LEAH's POV
Kanina ko pang napapansin ang mga pailalim na tingin sa akin ni Lulu. Akala naman niya ay ikinaganda niya iyon.
Kapag ako sinaniban ng masamang espiritu, talagang tutusukin ko ang dalawang mata ng hilaw kong anak gamit ang tinidor.
Nandito kami ni Lulu ngayon sa dining room at sabay na kumakain ng breakfast. Habang si Nurse Winnie naman ang nagpapakain sa aking asawang si Abner sa inookupa nitong kwarto ngayon.
Simula nang sabihin sa akin ni Nurse Winnie na itinanong daw ni Lulu rito kung may pumupunta bang ibang tao rito sa malaking bahay ay naging mapagmatyag na ako sa mga kilos ni Lulu. Ang pakiramdam ko ay naghihinala na siyang may ginagawa akong hindi tama.
Nang unang beses na nagniig kami ng aking manugang na si Leandro habang narito si Lulu sa malaking bahay ay talaga namang ingat na ingat kaming dalawa na huwag makagawa ng anumang ingay.
Pigil na pigil kaming dalawa ni Leandro na umungol ng malakas nang gabing iyon. Mahirap pigilan na makaalpas ang mga ungol mula sa aming mga bibig, pero nagawa rin naman namin. Umabot pa nga kami ng dalawang rounds.
Pagkatapos nang gabing iyon ay inobserbahan ko ang mga kilos ni Lulu kinabukasan. Mukha namang hindi niya naramdamang may ibang tao akong kasama sa loob ng aming kwarto ni Abner.
Dahil doon ay naging malakas ang aking loob at inimbitahang muli si Leandro na magniig kami nang sumunod na gabi.
Nitong mga nakaraang gabi ay naging sunud-sunod ang pag-uulayaw namin ni Leandro. Sinusubukan pa rin naming huwag makalikha ng anumang ingay dahil paniguradong kapag nalaman ni Lulu ang tungkol sa amin ni Leandro nang ganito kaaga ay masisirang lahat ng aking mga plano.
Ang problema ay hindi ako nakukuntentong kamay ko lang ang aking kaulayaw. Gusto ko ay laging may malaking alagang nakapaloob sa aking yungib.
Well, sino pa ba ang aking sisisihin sa aking pagiging malibog kundi ang una kong naging boyfriend na siyang nagturo sa akin ng lahat ng dapat kong matutunan pagdating sa pakikipagtalik.
Si Benjo.
Ang walanghiyang si Benjo na ipinagpalit ako sa aking stepsister na si Krizelle.
Kung nasaan man silang dalawa ngayon ay umaasa akong hindi sila masaya sa kanilang pagsasama. Walang karapatang sumaya sina Benjo at Krizelle pagkatapos nilang saktan ang aking kalooban.
Ayos naman ang lahat hanggang kahapon nang tanghali nang mapansin ko ang mga nagdududang tinging ipinupukol sa akin ni Lulu. Iyon ang unang beses na tinitigan niya ako nang ganoon simula nang matapos ang family reunion na in-organize ni Abner.
Kaya hindi ko pinapunta si Leandro rito sa malaking bahay kagabi ay dahil may pakiramdam akong nagsisimula nang magduda sa akin si Lulu. Kung bakit ay hindi ko alam.
Gusto ko nang tapusin itong tensyong namamagitan sa amin ni Lulu kaya itinigil ko ang pagsubo ng pagkain at kinausap siya.
Leah: Ipagpaumanhin mo, Lulu, pero may gusto ka bang sabihin sa akin? Kahapon ko pang napapansin ang mga titig mo sa akin.
Nakangiti ako kay Lulu, pero sa aking loob-loob ay ang sobrang antisipasyon sa kanyang sasabihin.
Nakita kong inilapag ni Lulu ang kanyang hawak na mga kubyertos sa ibabaw ng dining table at pinunasan ang gilid ng kanyang mga labi gamit ang table napkin bago nagsalita.
Lulu: Mabuti naman at ikaw na ang nagbukas ng usapan para rito, Mama. Hindi ko kasi alam kung paano ka ia-approach tungkol sa isang bagay na aking nakita kahapon.
Nakangiti sa akin si Lulu, pero nakikita kong iba ang sinasabi ng kanyang mga mata.
Kumunot ang aking noo.
Leah: A-ano ang ibig mong sabihin?
Nakakalokong ngumiti si Lulu bago sumagot.
Lulu: I saw a used boxer briefs inside the bathroom cabinet. 'Yong bathroom dito sa ibaba. And I'm pretty sure na hindi kay Papa iyon.
Sandali akong natigilan sa sinabi ni Lulu ngunit kailangan kong maging kalmado kung ayaw kong mabuking niya ako.
Leah: Oh. Siguro isa sa mga ipinapahiram natin sa guests tuwing may house party dito sa bahay. Alam mo naman ang Papa mo, he loves organizing house parties for his employees noong malakas pa siya. And usually ay maraming nalalasing kaya rito na pinapatulog ng Papa mo ang iba sa kanila. At alam mo that we have sleeping attires and spare undergarments for our guests na nakalagay sa bathroom cabinet.
Kailangan kong tapikin ang aking sarili rahil nakapagsalita ako nang hindi nauutal sa harapan ni Lulu.
Hayop na Leandro 'yan. Hindi nag-iingat. Ipapahamak pa ako.
Nakita kong tumaas ang dalawang kilay ni Lulu at tumango-tango. Halata namang hindi siya naniniwala sa aking sinabi.
Lulu: To be honest, Mama, hindi pa ako gaanong nagtitiwala sa iyo. But for my Papa Abner, especially he organized a family reunion for all of us, kaya naman sinusubukan kong bigyan ka ng benefit of the doubt. At saka nakikita ko namang inaalagaan mo ang Papa at nakikita ko ring mahal na mahal ka niya.
Tumigil sa pagsasalita si Lulu at inabot ang aking kanang kamay na nakapatong sa ibabaw ng dining table.
Lulu: Kaya naman sana huwag kang gagawa ng bagay na magiging dahilan para muli ka naming pagdudahang magkakapatid. Dahil sa totoo lang, hindi pa rin ako convinced sa sinabi mong nagnakaw sina Yaya Lucy at Yaya Miding.
Binitiwan ni Lulu ang aking kanang kamay at nagkibit-balikat.
Lulu: Huwag naman sanang totoo 'yong kutob kong pinaalis mo silang dalawa para malaya kang makapagpapasok ng ibang tao rito sa loob ng malaking bahay. At iyong nakita kong gamit na boxer briefs ay baka sa taong pinapapasok mo.
Matiim akong tinitigan ni Lulu matapos niyang magsalita. Parang may laman ang lahat ng kanyang sinasabi. Well, tama naman lahat.
Nakakainis. Hindi pala ganoon kadaling malinlang itong si Lulu.
Nagkamali ako sa pag-aakalang madali ko lang malulusutan si Lulu. Ganoon din ang iniisip ko sa isa ko pang babaeng anak-anakan na si Alice at sa aking hilaw na manugang na si Debbie.
Bakit ko nga ba naisip na ako lang ang nag-iisip sa aking larong ito?
Bumuntung-hininga ako bago kalmadong nagsalita.
Leah: Hindi ko gusto ang ibig mong ipakahulugan, Lulu. Pero makakaasa kang walang ibang taong nagpupunta rito sa bahay namin ng iyong Papa. At kung iniisip mong pinagtataksilan ko siya, ngayon pa lang ay iwaksi mo na 'yan sa isipan mo. I love your father so much. At kahit buhay ko ay handa kong ialay para sa kanya.
Thank goodness at nakisama ang aking mga luha. Nangingilid na ang aking mga luha sa aking mga mata habang kausap si Lulu.
Ngumiti si Lulu.
Lulu: Well, 'yan naman ang gusto kong marinig. At least malinaw na tayo riyan.
Tumango ako at matamis na ngumiti kay Lulu.
Pasimple ko na ring pinahid ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
Lagot ka talaga sa aking babae ka kapag nakababad na ang malaking alaga ng iyong mister sa loob ng aking basang yungib. Tingnan natin kung saan ka pupulutin, Lulu.
Lulu: Ipagpatuloy na natin ang almusal, Mama.
Tumawa ng mahina si Lulu.
Leche ka. Sinira mo ang aking araw.
----------
THIRD PERSON POV
Luminga-linga muna si Leandro sa paligid bago pumasok sa loob ng isang mamahaling restaurant.
Nanlaki ang mga mata ni Sabel nang makitang pumasok sa isang mamahaling restaurant si Leandro. Naisip niyang may pera pala ang lalaki at sa isang fine dining restaurant pa kakain para sa pananghalian nito.
Pupuntahan sana ni Sabel si Leandro sa bahay nito rahil ilang araw na naman itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Pagkatapos nang araw na nakipagkita ito sa kanya para magtalik sila at hindi ito tinigasan ay hindi na silang muling nagkita.
Malakas ang pakiramdam ni Sabel na iniiwasan siya ni Leandro kaya balak sana niyang komprontahin ito kanina. Kaso ay nakita niyang sumakay ito ng taxi kaya naman sinundan niya ito.
Habang nakasunod ang taxi na kinalululanan ni Sabel sa taxi na sinasakyan ni Leandro ay naisip niyang baka may ibang babae na si Leandro kaya nanlalamig na ito sa kanya. Sa kaisipang iyon ay parang kumirot ang puso ni Sabel.
Oo, mahal ni Sabel si Leandro kahit alam niyang pampalipas-oras lang siya nito. Alam na alam niya ring may asawa na ito at hindi na pwedeng maging sila pa. Pero ano ang kanyang magagawa gayong hindi naman natuturuan ang puso kung kanino ito titibok.
Umaasa na lang si Sabel na matututunan din siyang mahalin ni Leandro katulad kung paano siyang natutong mahalin ito sa kabila ng mga kakulangan nito.
Bumaba mula sa loob ng taxi si Sabel pagkatapos niyang bayaran ang driver ng sasakyan. Lumakad siya palapit sa restaurant na pinasukan ni Leandro at sumilip sa glass wall ng kainan.
Nakita ni Sabel na may kasamang babae si Leandro sa loob ng restaurant at nag-uusap ang mga ito. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan.
Tiningnan ni Sabel ang babae. Maganda ito at mukhang mayaman base sa ayos nito. Bigla ay may namuong hinala sa isipan ni Sabel.
Iniisip ni Sabel na ang babaeng kasama ni Leandro sa loob ng restaurant ang maaaring bagong babae nito kaya naman nanlalamig na ito sa kanya.
Muling tiningnan ni Sabel ang babaeng kasama ni Leandro. Maganda ang hubog ng katawan at mala-porselana ang kutis.
Nang muling tingnan ni Sabel ang mukha ng babaeng kausap ni Leandro ay kumunot ang kanyang noo. Parang pamilyar kay Sabel ang mukha nito.
Bigla ay may nag-flash sa isipan ni Sabel.
Ang dating katrabaho at kaibigan ni Sabel na si Philip.
Sabel: Ang sipag mo nitong mga nakaraang araw, ah. Parang inspired yata ang kaibigan ko.
Ngumiti lang si Philip kay Sabel bago sumipsip sa straw na nasa loob ng hawak nitong bote ng soda.
Break time nina Sabel at Philip ngayon at nagme-merienda sila sa loob ng canteen ng pabrikang pinagtatrabahuan nila.
Sabel: Dahil sa syota mo, ano? Patingin naman ako ng hitsura niya. May picture ka ba riyan?
Muling ngumiti si Philip at binuksan ang hawak nitong wallet.
Philip: O, hayan. Ang ganda 'di ba?
Sumubo muna si Sabel ng isang biscuit bago sumilip sa loob ng wallet ni Philip. May isang larawan doon ng magandang babae.
Sabel: Oo nga, ano? Ang ganda. Kaya pala inspired na inspired ka.
Ngumiti si Philip na may halong pagmamalaki.
Philip: Kaya naman talagang nagsisikap ako para mabigyan siya ng magandang buhay. Gusto ko na kasing bumukod kami ng bahay para hindi na siya mahirapan pa.
May nahimigang lungkot si Sabel sa tinig ng boses ni Philip.
Sabel: Eh, ano nga ulit ang pangalan niya?
Nakangiting tumingin si Philip sa kawalan bago sumagot.
Philip: Leah. Ang babaeng aking mahal na mahal.
Nanlaki ang mga mata ni Sabel matapos alalahanin ang araw na iyon kung kailan kanyang nakita sa isang larawan ang mukha ng kasintahan ng dating kaibigang si Philip.
Tumingala sa kalangitan si Sabel at bumulong sa hangin.
Sabel: Bakit kasama ni Leandro ang dating kasintahan ni Philip?
----------
to be continued...