Chapter XVII–1

1156 Words
Nangibabaw sa apat na sulok ng laboratory ang ringtone ni Rainsleth. Unti-unting gumalaw ang dulo ng isa niyang daliri, hanggang sa naging dalawa, tatlo, at naging sunod-sunod na. Nagpapaling-paling ang ulo niya dahil sa bigat ng kanyang pakiramdam. Nasisilaw siya sa liwanag na tumatama sa kabubukas niyang mga mata. Nangangalahati pa lamang iyon nang muli niyang ipikit at idilat. Napabalikwas siya ng bangon nang mapansing wala siya sa kanyang silid. Agad namasyal ang kanyang paningin habang nakaupo sa malamig na sahig. Paanong? Nasapo ni Rainsleth ang kanyang noo... hinahalungkat doon ang kasagutan kung paano nangyaring nakahandusay na si Casimir sa sahig at duguan ang dibdib. Pero kahit ano'ng pilit niya, wala siyang makuhang sagot. Ang huli niyang naaalala ay ang pagsakal nito sa kanya. Muling binasag ng isang tugtugin ang katahimikan sa loob ng silid. Hinanap niya agad ang pinagmulan niyon at dinampot ang umiilaw niyang cellphone. Nanginginig pa ang kanyang kamay nang tingnan ang pangalang nakarehistro sa screen niyon. Walang pag-aalinlangan niya iyong sinagot. "K-koen..." Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya sa mata hanggang sa tuluyan na siyang humagulgol. "What happened?" tanong nito mula sa kabilang linya. Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas ni isang salita roon. Paano niya nga ba sasabihing nakapatay siya? Paano niya ipaliliwanag ang lahat sa lalaki nang hindi siya nito huhusgahan? Maniniwala naman kaya ito sa kanya? Maraming tanong ang nagtutulakan sa kanyang isipan. Mga tanong na katulad niya'y naghahanap din ng kasagutan. "Sumagot ka naman, please. Where are you?" Nagsusumamo ang tinig nito na mas lalong nagpaiyak sa kanya. Pilit niyang kinalma ang sarili. Walang mangyayari kung sasayangin niya lang ang oras at luha niya roon. Kailangan niyang makatakas sa sitwasyong kinasasadlakan niya ngayon. "Lab," tipid niyang tugon kay Koen. Sumisinghot pa siya habang pinupunasana ang sariling luha. Napatingin siya sa hawak na cellphone nang maputol ang tawag. Doon niya natuklasang mag-aalas otso na pala ng gabi. Dahan-dahan siyang umusog papunta sa gilid ng pintuan. Nakatalungko niyang hinintay ang pagdating ng taong kanyang inaasahan. Mararahas at sunod-sunod na pagpihit ng seradura ang nagpaangat ng tingin ni Rain. Kumilos agad siya para pagbuksan ang nasa labas pero natigil siya sa isang malakas na pagsipa niyon. Muntik na siyang masagi ng nasirang pinto. Mabuti na lamang at naging maagap siya sa pag-atras. "Ran!" Isang mahigpit na yakap ang isinalubong niya kay Koen at hindi naman ito nag-atubiling gantihan siya. Muli siyang napahagulgol nang maramdaman ang init nito. Init na akala niya'y hindi na niya matatamasa dahil sa lamig na lumukob sa kanya kanina. "What happened here?" mayamaya'y tanong nito sa kanya. Tiningala niya ito nang hindi bumibitiw sa pagkakayakap at hindi mabilang kung nakailang ilang iling siya. "Hindi ako ang pumatay sa kanya, Koen. Maniwala ka. Hindi ko siya pinatay," paulit-ulit niyang sabi. Wala na siyang pakialam kung nagmumukha na siyang batang nagsusumbong sa magulang. "Shhh... It's okay. I'm here. And I believe you." Ngumiti ito at marahang hinimas ang likod niya. "Rest for now," iyon ang huling pangungusap na narinig niya kay Koen bago siya nagpalamon nang tuluyan sa pinaghalong antok at pagod. ***** "Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo, Ezra, na huwag mo akong matawag-tawag na ate, lalo na kung nandito tayo sa school, ha?" singhal ng isang batang babae na kulay itim ang buhok. Matalim ang tingin na ipinukol nito sa kanya. "Pero, ate..." Sinubukan niyang lumapit dito pero itinulak lang siya nito nang malakas. "Ano ba!? Ako ang napapahiya sa 'yo, eh!" Napaupo siya sa lupa pero hindi man lang siya nakaramdam ng inis o galit sa nakatatandang kapatid. Nakatingla siyang nakatingin sa batang tumulak sa kanya. Sumisilip sa gilid ng kanyang mga mata ang luhang nagbabadyang pumatak. "Alam na nilang hindi ako totoong anak ni Daddy dahil sa 'yo, alam mo ba iyon?" Dinuro-duro na siya nito pero hindi pa rin siya umimik. Ilang masasakit na salita pa ang binitiwan nito sa kanya. "Sorry, ate. Hindi na mauulit. Gusto ko lang naman bumalik tayo sa dati, eh." Hindi na niya napigilang mapaluha nang tuluyan. Magkasingtangkad lang silang dalawa at magsinghaba ang buhok. Halos magkapareho lang din ang edad nila, mas bata nga lang siya ng ilang buwan kay Zammarah. Hindi ganoon ang trato nito sa kanya dati... Totoong kapatid ang turing niya rito at ganoon din ito sa kanya.  Nagbago lang ito magmula nang may nagtanong kung bakit magkaiba ang kulay ng kanilang buhok at kung bakit magkasing-edad sila pero hindi naman sila kambal. Alam niyang hindi sila totoong magkapatid ni Zam. At hindi lingid sa kanyang kaalaman na pangalawang asawa lang din ng Daddy niya ang tinatawag niya ngayon na Mommy. "Sa susunod na ipahiya mo pa ako sa harapan ng mga friends ko, hindi lang iyan ang gagawin ko sa 'yo." Tumalikod na ito at iniwan siya roon nang mag-isa. Nakatalungkong umiiyak. "Gusto mo?" Napatingala siya sa batang lalaki na hindi naman nakatingin sa kanya pero may iniaabot na isang pakete ng tsokolate. Napangiti siya nang mabasa ang nakasulat doon—chocojoy. Walang pagdadalawang-isip na kinuha niya iyon at ibinulsa. "Sino ka?" tanong niya agad. "Pss..." Hindi nito sinagot ang kanyang tanong at naglakad na paalis. Mabilis siyang tumayo at pinagpag ang suot na palda. Pagkatapos niyon, sinusundan niya na ang batang lalaki kahit saan ito magpunta. "Dito ka rin ba nag-aaral? Ano'ng grade mo? Ilang taon ka na ba? Pwede ba kita maging kaibigan?" sunod-sunod niyang tanong habang sumasabay ng lakad sa batang lalaki. "Hindi," tipid nitong tugon. "Sige na... Pumayag ka na." Inabot niya ang braso nito at niyugyog iyon. "Sige na, pretty, please?" "Ano'ng pretty? Mukha ba akong babae sa iyo?" Marahas na binawi ng batang lalaki ang braso nito. "Si Daddy ko na ang handsome, eh, kaya hindi pwedeng ikaw rin." Napanguso siya sa isiping dalawa ang tatawagin niyang handsome. "Ewan ko sa 'yo." Mas binilisan nito ang paglalakad hanggang sa sumuko siya sa kakasunod. Pero kinabukasan, muli niya itong hinanap at kinulit. Hanggang sa unti-unti silang nagkakasundo habang lumalaki. ***** Nagising si Rain sa isang madilim na silid. Singdilim ng gabi ang mga kasangkapang naroon pati na ang kulay ng dingding. Nasaan ako? Inalala niya ang huling nangyari sa lab saka niya naisip si Koen. Kwarto niya kaya 'to? Hinawi niya ang kumot na pumoprotekta sa kanya mula sa lamig ng silid. Bumaba siya sa kama at agad hinanap ang taong nagdala sa kanya sa lugar na iyon. Walang katao-tao ang malaking ancestral house na kinaroroonan niya. Ilang beses pa siyang naligaw bago niya nahanap ang hagdan pababa mula sa ikalawang palapag. Pag-apak niya sa pinakahuling baitang, sinalubong agad siya ng malalaking tahol ng mga aso. Nag-uunahan ang isang puti at isang kulay itim na aso sa pagtakbo papunta sa kanya.  Napaatras si Rain sa takot hindi lang dahil sa dumadagundong ang tahol ng mga ito sa loob ng kabahayan kundi dahil na rin sa isiping mas malaki ang mga iyon sa kanya. At mukhang lalapain siya ng mga iyon nang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD