CHAPTER 10

1338 Words
LEAH's POV Muli kong sinilip ang loob ng kwarto kung saan nakaratay ang demonyong si Abner. Naroon pa rin sina Lulu at Henry. Nag-iinit pa rin ang katawan ko rahil sa presensiya ni Henry. Dati pa naman akong mahilig sa pakikipagtalik kaya hindi na nakakagulat na mabilis mag-init ang katawan ko sa tuwing may lalaki sa paligid ko na alam kong kayang tugunan ang sekswal kong pangangailangan katulad na lamang ni Henry. Pero rahil sa mga plano ko para sa pamilya ng matandang si Abner ay kailangang maging kalkulado ang bawat kilos ko. Hindi pwedeng basta-basta akong magpadala sa init ng aking katawan. Sa bugso ng aking damdamin. Hindi ko pwedeng biglain ang katulad ni Henry na halatang responsableng asawa at takot magkasala sa asawa nito. Dapat ay unti-untiin ko ang pagpapadamang gusto ko itong makasama sa aking kama. Nasimulan ko na noong family reunion. Nang umahon si Henry mula sa swimming pool at mapatingala sa bintana ng kwarto na inokupa namin ni Abner. Alam kong nakita nito sa mga mata ko ang matinding pagnanasa para rito. Kaya ngayon ay guguluhin ko ang isip ni Henry. Gusto kong ito mismo ang mag-analisa ng bawat kilos ko. Gusto kong maghinala ito sa akin. Gusto ko itong magduda sa mga ikinikilos ko. Gusto kong mabuhay ang kuryosidad sa sistema nito. Kuryosidad na lilikha ng butas sa maayos na relasyon nila ni Lulu. At kapag dumating ang panahon na tuluyan nang nilamon ng kuryosidad ni Henry ang sistema nito ay ito na mismo ang gagawa ng paraan para masira ang masayang samahan nito at ng asawa. At hindi na ako makapaghintay na lumuha si Lulu, ang isa sa tatlong magkakapatid na hinusgahan ang pagkatao ko noon. Iba naman ang kaso ni Leandro. Sa unang pagkikita namin ay kitang-kita ko na agad sa mga mata ni Leandro ang pagnanasang hindi naman sinubukang ikubli. Doon pa lang ay alam ko nang hindi ito natatakot na gumawa ng kasalanan kasama ang stepmother ng asawa nito. Hindi ko kinailangan ang maging maingat sa mga kilos ko kay Leandro. Kaya naman ngayon ay magkasalo kami sa isang bawal na relasyon. Kabit ko ang manugang ng asawa ko. At kabit ako ng mister ng isa sa mga stepchildren ko. Aaminin kong nag-iinit ang buong sistema ko sa tuwing magkaulayaw kami ni Leandro sa mismong kama namin ni Abner bilang mag-asawa. Nakararamdam ako ng saya sa kaalamang walang kamalay-malay ang asawa kong binababoy namin ng manugang niya ang kamang dapat ay sa aming dalawa lang. Sa tamang panahon ay ipamumukha ko kay Abner ang makasalanan naming relasyon ni Leandro. Ipamumukha ko sa kanyang basura lang para sa akin ang kasal naming dalawa. Ipamumukha ko sa kanyang hindi ko siya mahal at kahit kailan ay hindi ko minahal. Pero kahit magkasama kami sa sarap ni Leandro ay hindi ko ito pwedeng isama sa aking tagumpay. Dahil ito ang instrumento para masaktan ko si Alice, ang isa sa mga anak ng hayop na si Abner. Napangiti ako nang maisip ang lahat ng videos ng pagtatalik namin ni Leandro na lihim kung kinukunan gamit ang isang hidden camera. Siguradong mawawasak ang puso ni Alice oras na mapanood nito ang videos ng pagtataksil ng asawa kasama ang stepmother na kinasusuklaman nito noon. Paniguradong hindi lang babalik ang pagkasuklam nito sa akin kundi isusumpa pa ako nito. Sa kaso ni Paeng ay alam kong tatanggihan nito ang anumang advances ko rahil pangalawang asawa ako ng ama nito, kaya hindi ako nahiya nang minsan ko itong akitin noong family reunion. Alam kong hindi seseryosohin ni Paeng ang ganoong bagay mula sa akin kahit pa gold-digger ang tingin nilang magkakapatid sa akin. Hindi nito iisiping pag-aaksayahan ko ito ng panahon gayong nabingwit ko na ang malaking isda. At dahil sa ganoong mindset ni Paeng kaya mas madali ko itong mahuhuli sa aking patibong. Tulad na lamang ngayon. Pumayag itong subukan ko ang mga gamot na ipinapainom namin sa asawa nitong si Debbie rahil na rin sa rekomendasyon ko. Komportable itong wala namang mangyayari sa amin. At ang pagiging kampante nito ang gagamitin kong sandata para madagit ito sa aking