Malalim na ang gabi nang magising ako. Sa sobrang pagod ay hindi ko na namalayan ang oras. Kumakalam na din ang tiyan ko dahil umaga palang ay hindi na ako nakakain. Patayo na sana ako ng may narinig akong ingay sa katabing kwarto. Umiiyak ito at nagwawala.
Kaawa-awa siyang pakinggan para bang nagluluksa. Pero bigla akong nanlamig dahil naalala ko kung bakit siya ngayon nadudurog ng husto. At may dahilan nga itong magluksa.
Kasalukuyan akong nakaupo sa gitna ng kama. Yakap ko ang dalawa kung binti. Pinahid ko ang mga luha sa pisngi na hindi ko namalayang pati ako ay umiiyak na rin. Ang sakit sa pusong pakinggan. Parang nawawala siya sa kanyang sarili. Nararamdaman ko kung gaano siya ka miserable. Tuloy ay binabagabag ako ng aking konsinsiya. Lalo pa at ako ang dahilan ng pagdurusa niya.
Gusto kung humingi ng tawad pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
Ang mga sigaw niya na parang dumadampi sa aking balat. Ang boses ng iyak niya ay nananatili sa aking tenga. Puno ng pagdurusa. Ang hirap pakinggan dahil sa boses niyang mararamdaman mong nangungulila at nahihirapan.
Naiintindihan ko siya, 'yong pakiramdam na mahal na mahal mo ang taong nawala sayo. Ang sakit kung paanong mangulila at ang pakiramdam na parang pinapatay sa lungkot.
Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa bigat ng nararamdaman. Nakokonsensiya ako dahil kasalanan ko ang dahilan ng pagdurusa niya. Pakiramdam ko ay tinalikuran na ako ng swerte at wala nang makapitan pang kahit konting pag-asa.
Hanggang sa napag desisyonan kong kailangan kung harapin ang kasalanan ko. Kailangan kong pagbayaran kung ano man ang atraso ko.
Hanggang sa hindi ko na nagawang lumabas. Nakalimutan ko na ang gutom. At napalitan ng lungkot.
Hanggang sa paulit ulit at gabi-gabi ko siyang naririnig. Sa palagay ko ay hindi siya makatulog at alak ang laging karamay. Ang iyak niya na hindi rin nagpapatulog sa akin.
_______
Isang malakas na hampas na nagmumula sa labas ng pinto kong saan ang kwarto na tinutuluyan ko. Bigla akong kinabahan at ang lakas ng t***k ko ay hindi ko mapigilan. Parang nagkakarera sa bilis na hindi ko maintindihan.
"You b***h, open the door!" malakas na sigaw ni Sir Sky habang patuloy sa paghampas ng pinto. Halata sa boses ang kalasingan.
Napatuptop ako sa aking bibig ng mas lalong lumakas ang pag alog ng pinto. Sinipa niya ito ng malakas upang makapasok sa kinaroroonan ko. Dahil sa takot ay tumayo ako. Wala akong mapagpipilian dahil baka mapatay niya ako sa galit kong magmamatigas pa ako.
Hinarap ko siya kahit halos hindi na ako makakilos dahil sa pinukol niyang tingin. Dahan- dahan siyang lumapit sakin at bawat hakbang ay gumagawa ng nakakatakot na tunog papunta sa akin.
Habang humahakbang siya papalapit ay paatras din ako para makalayo. Para bang sinisilaban ang mga mata niya. Hanggang sa dumikit ako sa dingding at wala na akong pwedeng maatrasan.
Nahuli niya ako at sinakal habang nagsasalita. Walang pakialam kahit agaw ko ang aking hininga.
"This is all your fault idiot! You kill her!" puno ng galit ang boses niya pero may halong lungkot at pait na tinig.
Parang tinusok ang puso ko ng paulit-ulit. Hindi na rin ako makahinga dahil humigpit din ang hawak niya sa leeg ko. Konting konti na lang ay malalagutan na ako ng hininga. Hanggang sa bigla itong natauhan at bumitaw.
Napaubo ako at agaw ko ang aking hininga.
"I will not kill you like this. Not that easy! Because I will make sure you will suffer the way you did to me," halos pabulong niyang sabi pero may diin ang binitawang salita.
Sa ngayon ay wala akong magawa. Pero naniniwala akong darating ang panahong mapapatawad niya pa rin ako. Hindi ko man siya kilala ay alam kong may puso din siya. Dahil ang taong marunong magmahal ay marunong maawa.
_____
Inutusan ako ni Manang Minda na hatiran ng pagkain si Sir Sky sa kwarto nito. Sa tingin ko ay wala silang kamalay malay sa mga pangyayari. Ayaw ko ding tanggihan ang utos niya dahil nahihiya ako.
Ilang beses akong kumatok pero wala akong nakuhang sagot. Naisip kong baka tulog pa ito kaya binuksan ko ang pinto ng walang pahintulot.
Pagpasok ko sa loob ay wala ito, siguro ay nasa banyo. Nagmamadali kong nilapag ang tray na may lamang pagkain sa mini table. Palabas na ako ng bigla itong magsalita. Kagaya ng dati kong paano niya akong pakitunguhan. Nahihirapan akong harapin siya.
"What are you doing here?" galit nitong sambit na siyang dahilan para takasan ako dugo sa mukha. Sa tingin ko ay namumumutla na ako ng husto. Dahan dahan ko siyang hinarap at nabigla dahil sa hitsura niya. Para itong zombie na may itim na itim na eyebags.
Dumapo ang tingin ko sa kamay niya na kasalukuyang nakakuyom. Bago ko tiningnan ang nakatiim bagang niyang panga.
Kinabahan ako bigla. Alam kong mainit ang dugo niya sa akin at ngayon ako pa ang nagdala ng pagkain niya. Nang tingnan ko ang kanyang mukha ay bigla akong napaiwas ng tingin dahil tiim bagang siyang tumitig sa akin.
"S-sir pina-pa-hatid po ni Ma-nang Milda," nauutal kong sabi.
Lumapit ako sa mini table niya para ilapag ang dalang pagkain. Ngunit bigla niyang hinawi ng malakas kaya nagkalat ang mga pagkain sa sahig. Nagkaroon din ng mantsa ang damit ko dahil natamaan ako.
Gulat na gulat na ako sa kanyang ginawa. Hindi ko akalaing kaya niyang gawin 'yon sa pagkain. Kasabay ng pag angat ko ng tingin sa kanya ay dumapo ang malaki niyang kamay sa mukha ko.
Sobrang sakit ng mukha ko, namamanhid at humahapdi. Pakiramdam ko ay namamaga agad ang mukha ko dahil sa lakas ng ginawa niyang sampal. At sa harap niya mismo ay umiyak ako. Parang natabingi ang mukha ko kaya hindi ko na napigilan ang mga luhang nag uunahan sa pagbagsak.
"That's right! Umiyak ka at magdusa dahil hindi ako makakapayag na makita kang masaya. Gagawin kong impyerno ang buhay mo. At sisiguraduhin kong hindi ka na makakatakas dito!" matigas ang boses nito at nakakatakot na pakinggan.
Ang mga titig niya na parang taong halimaw ay hindi ko matagalan. Pakiramdam ko kayang kaya niya akong patayin ng walang awa. Mahigpit niyang pinisil ang mukha ko. Sumasakit ang panga dahil pilit niya akong pinapaharap sa mukha niya.
"I want to kill you and tortured you to death. Pero hindi ko gagawin yun. Dahil gusto kong maghirap ka hanggang sa huli mong hininga. Kukuhin ko ang lahat ng kasayahan mo maging ang masasayang alala mo sa nakaraan. Na kahit ilang beses mong isipin para sumaya hindi mo na magagawang ngumiti. At walang kahit na konti akong ititira. Hanggang sa pagsisisihan mong isinilang ka sa mundo. Dahil yang buhay mo ay wala ng silbi. Kahit ibinta mo pa ang kaluluwa mo sa akin ay kulang pa yan sa lahat ng kinuha mo sa akin," pabalibag niya akong binatawan at natumba sa sahig ng mawalan ng balanse.
Nanatili akong nakayuko habang tinutukod ang dalawa kung kamay sa sahig. Ang mga luha ko ay ayaw tumigil sa pag bagsak at tumutulo sa sahig.
"Linisin mo yan! At 'wag na 'wag kang magtatangkang tumakas dahil mahihirapan ka lang. At pag nalaman kong sinubukan mong suwayin ako malilintikan ka sa akin!" may diin niyang sabi sakin bago ako iniwan sa loob ng kanyang kwarto.
Patuloy akong umiiyak habang naglilinis ng kwarto. Halos wala na akong pahinga dahil sunod-sunod ang mga utos niya. Mula umuga hanggang gabi. Hindi niya rin ako binibigyan ng pagkain. At walang kahit na sino man sa mga kasambahay ang naglakas loob para bigyan ako.
Gabing gabi na pero naglalaba parin ako ng kurtina. Sinadya talagang tanggalin lahat ng kurtina sa buong bintana ng bahay para ipaglaba ako ng nakakamay.
Kumakalam na ang tiyan ko at unti-unti na ring nauubusan ng lakas. Hanggang sa wala na akong malay.
"Damn you! You f*****g stand up b***h!" napabalikwas ako at hinihingal sabay ubo ng makalunok ako ng malamig na tubig na binuhos sa akin.
Hinablot niya ang kamay ko at kinaladkad patungo sa kanyang kwarto. Nagmamakaawa akong tiningnan ang mga kasama sa bahay pero nagbaba lang sila ng tingin. Lahat sila ay ayaw makialam at hinayaan lang akong kaladkarin ni Sir sky.
"Sir Sorry po, hindi ko po sinasadyang makatulog," paliwanag ko dito kahit na ang totoo ay bigla nalang akong hinamatay kanina.
Wala naman problema sa akin kong marami ang trabaho. Dahil sanay ako sa mabibigat at nakakapagod na trabaho. Ang hindi ko lang kaya ay ang mag trabaho ng walang laman ang tiyan. At higit sa lahat kagagaling ko lang sa aksidente at kasisimula ko pa lang bumawi ng lakas.
"San ka humuhugot ng kapal ng mukha! Hindi kita pinatira dito para lang matulog! Ang lakas ng loob mong matulog na hindi pa tapos ang pinag uutos ko."
Sinampal niya ako sa pisngi at mas lalong dumoble ang inis ng makita akong umiiyak. Galit na galit siyang nagtungo sa closet at kinuha ang sinturon na nakasabit sa closet niya at pinagpalo ako sa aking katawan. Halos mahimatay ulit ako sa sakit at hindi mabilang kung ilang beses niya akong hinampas. Walang awa niya akong hinampas at pinadapo kahit saang parte ng aking katawan. Dila lang yata ang walang latay sa akin. Buong katawan ko ay puno ng marka.
"Sir Sorry po hindi na po mauulit," umiyak ako at nagmamakaawa pero tila hindi na siya nakikinig. Para siyang nasapian ng masamang espirito dahil sa nakikita kong galit niya. Kinain na ang lahat ng kabutihan niya dahil sa galit.
"Talagang hindi na mauulit dahil hindi lang 'yan ang aabutin mo!" galit na galit nitong sabi.
"Tama na Sir, hindi na po mauulit maawa po kayo sakin," patuloy pa rin siya sa paghampas. Napadaing ako sa sobrang sakit at halos 'di ko na kayang igalaw ang aking mga kamay.
At mukhang hindi pa siya nakontento ng bigla niya akong tinali sa kama niya. Nalalasahan ko na rin ang dugo na nanggaling sa aking labi. Hindi ko magawang pahiran ang naghahalong pawis, luha, sipon, at laway ko. Pagod na pagod ang buong katawan ko. At pagod na rin akong mag makaawa dahil kahit anong gawin ko hindi niya ako pakikingan. Hanggang sa unti-unti na akong nawalan ng malay dahil sa pagpapahirap niya. Namamanhid na ang buong katawan at hindi na ininda ang ginawa niyang hampas.
Nang magising ako ay nasa loob na ako ng kwarto kung saan ako tumutuloy. Napangiwi ako dahil sa sakit ng katawan at inaapoy din ako ng lagnat. Namamaga ang lahat ng katawan ko. Pati ang mata ko ay halos nagkukulay-green na. Marami ding marka ang balat ko sa katunayan ay halos wala ng makitang pagitan.
Mayroon din akong mga sugat dahil sa lakas ng kanyang paghampas. Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at nahihirapan na akong gumalaw.
Mag isa lang ako at walang kahit anong naririnig na ingay mula sa labas. Para ding umurong ang dila ko dahil 'di ko kayang magsalita.
Ilang sandali ay sinubukan kung tumayo pero hindi ko kaya. Hanggang sa nakapag desisyon akong gumapang patungo sa banyo. May lagnat man ay pinili kung maligo upang maibsan ang pamimigat ng katawan.
Lumubog ako sa bathtub at nagtagal. Tumayo lang ako ng sa tingin ko ay kaya ko nang maglakad. Paika-ika akong nagtungo sa closet room at nagbihis. Sumasakit man ang katawan ay dumiretso pa rin ako sa baba para hindi ulit masaktan.
Kakalabas ko pa lang ng may marinig akong ingay na nagmumula sa kwarto ni Sir Sky. Natatakot mang makinig pero hindi ko maiwasang balewalain. May kung anong nagtulak sa 'kin para tuklasin.
"Sky, hijo maawa ka naman sa bata," puno ng pagsusumamo ang boses ni Manang Milda.
Kahit papano ay may nararamdaman akong saya. Dahil may pakialam parin pala ito sa akin.
"Hijo mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo. Kahit patayin mo pa siya hindi mo na maibabalik ang buhay ni Misty. At sa tingin ko kung nabubuhay lang siya ngayon hindi niya nanaising makita ka ng ganito," nagsusumamong pakiusap ni Manang Milda.