kong sabi pero nilakasan ko ang loob ko. Tumiim ang mga bagang niya at ang dalawa niyang mga kamao ay napansin kong nakakuyom. Bumalik ang dati niyang mga tingin sa akin na sobrang lalim at hirap na hirap akong basahin ang mga emosyon niya. Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya kaya sinubukan ko ulit na magsalita. "Sir, pinapangako ko po'ng hindi na kita guguluhin. Magpapakalayo ako at hindi na magpapakita pa kung iyon po ang gusto niyo. Ang gusto ko lang po kasi ay magbagong buhay po tayo at patawarin niyo po ako sa lahat. Alam ko po na malaki ang kasalanan ko sa inyo pero alam ko po na darating ang panahon na mapapatawad niyo na po ako," naiiyak kong sabi at ginagap ang kan'yang mga kamay. Hinablot niya ang mga kamay niyang hawak ko at hindi ko inaasahang nilamutak niya ang mukha ko. Malakas at mahigpit ang hawak niya at halos hindi ako makapagsalita. "Sir Sky..." nahihirapan kong ani. "Ang kapal din naman ng mukha mo para hingin sa akin ang mga 'yan. Ito ang tandaan mo, hinding-hindi ako makakapayag na umalis ka sa poder ko!" may diin niyang sabi at patulak niyang binatawan ang mukha ko bago niya ako tinalikuran. Padabog niyang sinara ang pinto at napapikit na lang ako sa lakas ng tunog ng pinto. At wala na akong nagawa kundi ang lumuha na lang dahil kahit ano ang gawin ko ay hindi niya ibibigay sa akin ang kalayaan na hinahangad ko. Malakas na bagyo ang paparating ayon sa balita. Malakas na ulan, kasabay nang malakas na hangin at sinasabayan ng matunog na mga kidlat. Nakakagulat rin ang paminsan-minsang tunog ng kulog. Tumayo ako para silipin ang malakas at malalaking butil ng patak ng mga ulan sa lupa. Walang nakabantay sa gate na kahit isa kaya naisipan ko ang tumakas. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa takot habang nag-iisip ako ng paraan kung paano ako makakababa ng hindi nila ako namamalayan. Paikot-ikot ako sa loob ng silid at pinagplanuhan kong ano ang dapat kong gawin. Hindi ko maiwasang kabahan sa aking mga naiisip. Nililikot ko ang mga daliri ko sa kamay dahil sa pagkakataranta. Pabalik-balik ako sa aking dinadaanan dahil parang lalabas ang puso ko dahil sa sobrang kaba at takot na baka mahuli ako. Sinilip ko ang pinto kung may paparating. Nasa library lang si Sir Sky malapit sa kwarto niya. Nag-isip akong mabuti bago nakapag desisyon. Nagmamadali kong sinarado ang pinto at ni-lock ko iyon bago ko inakyat ang hanging cabinet kung saan nakalagay ang mga kumot. Tinali ko ang bawat dulo ng kumot para gawing lubid pababa. At sinigurado kong kaya nitong dalhin ang bigat ko. Matapos magawa ang paghigpit ng mga tali ay dahan-dahan akong bumaba para makatakas. Sumasakit ang mga palad ko pero ininda ko ang lahat para lang makababa dahil kung hindi ako gagawa ng paraan ay wala na akong pag-asa pa para mabuhay ng payapa. Kaliwa't kanan kong sinilip ang buong lugar bago tumakbo nang mabilis. Inubos ko ang lahat nang lakas ko para makatakbo nang mabilis. Wala na akong ibang iniisip kundi ang makatakas sa oras na ito. Sa tingin ko ay sapat na ang lahat ng mga pinagdaan ko sa kamay niya. Para akong nabunutan ng tinik nang makalabas na ako ng gate. Sa wakas ay napagtagumpayan ko ang paglabas. Kahit nakapaa lang ako sa pagtakbo ay hindi ko na ininda ang bawat naaapakang matutulis na bato. Basang-basa na rin ako sa ulan at ang ginaw ay 'di ko na pinapansin. Ang higit na mas importante sakin ngayon ay makaalis sa kalbaryong ito. Halos kalahating oras akong nagtatakbo sa daan. Pinara ko ang mga kotseng dumadaan pero wala sa kanila ang hinintuan ako. Umiiyak na rin ako dahil sa mga oras na ito ay sigurado akong alam nilang nawawala na ako. Nang may mapansin akong ilaw na nanggagaling sa likod ko ay tila gumuho ang lahat ng saya ko. Sadyang napakamalas ng tadhana dahil hindi paman ako nakakalayo ng tuluyan ay nasundan na ako kaagad. Malakas na busina ang ginawa nito dahilan upang makilala ko kung sino ang nakasunod. Mas nilakasan ko ang aking pagtakbo pero nahuli niya pa rin ako. Binuhat niya ako at pabagsak na pinasok sa loob ng sasakyan. Matinding mura ang inabot ko at binalik agad sa bahay niya. Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-automatic lock iyon. Tuloyan na nga akong naging preso. Kinapos ako ng hininga at nanlalabo nang tumingin sa kaniya. Tiim bagang siyang nakatitig sakin na para akong lalapain ng buhay. Nanlamig ang buo kong katawan dahil sa madilim at malalim niyang mga tingin. Bumagsak ng tuluyan ang mga luha ko sa aking mga mata bago ako nawalan ng malay. Marahan ang pagmulat ko nang bigla akong napabangon. Bumalik ang alala na ginawa ko kagabi. Nasa kwarto niya ako at napahawak sa ulo nang biglang kumirot ito. Napagtanto kong katabi ko siya ngayon at mahimbing itong natutulog na napakaamo ng mukha. Unang tingin mo pa lang parang hindi mo iisiping mananakit ito ng tao. Kung sa ibabang pagkakataon lang sana kami nagkakilala ay baka hindi ako matigil sa pagpupuri sa kan'ya. Gwapo siya at malakas din ang dating, ugali na lang talaga ang may problema sa kaniya. Marahan akong lumapit sa pinto ng hindi niya namamalayan. Dinikit ko ang tenga ko sa pader ng pintoan upang pakinggan kong may tao ba'ng nakaabang sa labas. At hindi nga ako nagkakamali dahil may naririnig akong nag-uusap na bodyguard sa labas ng pinto. Mas hinigpitan niya pa lalo ang seguridad niya sa pagbabantay sa akin. Bumalik ako sa malambot na kama at pabagsak akong umupo roon. Nanghihina ang buo kong katawan at nawalan na ako ng pag-asa na makakawala ako rito. Umiyak na lang ako nang umiyak dahil sa sobrang sakit ng aking nararamdaman. Minsan hinihiling ko ma mas mabuti pa ang mamatay na lang ako kaysa mabuhay ako ng ganito. Ilang beses ko ring hiniling na sana ay dumating ang araw na mapapatawad na niya ako sa aking nagawang kasalanan. Na sana ay kalimutan na lang nito ang lahat at magsimula ng bagong buhay. Ngunit hindi ko rin siya masisi dahil nararamdaman ko kung gaano niya ka mahal ang fiancée at ako ang dahilan kung bakit nawala ang lahat ng kaligayahan niya. Kung may naaalala lang sana ako sa gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD