Simula ngayon dapat ko ng alamin kung hanggang saan ang limitasyon ko at subukang 'wag lumampas do'n. Hindi ko pwedeng mahalin si mayor, hindi ko siya pwedeng magustuhan, ni hindi ako pwedeng maging concern sa anak niya. “Mama!” Agad na tumakbo si Arkia papalapit sa 'kin saka niyakap ako nang magtungo ako sa dining room. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya saka marahang hinaplos ang buhok niya. Nakangiti ngayon si Arkia na para bang hindi siya umiyak kagabi, pero malakas ang pakiramdam ko na nagpapanggap lang siya sa mga ngiti niya ngayon. Nalulungkot pa rin siya, nagdaramdam pa rin siya pero hindi na lang niya ipinapakita ang kahinaan niya. Napatingin ako kay mayor nang makitang nakaupo siya habang nakatutok sa laptop niya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya saka nagtungo sa