Ayen ~ “Hmm.” Napalunok ako nang maramdaman kong mas humigpit ang pagkakayakap sa 'kin ni mayor na para bang ayaw na niya 'kong pakawalan. Tumingala ako at tiningnan ang mukha niya, tulog na tulog pa rin siya pero ang higpit niya yumakap. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at humawak sa matipunong dibdib niya. Habang buhay ko na yatang maaalala ang nangyari kagabi. Mukha lang mailap si mayor pero mabagsik pala siya sa kama, kahit hindi sa kama mabagsik din siya. Napasubsob na lang ako sa dibdib niya nang maramdaman kong nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. Ngayon ko lang yata naramdaman na parang sobrang babae ako. Hindi ko talaga makakalimutan ang nangyari kagabi. Pero sa totoo lang masakit ang buong katawan ko ngayon, yung mga hita ko, mga braso, yung likod ko, lalo na ang p