patibong. Kapag nagkataon, masisira ang mag-asawang Paeng at Debbie at wala itong ibang sisisihin kundi ang sarili rahil naging kampante sa totoong kalabang nasa paligid lang na walang iba kundi ako. Muli kong sinilip ang loob ng kwarto kung saan nakahiga ang kawawang Abner. Ngumisi ako sa nakikita kong anyo ni Abner ngayon. Nangangayayat na siya rahil sa malubha niyang sakit. Kung ako ang tatanungin ay ayoko pang mamatay si Abner. Pero rahil sa katandaan niya ay kung anu-anong sakit na ang dumadapo sa kanya. Kaya naman habang hindi pa siya sinusundo papuntang impyerno ay gusto ko muna siyang pahirapan. Lagi kong chini-check ang mga pagkaing inihahain ni Nurse Winnie para kay Abner. Gusto kong masiguro na tama ang mga kinakain niya rahil gusto ko pang mapahaba ang buhay niya kahit papaano. Gusto ko pang maghirap si Abner habang sinasalubong ang dulo ng buhay niya. Hindi pwedeng hindi niya maranasan ang sakit na idinulot niya sa taong mahal ko. Kailangang maranasan niya ang sakit nang doble-doble. Kaya sisiguraduhin kong hindi lang si Abner ang masasaktan kundi pati ang mga taong mahahalaga sa kanya. Gusto kong pagsisihan niyang minahal niya ako. Gusto kong isumpa niya ang sarili niya rahil minahal niya ang babaeng pinakamamahal ng lalaking pinaslang niya ng walang awa. Gusto kong pagsisihan niya ang lahat ng mga kasalanan niya. Matapos kong silipin nang paulit-ulit ang matandang Abner ay pumasok na ako ng master's bedroom. Sinabi sa akin ni Lulu na rito sa malaking bahay ito mananatili ng ilang linggo para samahan ang ama kaya rapat ay maging maingat ako sa mga kilos ko. Ang asawa nitong si Henry ay bibisi-bisita rito paminsan-minsan dahil hindi raw nito maiwanan ang furniture shop nito. Ngayong gabi ay dito matutulog sa malaking bahay si Henry. Ayos lang naman sa akin dahil ayaw ko ring ma-distract sa presensiya ni Henry. Para itong isang bawal na gamot na nakatutuksong tikman at hindi maganda para sa mga plano ko ang magpadala sa tawag ng laman. Speaking of tawag ng laman, nag-iinit pa rin ako rahil kay Henry. Gusto kong maibsan ang init ng katawan ko, pero hindi ko maaaring papuntahin dito sa malaking bahay si Leandro rahil narito ang mag-asawang Lulu at Henry. Delikado rin kung magkikita kami sa labas ni Leandro. Marahil ay paglalaruan ko na lang ang aking sarili habang pinapanood ang videos ng malalaswang ginagawa namin ni Leandro rito sa ibabaw ng marital bed namin ni Abner. Napakagat-labi ako sa aking naisip. ---------- THIRD PERSON POV Sa bahay ng mag-asawang Paeng at Debbie ay hindi pa rin makatulog si Paeng. Naiisip niya ang naging usapan nila ni Leah noong isang araw. Pumayag si Paeng sa gustong mangyari ni Leah. Na subukan nito ang mga gamot na iniinom ng asawa niya. Kinakabahan si Paeng. Alam niyang marami ang posibleng mangyari oras na inumin ni Leah ang mga gamot na iyon at hindi siya sigurado kung mapipigilan ang sarili. ---------- Madaling-araw nang maalimpungatan si Henry dahil nauuhaw siya. Maingat siyang bumangon para hindi magising ang asawang si Lulu. Dahan-dahang binuksan at isinara ni Henry ang pinto ng kwarto. Malapit na siya sa hagdan nang maulinigan ang isang boses na parang namamaos. Para rin itong naghahabol ng paghinga. Napukaw ang kuryosidad ni Henry kaya naman sinundan niya kung saan nagmumula ang tinig. Parang galing iyon sa master's bedroom. Dahan-dahang lumakad si Henry patungo sa master's bedroom. Nang nasa tapat na siya ng nakasaradong pinto ay inilapat niya ang kanyang kanang tainga sa pinto para mas marinig ang sinasabi ng tao sa loob ng kwarto. Impit na ungol lamang ang naririnig ni Henry na may kasamang paghugot ng malalim na paghinga paminsan-minsan. Maya-maya ay naulinigan niyang may ibinubulong ito. Mas idiniin pa ni Henry ang kanyang tainga sa pinto at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang marinig ang mahinang ibinubulong ng tao sa loob ng kwarto. "Ganyan nga. Ipasok mo sa loob ko. Iyong-iyo ang perlas ko, Henry..." ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD