CHAPTER 9

1295 Words
LEAH's POV Dumating na rito sa mansyon namin ni Abner ang isa sa mga anak nitong si Lulu at kasama niya ang gwapo at masarap niyang asawa. Kahit nakatayo lang si Henry ay namamasa na ang hiyas ko. Ganito ito ka-hot. Titigan ko pa lang ay namamasa na ako. Wala ba itong ideya na sobrang hot nito? Sobrang lakas ng manly appeal. 'Yong tipong ang sarap-sarap hubaran. Shocks! Basang-basa na talaga ako. Lulu: Mama Leah, natulala na kayo riyan. Hindi niyo pa po ba kami papapasukin ni Henry? L*ntik. Nahalata kaya ni Lulu ang pagtitig ko kay Henry? Ang gwapo naman kasi talaga ng asawa niya. Ang sarap titigan buong araw. Leah: Pa-pasensya na, Lulu. Lutang pa rin ang isip ko rahil sa mga nangyayari ngayon. Maisip ko pa lang na nanghihina na ang katawan ni Abner ay sobrang nasasaktan ang puso ko. Kainis. Ayaw lumabas ng mga luha ko. Leche! Papalungkutin ko na lang ang mukha ko. Kailangan malungkot ako. Argh! Nakakaasar. Yumakap ako kay Lulu kahit si Henry ang gusto kong yakapin. Umarte ako na humahagulgol sa balikat ni Lulu. Hayan na. Medyo namamasa na ang mga mata ko. Kung bakit naman kasi mas nauna pang mamasa ang hiyas ko. Kasalanan 'to ni Henry. Leah: Ayoko siyang mawala, Lulu. Mahal na mahal ko ang Papa niyo. Alam niyo 'yan. Naramdaman ko ang paghimas ni Lulu sa aking likod. Pilit niya akong pinapakalma. In fairness, medyo lumalambot na ang puso ni Lulu sa akin. Eh kasi naman, kitang-kita niya ang pagmamahal ko sa kanyang Papa Abner. Pero syempre kunwari lang. Ilang sandali lang ay bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang fake tears ko. Hindi pa rin kumukupas ang galing ko sa pag-arte. Leah: Pa-pasensya na kayo, Lulu, Henry. Masyado lang talaga akong emotional these past few days. Ang sakit-sakit sa dibdib. Tumalikod ako at umaktong nagpupunas pa rin ng mga luha. Muli akong humarap sa kanila. Leah: Pasok kayo. Forgive my manners. Pumasok sina Lulu at Henry sa loob ng mansyon. Napansin kong isang maleta lang ang bitbit ni Henry. Pinaupo ko silang dalawa sa sofa. Leah: Pasensya na kayo. Hindi pa ako nakakapagluto. Kagigising ko lang. Ganito ang gising ko araw-araw. Tinatanghali na rahil hindi ako makatulog sa sobrang pag-aalala sa Papa ninyo. Buti na lang ay narinig ko ang pagtawag ninyo. Lulu: Buti na lang din at binigyan niyo kami ng kopya ng susi ng gate dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon ay nakatayo pa rin kami ni Henry sa labas ng gate. Oo nga pala. Binigyan ko silang magkakapatid ng duplicate key ng susi ng gate ng bahay noong nagkaayos na kaming lahat after family reunion. Pero 'yong sa gate lang. Ayoko pa rin na basta-basta silang pumapasok dito sa pamamahay namin ni Abner. Lalo na ngayon na marami akong ginagawang kalokohan sa loob ng bahay na ito. Mula kasi noong hindi dumalo sa kasal namin ni Abner ang mga anak nito ay talagang pinapalitan nito ang lahat ng susi ng bahay. Leah: Magluluto muna ako ng makakain ninyo. Paniguradong pagod kayo sa biyahe. Lulu: Bakit pa kayo nag-aabala, Mama, gayong may dalawa namang housemaids si Papa? Oo nga pala. Hindi pa nila alam. Leah: Ilang linggo na silang wala, Lulu. Pinaalis namin noong nalaman namin ni Abner na pinagnanakawan nila kami ng iyong Papa. Masakit sa Papa mo na paalisin sila pero sinira nila ang tiwala ng iyong Papa. Hindi na kami nagsampa ng kaso para hindi na lumaki pa ang gulo. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ni Lulu. Lulu: Nagnakaw sina Yaya Miding at Yaya Lucy? Parang hindi ko naman--- Pinutol ko ang anuman niyang sasabihin. Leah: Alam ko. Alam kong mahirap paniwalaan. Maski kami ni Abner ay nagulat, pero totoo ang sinasabi ko, Lulu. Pinagnakawan nila kami. Dala marahil ng sobrang pangangailangan sa pera. Umiiling si Lulu. Parang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Lulu: Hindi magagawa--- Pinutol kong muli ang pagsasalita niya. Leah: Nangyari na, Lulu. Napatayo si Lulu. Inilibot ang mata sa buong mansyon. Lulu: Nasaan ang kwarto ng Papa? Leah: Doon pa rin noong huli ninyo siyang dinalaw. Nagmamadaling umakyat ng hagdan si Lulu papunta sa kwartong kinaroroonan ni Abner. Naiwan kami rito sa sala ng gwapo niyang asawa. Hinarap ko si Henry. Ngumiti ako ng mapait sa harap nito. Leah: I'm sorry, Henry, kung naabala ko kayo ni Lulu. Pero nagmakaawa ako sa kanya. Sinabi kong samahan niya ako sa pagdadalamhati ko. Mababaliw ako sa bahay na ito, Henry. Wala akong makausap. Tuwing gabi ay umiiyak ako sa kama. Naaalala ko ang mga gabing magkasama kami ni Abner sa kama. Nami-miss ko ang mga yakap at halik niya sa akin. Yumuko ako at sinimulan ko na naman ang orasyon. Pinipilit kong muli na may lumabas na mga luha mula sa aking mga mata. Pinayugyog ko ang aking mga balikat para mas kapani-paniwala. May kasama pang pagsinghot para mas believable. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang isang presensya sa tabi ko. May umupo sa tabi ko. Si Henry. Naramdaman ko ang paghimas ng kamay nito sa aking likod. Nakararamdam ako ng init sa mga haplos na 'yon ni Henry. Init na umaabot sa maselang parte ng aking katawan. Nagsalita ito. Henry: Everything will be fine, Mama Leah. Shocks! Ang hot ng boses niya. Lalaking-lalaki. Makalaglag-thong. Ini-imagine ko pa lang na umuungol ito gamit ang boses na 'yon ay naglalawa na ako. Tumingala ako sa lalaking nasa tabi ko. Paniguradong kitang-kita nito ang namamasa kong mga mata rahil sa aking fake tears. Alam kong malungkot na malungkot ang mukha ko. Yumakap ako rito. Sa wakas! Naramdaman ko rin ang katawan ni Henry. Ang sarap sa pakiramdam na yakapin ang katawan nitong hindi malaman at hindi rin naman mabukol. Tama lang. Lalaking-lalaki. Pinipigilan ko rin ang sarili kong amuy-amuyin ito. Sobrang bango. Pinaghalong amoy ng natural na amoy ng lalaki, panlalaking pabango, at natuyong pawis. Ang sarap ni Henry! Nanunuot sa aking ilong ang amoy na nagmumula sa dibdib at leeg nito. Pilit kong nilalabanan ang tukso. May tamang panahon sa paglalandi. Kailangan ko munang makuha ang loob nito. Tuluy-tuloy pa rin ang paghimas nito sa aking likod. Inaalo ako. Nakasiksik sa leeg nito ang aking ulo. Leah: Ang sakit-sakit, Henry. Ayokong mawala si Abner. Lalo ko pang pinagbuti ang pagyugyog sa aking mga balikat. Sigurado akong sa bawat paggalaw ng aking balikat ay bumubunggo ang malalaki kong papaya sa malapad na dibdib ni Henry. Maaaring hindi nito ipahalata pero alam kong naaapektuhan ito. Naririnig ko ang mga malalalim na buntung-hininga nito. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Henry. Sapat na 'yon. Uunti-untiin ko ang pang-aakit dito. Leah: Sige. Pupuntahan ko muna si Abner sa kanyang kwarto. Pagkatapos ay magluluto na ako para sa ating lahat. ---------- THIRD PERSON POV Bumibili sa isang sari-sari store si Leandro nang may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. Naghiyawan ang mga kaibigan niyang tambay. Humarap siya sa taong nakayakap sa kanya. Leandro: Sus! Ikaw lang pala, Sabel. Tinanggal ni Leandro ang mga bisig ni Sabel na nakapalibot sa kanyang baywang. Leandro: Huwag dito. Iti-text na lang kita. Nag-pout si Sabel. Sabel: Miss na kita, babe. Napakamot si Leandro sa kanyang ulo. Leandro: Alam ko. Miss na rin kita. Pero mag-ingat tayo. Pambihira ka. Kung makayakap ka parang wala akong asawa. Buti mga tropa ko lang nakakita sa ginawa mo. Sabel: Ang hot mo kasi, babe. Ang sarap mo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Leandro: Alam ko na 'yon. Sige na. Umalis ka na. Mamaya bumalik na galing palengke si Alice, makita ka pa. Medyo mainit pa naman ang mga mata niyon sa 'yo. Sumimangot si Sabel. Sabel: Hay naku! Pangit kasi siya kaya insecure siya sa ganda ko. Makaalis na nga. Hmp! Napailing na lang si Leandro. ---------- to be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD