Chapter XIV–2

1235 Words
"Ran?" halos magkasabay na bulalas ng dalawang lalaki na kararating lang. "Hi." Nakamot niya ang kilay sa kawalan ng masabi. Bagama't ganoon, natutuwa siya na naalala ng mga ito na tawagin siyang Ran kahit sanay ang dalawa sa lumang palayaw niya. Pakiramdam niya kasi hindi siya ang tinutukoy ng mga ito kapag tinatawag siyang Rain. "How did you get here?" nang-uusisang tanong ni Jace nang tuluyan na itong nakalapit sa kanya. Matagal bago siya nakaimik. Isa pa iyon sa ikinababahala niya... ang magsimula itong mag-usisa. Lihim siyang nagdasal na sana maniwala ang dalawa sa palusot niya. Na sana hindi siya mabuking ni Casimir. "Ah, sinubukan ko kasing sunduin si Selah sa bahay niya, kaya lang... naligaw ako." Napalunok siya sa sobrang pagkailang. Limang pares kasi ng mata ang nakatutok sa kanya. "Bakit hindi ka nagpasama? Arat na, ihahatid na kita." Puno ng pag-aalala ang mukha ni Jace. Malumanay nitong inabot ang kamay niya at may pag-iingat siyang hinila. Hindi man niya sadya ngunit kusa siyang nakonsensiya. "Not now, Vaz. She's my guest, kaya ako dapat ang maghatid sa kanya." Biglang sumulpot si Lex Janvier mula sa likuran ni Rain at inakbayan siya. Naudlot ang planong paghila ni Jace sa kanya. Maging siya ay nagtaka sa ginawa nito. Amoy na amoy niya pa ang alak sa hininga ni Lex dahil sa sobrang lapit nito. Pasimple niyang ginalaw ang balikat para matanggal ang kamay ng lalaki, ngunit bigo siya. "What do you mean, huh?" Inisang hakbang ni Jace ang distansiya nila ni Lex. "I invited her," matigas na tugon ni Lex at tila ayaw magpadaig. Walang magawa si Rain. Naiipit siya sa gulo ng dalawang lalaki. 'Di rin niya magawang magsalita dahil ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng mga ito. At mukhang wala ring balak makialam ang mga kaibigan nila. "Gusto mo siya?" naghahamong tanong ni Vaz. "Yeah, I like he—" Naputol ang dapat sana'y sasabihin ni Lex nang suntukin siya bigla ni Jace sa mukha. Napaatras si Rain dahil sa muntikang pagkabuwal ng lalaking nakaakbay pa rin sa kanya. At halos mabingi na sa lakas ng pintig ng puso niya. Nagsisimula nang magbulungan ang ibang nakasaksi sa nangyari. Pero hindi natinag sina Lex Janvier at Jace mukhang lilikha pa ng kumosyon. "Have you forgotten our code?" galit na talagang sigaw ni Vaz at dinuro pa ang kaharap. Mabilis siyang hinila ni Jhenvick patabi matapos siyang mabitiwan ni Lex. Lihim siyang nagpasalamat dito dahil nawala na sa isip niya na unahin ang sarili.  Ako ba ang pinag-aawayan nila? O dahil lang sa pagpunta ko rito kaya nagalit si Jace?  Hindi siya naniniwalang gusto siya ni Lex Janvier. Mukhang trip lang nito iyon. Mas tipon nito ang mga babaemg mas may edad kesa rito. Iyon ang sabi sa kanya ng lalaki noon. "The f'ck with that code!" ganting bulyaw ni Lex at ito naman ang sumugod. Kinuwelyuhan nito si Jace saka sinuntok. "Isa ako sa founder, remember? I can still change it whenever I want!" Nanggagalaiti na ang dalawa sa galit, at parehong ayaw paawat. First time ni Rainsleth na makasaksi ng ganoong pangyayari kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nagdadalawang-isip siya na pumagitna sa dalawa at baka siya pa ang masuntok. "Wow!" pasinghal na sabi ni Jace at sarkastikong ngumiti, "Masyado mo namang pinapababa ang tingin ko sa 'yo, Salazar. I thought you're a man of your word." Hindi na nagawang sumuntok ulit ni Lex dahil hawak na ni Jace ang mga kamay nito na mahigpit na naman ang kapit sa kuwelyo. "Bakit? Ano ba ang mali sa pag-imbita ko sa kanya? As if she's yours!" 'Di na nakaimik si Jace sa pahayag na iyon ni Lex. Alam ni Rain kung bakit, pero wala siyang magawa. Hindi niya naman kasi pwedeng sabihan ang puso niya na ito na lang ang mahalin. Wala rin sa isip niya ang sagutin ang lalaki nang dahil lang sa awa. Mayamaya lamang, patulak na bumitiw ang dalawa sa isa't isa. "Sinabi ko lang na gusto ko siya, okay? Pero hindi ibig sabihin n'on ay inlove na ako sa kanya," mas mahinahon nang paliwanag ni Lex Janvier, pero kababakasan pa rin ng galit ang mukha nito. "Nice. Nag-aaway-away na pala kayo dahil sa isang babae? Bago 'yan, ah."  Isang boses ang umagaw sa atensiyon ng lahat. Parang nabunutan ng tinik si Rain nang makilala ang nagmamay-ari niyon. Si Koen. Kampante itong nakasandal sa isang pader malapit sa gawi niya. Gusto niya sanang lumapit at magtago sa likod nito nang magtama ang kanilang paningin, pero hindi niya nagawa dahil sa masama nitong tingin na nakatutok sa kanya. Para siyang bata na binabantaan ng magulang dahil sa sobrang pasaway. Napakamot na lamang siya. "Pakialam mo ba?" sabay na bulyaw ng dalawang hindi magkasundo. Parang walang nangyaring gulo sa pagitan ng dalawa. "May pakialam ako sa babae, pero sa inyo?" patanong na sabi ni Koen bago umiling at may nakapinta pang nang-iinsultong ngiti sa mga labi. "Matulog muna kayo... baka sakaling mangyari iyon sa panaginip ninyo at bangungutin kayo." 'May pakialam ako sa babae...' iyon lang yata ang pumasak sa isip ni Rain at tumagos lang sa kabila niyang tainga ang kasunod niyon. Umaalon ang dibdib niya sa sarap ng feeling na malamang may mga nagpapahalaga sa kanya na hindi niya kadugo. "Iba rin talaga ang lakas ng loob mo, ano? Pumunta ka pa nang mag-isa sa hindi mo teritoryo?" Rinig niya ang biglaang pagsabat ni Casimir kaya napalingon na rin siya rito tulad ng iba. "Paano 'yon? Nandito rin kasi ang teritoryo ko? Nasubukan niyo na ba siyang tanungin kung may nagugustuhan na siya?" sunod-sunod na tanong ni Koen at mukhang may gustong ipakahulugang iba. 'Ano ba ang pinagsasabi niya? May balak ba siyang ipahamak ako?' Pinandilatan niya ng mga mata si Koen, pero kinindatan lang siya ng loko. Ngayon ay nasa kanya na ang atensiyon ng lahat. Nagtatanong ang mga mata at hitsura. "Oh, I'm not gonna guess. Halatang hindi pa." Nanunuyang ngiti ang pinakawalan ni Koen para sa dalawa. Napapikit si Rainsleth sa sobrang pagpipigil na batukan ang walang'ya. Mukhang naghahanap ito ng away at gusto pa yata siyang idamay. Pero sa isang banda, mas mabuti na rin iyon kaysa magtagal pa siya sa lungga ng mga takaw-gulo na katulad ng grupo nina Casimir at Lex. "Let's go, My Lady," sabi ni Koen at inilahad ang kamay nito sa kanya. Pinigilan ni Rain na mangiti sa narinig, lalong-lalo na sa harap ni Koen. Ayaw niyang akalain nito na kinilig siya sa mga kalokohan nito. Hindi niya na rin inabot ang nakalahad nitong palad. Basta na lamang siya naglakad at nilampasan ito nang hindi nililingon. "Walang lalabas." Sa dalawang salita lang ni Casimir, isa-isang kumilos ang mga kalalakihan roon at hinaranganan siya. Mabilis niyang nilingon si Koen sa pangamba na baka hindi na sila makaalis nang buhay roon. "Let's had a del," taas-noong sabi ni Casimir. Bahagyang tumaas ang kilay niya sa narinig. Muntik na niyang hindi maintindihan ang sinabi nito.  "Ayusin mo muna ang English mo bago ka makipag-deal, a'right?" prangkang sagot ni Koen sa hamon ni Casimir Estrella.  Nakagat ni Rain ang ibabang labi sa pagpipigil na matawa. Sumama ang tingin ng lalaki sa kanya nang mapansin iyon. "Maglaro tayo." Kumuha si Casimir ng dalawang tako at inihagis ang isa kay Koen na agad naman nitong nasalo. "Kapag nanalo ka, makakalabas kayo rito nang walang galos. At kapag, natalo ka..." "Hindi-hinding ako magpapatalo sa 'yo," putol ni Koen. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD