Chapter XV–2

1209 Words
Sa UDS sila dumiretso ni Koen pagkaalis nila sa lugar na iyon. Ilang oras na lang din ang bibilangin at lulubog na ang araw kung kaya kaunti na lang ang mga estudyanteng naroon. Doon siya inihatid ni Koen dahil may nakalimutan siya. Nagpasya na rin ang lalaki na ituloy na lang ngayon ang pagtuturo sa kanya. Pinauna ni Rainsleth si Koen sa secret meeting place nila para daanan sa locker ang suot niya kanina pagkaalis ng bahay. Muli niyang isinuot iyon saka siya lakad-takbong pumunta sa kuweba. "You're late," bungad ni Koen pagpasok niya. "Natural! Hindi mo naman ako tinuruang mag-teleport, ah." Inirapan niya ito saka ipinatong ang dalang bag sa mesang naroon. "Namimilosopo ka na?" Naniningkit ang mga mata nito nang lapitan siya at paupong sumandal sa gilid ng mesa. "Hindi naman... Ang gwapo mo lang kasi kapag galit." Kininditan niya si Koen at ginaya ang posisyon nito habang naglalaro ang ngiti sa kanyang mga labi. "Ano'ng ginagawa mo ro'n?" tanong nito bigla. Nauwi sa pagnguso ang ngisi niya. "May kinuha nga ako, 'di ba?" pag-iiba niya kahit alam niya kung alin ang tinutukoy nito. "I mean, sa bilyaran," walang kangi-ngiting pandidiretso nito.  Nahimas niya ang kilay at sinadyang itago ang mga mata mula sa mapanuring tingin ni Koen. "N-naligaw lang." "Mali yata ang tanong ko..." Nag-iba ito ng posisyon nang tumagilid ito paharap sa kanya. Nakatukod ang isang kamay sa mesa. "Sino ang sinusundan mo?" "Meron ba?" pagmamaang-maangan niya pa. "You're not a good liar, are you?" Tinuktukan siya nito sa sentido na ikinatalim ng tingin niya rito. "Kung sino man sa kanila 'yon, just be careful. Kung kailangan mong lumaban sa kanila nang p*****n, gawin mo," pagtatapos nito. Tumayo na ito nang tuwid at pumunta sa pinakagitna ng silid. "Ano ba'ng pinagsasabi mo?" Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ni Koen. Gusto niya sanang itanong kung ano ang alam nito sa bagay na iyon. Pero umiwas na ito. "Let's start." Pumitik ito nang isang beses bilang senyales na kailangan na niyang pumunta sa bilog na iginuhit nito gamit ang chalk. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Pumwesto siya sa harap nito na may ilang dipa ang distansiya. May kinuha si Koen mula sa upuan na sinadya nito na ilagay roon. Hindi mahulaan ni Rain kung ano iyon dahil nakatalikod ang lalaki sa gawi niya. Lumapit ito sa likuran niya at piniringan siya. Naguguluhan man, hindi siya pumalag dahil may tiwala siya kay Koen. Naramdaman ni Rainsleth ang paglayo nito sa kanya kaya hindi niya maiwasang mapakali sa pagkawala ng presensya nito. "Ganito ang gawin mo, relax yourself. Huminga ka nang malalim. Inhale, exhale..." Paulit-ulit nitong sinasabi ang inhale-exhale habang sinusunod naman ni Rain ang bawat sabihin nito. Hanggang sa... "Ilagan mo ang bawat tennis ball na ibabato ko," rinig niyang sabi ni Koen. Ano raw? Para siyang nabingi. Matagal bago naproseso ng utak niya ang binabalak nitong gawin. Nang maintindihan iyon, bigla siyang nataranta. Namalayan niya na lang na nagsisimula na palang bumato si Koen nang matamaan siya ng bola. "Aray! Teka," awat ni Rain nang sunod-sunod na tira ang pinakawalan nito. "Gumaganti ka noh?" "Of course not! 'Wag mong susubukan," banta nito nang tangkain niyang hawakan ang piring. Hindi pa rin tumitigil si Koen, kaya wala nang nagawa si Rain kundi ang gumalaw-galaw sa kanyang pwesto. Mas lamang pa rin ang mga bolang tumatama sa kanya kesa sa naiilagan niya. Mahirap lalo na't wala siyang makita. Mahina lang naman ang pagbato sa kanya, sadyang may kabigatan lang talaga ang mga bolang ginamit nito. "Gumaganti ka, eh. Teka la—, aray!" Nasapo niya ang ilong nang tamaan siya nito roon. Talagang nananadya! "Kapag may bagay na papalapit, mas mauunang dadapo ang hangin na dala nito, kaya 'yon ang damhin mo," sabi sa kanya ni Koen nang tumigil ito saglit. "Bakit kailangang may ganito pa?" Nagpapadyak na siya sa sobrang inis. Napapahiya na siya sa harap nito. "You can't expect a child to defend himself without using agility and strength." Nagsimula na naman itong bumato. This time, may bilang na. "Ano'ng connect? Hindi naman na ako bata." Napanguso siya sa isiping mahina siya. "That's the point. Hindi ka na bata pero kung pambata lang ang lakas at bilis mo, walang mangyayari kahit makabisado mo lahat ng self-defense na naituro at ituturo ko pa," may kahabaang paliwanag ng tagaturo niya. Napipi siya sa tinuran nito. Pinilit na lamang ni Rain na mag-focus at makiramdam. Alam na niya kung saan manggagaling ang bola dahil natunton niya na ang pinagmulan ng tinig ni Koen. "So, sino ang pinuntahan mo roon?" Muli itong bumato ng isa. Nawala ang focus niya sa tanong nito kaya natamaan na naman siya. "Wala nga," bahagyang tumaas ang boses niya sa kakulitan nito. "Yung sa puzzle? Nakuha mo ka na ba ang sagot?" tanong nito na ikinatigil niya. Nakagat niya ang labi at tinitimbang sa isip kung tama ba ang magiging desisyon niya. Sa huli, mas pinili niya ang maging honest dito. "M-mapagkakatiwalaan ba kita?" "Try me," bulong nito sa kanyang tainga. Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Ni hindi niya narinig o naramdaman ang paglapit ni Koen. Maging ang galaw ng mga daliri nito habang tinatanggal ang pagkakabuhol ng piring. Saka lang niya napansin nang malaglag na ang itim na tela sa kanyang paanan. "Si Casimir Estrella." Humarap siya kay Koen para makita ang reaksiyon nito sa ibubunyag niya. Pero nauna na itong gumalaw sa kanya. "Why? I mean, why him?" Nakatalikod na naman ito habang kumukuha ng mauupuan nila. "Isa siya sa pumatay kay Xena Ezra Villania. Iyong babaeng pinatay kamakailan lang." Hindi na siya nagtangkang lapitan ito at hinintay na lamang. Sumusunod sa bawat galaw ni Koen ang tingin ni Rain. "Paano mo naman nasabi?" tanong nito habang ipinupuwesto ang isang upuan sa kanyang likuran. "Naisulat ko sa diary ang napanaginipan ko bago ako pina—" sandali siyang natigilan sa balak niyang sabihin saka iyon itinama. "Bago ako nag-suicide." "At naniniwala ka sa paniginip na iyon?" Tumaas ang dalawang kilay nito sa kanya. Halatang hindi naniniwala. "I have a proof," seryosong aniya. Sinadya niyang makipagtitigan kay Koen para maniwala ito sa kanya. "Let me see it, then," biglang hamon nito. Inilahad nito ang kanang kamay sa harapan niya. "No. Kung may pagbibigyan man ako, ang pulis lang iyon." Paulit-ulit ang naging iling niya. "And you expect them to choose your side?" prangkang tanong nito. Nakagat niya ang dila sa kawalan ng maisagot. May punto nga naman ito. Sino ba siya para paniwalaan ng mga pulis? Para panigan ng batas? Siya na isang hamak na scholar lang sa UDS. "Between you and Casimir, who do you think would they choose? Who do you think is more powerful? Ikaw na walang mga magulang o siya na anak ng mayor?" Tuluyan na siyang napipi sa mga katotohanang ibinabato nito sa kanya. Bumagsak ang mga balikat niya at napatungo na lang. Ang pag-asang pinanghahawakan niya ay unti-unting naglaho. At ang hustisyang pinipilit niyang abutin ay unti-unting kumakawala sa pagkakahawak niya. "Give me that proof you're talking about and let me see your diary. Maybe I could help." Nagtaas siya ng tingin kay Koen at napatitig sa mga mata nito. Namalayan na lamang niya ang sarili na tumatango rito. I trust him, right? Yes, I think I should.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD