"Thank God you're awake. I'm so worried," aniya at hindi mapakali. Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko at masuyong pinipisil. Inalalayan niya akong umupo at hinalikan niya ako sa aking noo. Nag-aalala siya. "Are you hungry? Would you like something to eat?" natataranta nitong tanong sa akin at para itong natataranta. Umiling ako. "Wala pa akong gana," nahihirapan kong sabi dahil hindi pa maayos ang aking pakiramdam. "Kahit konti lang. Nelia, pakihatiran mo kami ng pagkain dito." Tawag niya kay Nelia bago ako binalingan ulit nang tingin. Paulit-ulit niyang hinahaplos ang buhok ko at puno ng pag-aalala ang kan'yang mga titig sa akin. Nang marinig ni Nelia ang utos sa kaniya ni Sir Sky ay nagmamadali itong lumabas ng silid upang gawin ang ipinag-utos ng amo. Ilang saglit lang a