LEAH's POV
Nakipagkita ako sa aking kalaguyo na si Leandro sa loob ng isang fine-dining restaurant ngayong araw para kausapin siya na magdoble-ingat kami rahil nagiging mapagmatyag na ang aking magaling na stepdaughter na si Lulu.
Hindi kasi nag-iingat si Leandro. Sa dinami-rami ng lugar kung saan maiiwan niya ang pinaghubarang boxer briefs ay talagang sa loob pa mismo ng guest bathroom sa unang palapag ng malaking bahay naming mag-asawa.
Nang magsalita ako ay pigil na pigil ko ang aking sarili na sumabog sa galit. Pabulong at madiin ang aking pagbitiw sa bawat salitang aking binibigkas dahil ayokong makaagaw ng atensyon ng ibang taong nasa loob ng restaurant na iyon.
Leah: Talaga ba, Leandro? Sa lahat ng lugar sa loob ng mansyon na pwede mong pag-iwanan ng gamit mong boxer briefs ay doon pa sa lugar na maaaring makita ng ibang tao?
Pinandidilatan ko ng aking mga mata si Leandro.
Inis na inis ako ngayon. Mabuti na lamang ay nakaisip agad ako ng idadahilan kay Lulu na siyang nakakita sa used boxer briefs ni Leandro. Pero syempre hindi ako sigurado kung pinaniwalaan ako ng aking stepdaughter.
Napayuko si Leandro. Marahil ay nahihiya sa kanyang kapabayaan.
Leandro: A-ano kasi, uhm, nasa loob ka na ng banyo ng master's bedroom nang magising ako noong isang gabi. Eh, na-naiihi na ako niyon. Si-sinubukan ko namang buksan 'yong pinto ng banyo kaso nai-lock mo yata. Hi-hindi ko na mapigilan, ihing-ihi na talaga ako, kaya naman bu-bumaba ako sa first floor ng malaking bahay dala ang aking mga pinaghubarang damit para roon na magbihis at doon na rin umihi sa loob ng guest bathroom.
Sandaling tumigil si Leandro sa pagsasalita at makalipas ang ilang segundo ay muling nagpatuloy.
Leandro: Ta-talagang ihing-ihi na ako kaya naman hu-hubo't hubad na akong bumaba patungong guest bathroom. Doon na ako nagbihis pagkatapos kong umihi.
Nanatiling nakayuko si Leandro habang nagsasalita.
Tinitigan ko ng masama si Leandro kahit alam ko namang hindi niya nakikita ang aking masamang titig sa kanya rahil nga siya ay nakayuko.
Ikinuyom ko ang aking mga palad at baka hindi ko mapigil ang aking sarili at masampal ko si Leandro sa harapan ng maraming tao.
Hindi talaga nag-iingat ang lalaking ito.
Leah: Isa pa 'yan. Hindi ba at sinabi kong hindi ka maaaring bumaba sa unang palapag ng mansyon hanggang hindi kita binibigyan ng permiso? At talagang hubo't hubad ka pang bumaba, ah. Paano kung may nakakita sa iyo? Eh, 'di pareho tayong lagot sa mga asawa natin. Ano ka ba naman, Leandro? Para akong nakikipag-usap sa isang paslit.
Umangat ang mukha ni Leandro at tinitigan niya ako.
Namumula ang mukha ni Leandro. Marahil ay dahil sa sobrang kahihiyan.
Leandro: Pa-patawarin mo ako, Leah. Hi-hindi na mauulit.
Napatirik ang aking mga mata.
Kapag nabulilyaso talaga ang aking mga plano rahil kay Leandro ay pag-uuntugin ko silang dalawa ng kanyang asawang si Alice.
Leah: Sandali, kung nagbihis ka naman pala sa loob ng guest bathroom, bakit naiwan sa loob ng bathroom cabinet ang boxer briefs mo?
Nakita kong napakamot sa kanyang batok si Leandro at muling yumuko.
Leandro: Uhm, hi-hindi ko na muling isinuot ang aking boxer briefs dahil ma-marami ng likidong kumapit dito mula sa pag-pagtatalik natin.
Napataas ang aking kilay sa aking narinig na sinabi ni Leandro.
Parang ako pa pata ang sinisisi ng walanghiyang ito?
Leandro: Na-nang ilalagay ko na sa loob ng bulsa ng aking suot na pantalon 'yong boxer briefs ay bigla akong nataranta nang may ma-marinig akong mga yabag. Ta-tapos may kumatok sa pinto ng guest bathroom. Da-dahil sa kaba ay nabitiwan ko ang aking boxer briefs.
Napapikit ako ng mariin.
Hindi lang pabaya itong si Leandro kundi aanga-anga pa.
Leandro: Na-nang makita kong nasa sahig na ang aking boxer briefs at may nagpupumilit na magbukas ng pinto ng guest bathroom ay ma-mabilis kong sinipa sa loob ng nakabukas na bathroom cabinet 'yong boxer briefs ko.
Muling napakamot sa kanyang batok si Leandro.
Maya-maya ay nag-angat si Leandro ng ulo mula sa mahabang pagkakayuko at nahihiyang tumingin sa akin.
Nagbuntung-hininga muna ako bago muling nagsalita.
Leah: So, sino 'yong kumatok sa pinto ng guest bathroom?
Nakakunot ang aking noo habang nakatitig kay Leandro.
Leandro: Hi-hindi ko alam, Leah, eh. Bi-biglang tumigil 'yong paggalaw ng seradura kaya naisip ko na baka kukuha ng spare key ang kung sinumang nagpupumilit na buksan ang pinto.
Malamang ay si Lulu ang taong kumatok sa pinto ng guest bathroom.
Pero bakit hindi nito sa akin binanggit iyon kanina? Sinusubukan ba akong hulihin ni Lulu?
Nakakainis.
Hindi pa ako nangangalahati sa aking mga plano ay mukhang may magiging hadlang na.
Leandro: Ka-kaya noong tumigil ang paggalaw ng seradura ay sinamantala ko na ang pagkakataon. Ma-mabilis kong isinara ang bathroom cabinet at nagmamadali akong lumabas mula sa guest bathroom hanggang sa makalabas ako sa main entrance door ng malaking bahay.
Sandaling tumigil si Leandro sa pagsasalita at ininom ang tubig na nasa loob ng basa sa kanyang harapan.
Leandro: Hi-hindi na ako nakapagpaalam sa iyo, Leah. Sobra talaga akong kinabahan at a-alam kong ikagagalit mo kapag nalaman mong muntik nang may makahuli sa akin.
Kaya pala pagkalabas ko mula sa loob ng banyo ng master's bedroom noong isang gabi ay wala na si Leandro sa ibabaw ng kama.
Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Leandro nang gabing iyon na nagsasabing umuwi na siya at hindi na ako hinintay na matapos mag-shower dahil baka magduda si Alice kung sunud-sunod na araw na siyang umuuwi ng madaling-araw.
Pero ito pala talaga ang totoong dahilan.
Leandro: Kaya naman nang hindi mo na ako papuntahin kagabi ay naisip kong baka nalaman mo na ang nangyari.
Namumula pa rin ang mukha ni Leandro rahil sa sobrang hiya sa akin.
Aba. Talagang dapat lang siyang mahiya rahil nakikinabang din siya sa mga perang ibinibigay ko pagkatapos ay ipapahamak pa niya ako.
Umiling ako kay Leandro.
Leah: Kanina ko lang nalaman. Kahapon ay napapansin ko na ang mga kakaibang titig sa akin ni Lulu kaya naman nagduda na ako at para makasigurado ay hindi na muna kita pinapunta.
Sandali akong tumigil nang dumating na ang waiter para i-serve ang aking mga in-order na pagkain para sa amin ni Leandro.
Nang makaalis ang waiter ay saka ako muling nagpatuloy.
Leah: Kaninang umaga ay hindi ko na pinatagal pa ang tensyon sa pagitan namin ni Lulu at kinompronta ko na siya kung may gusto ba siyang sabihin dahil kakaiba ang kanyang mga titig sa akin. At iyon nga, may nakita nga raw siyang used boxer briefs sa loob ng cabinet ng guest bathroom.
Muli kong pinandilatan ng mga mata si Leandro na naging dahilan para muli siyang yumuko.
Nang mag-angat ng ulo si Leandro at muli akong titigan ay pinigilan ko ang aking sarili na mapasinghap. Ilang gabi ko nang napapansin ang mga titig na iyon sa akin ni Leandro sa tuwing natatapos kaming magtalik.
Alam na alam ko ang mga titig na iyon sa akin ni Leandro.
Ganoon ako titigan ng aking pinakamamahal na si Philip dati.
Titig na puno ng pagmamahal.
Ngunit posible nga kayang umiibig na sa akin si Leandro gayong puro pagtatalik lang naman ang aming ginagawa? Hindi pa niya ako kilala nang lubusan.
Nilabanan ko ang mga titig sa akin ni Leandro. Kung totoong nagsisimula na siyang ibigin ako ay mas makabubuti iyon sa aking mga plano.
Napangisi ako sa aking isipan. Mukhang magiging masaya ito. Hindi lang katawan ni Leandro ang aking maaangkin mula sa kanyang asawang si Alice kundi maging ang kanyang puso.
At nakikini-kinita ko na ang magiging hitsura ng kawawang si Alice kapag iniwan na ito ni Leandro nang dahil sa akin.
Nagulat ako nang biglang abutin ni Leandro ang aking kanang kamay at pisilin iyon.
Dahil sa pagkabigla ay sandali akong natigilan.
Leandro: Leah, hi-hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito, pero mukhang, uhm, mu-mukhang umiibig na yata ako sa iyo.
Lalong nanigas ang aking katawan dahil sa sinabing iyon ni Leandro.
Tama naman na napapansin ko na sa mga titig sa akin ni Leandro na may nararamdaman na siya para sa akin, pero hindi ko inaasahang aaminin niya iyon agad sa akin.
Kahit inaasahan ko na ang ipinagtapat sa akin ni Leandro ay hindi ko pa rin napigilan ang aking sarili na magulat.
Nang makabawi ako sa pagkagulat ay mabilis kong binawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Leandro.
Leah: Sa-saka na natin pag-usapan ang tungkol diyan, Leandro. Kumain na muna tayo. Basta sa ngayon ay hindi muna tayo magkikita sa malaking bahay. Maliwanag ba?
Nakita kong lumungkot ang mukha ni Leandro ngunit tumango rin naman siya makalipas ang ilang sandali.
Ilang minuto nang nakaalis si Leandro matapos naming mag-lunch bago ko naisipang umalis na rin ng restaurant na iyon para umuwi na ng bahay.
Iniisip ko pa rin ang mga ipinagtapat sa akin ni Leandro kanina.
Nang makalabas ako ng restaurant ay dire-diretso akong naglakad patungo sa aking kotse. Nabuksan ko na ang pinto ng driver seat nang biglang may humawak sa aking kanang bisig.
Nagulat ako at agad na hinarap kung sino ang mapangahas na humawak sa aking bisig. Paglingon ko ay isang babae iyon.
Hindi pamilyar sa akin ang babaeng ito.
Mabilis kong binawi ang aking bisig mula sa pagkakahawak ng babaeng ito.
Leah: At sino ka para bigla na lang akong hawakan sa aking bisig?
Nakita kong ngumisi ang babae.
Babae: Ako si Sabel. Ka-kaibigan ni Leandro. 'Yong kasama mong kumain kanina.
Natigilan ako sa sinabi nitong babae na ito na nagngangalang Sabel.
Leah: Hi-hindi ko maintindihan. Ba-bakit ka nakikipagkilala sa akin?
Tumaas ang kanang kilay ni Sabel.
Sabel: Hindi ako nakikipagkilala sa iyo. Gusto lang kitang sabihan na layuan mo si Leandro.
Tumaas din ang aking kilay dahil sa sinabi ni Sabel.
Inuutusan ba ako nito? Sino ba ito sa inaakala nito?
Leah: Excuse me? At bakit ako iiwas kay Leandro?
Humalukipkip si Sabel at tinitigan ako sa paraang parang nagbabanta.
Sabel: Kung hindi mo lalayuan si Leandro ay sisiguraduhin kong malalaman ng asawa niyang si Alice ang pagkikita ninyong dalawa ngayon.
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Sabel.
Hindi pa ito ang tamang oras para malaman ni Alice ang tungkol sa amin ni Leandro.
Pero hindi rapat ako magpakita ng kaba sa babaeng ito na isang bubuwit lang sa aking paningin.
Leah: Okay, go ahead. Wala naman akong dapat ikatakot dahil wala naman kaming ginagawang masama ni Leandro.
Nagkibit-balikat pa ako sa harapan ni Sabel bago nagpatuloy magsalita.
Leah: May nakita ka bang ginawa namin ni Leandro sa loob ng restaurant maliban sa nag-usap at kumain? Hindi mo ako kilala kaya huwag mo akong huhusgahan. Baka kapag nagsumbong ka sa asawa ni Leandro ay ikaw pa ang mapahiya?
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para hindi mautal sa pagsasalita sa harapan ni Sabel.
Kinakabahan ako at umaasang hindi magsusumbong ang Sabel na ito kay Alice na magkasama kami ni Leandro kanina. Kaya ko namang lusutan iyon kung sakaling malaman ni Alice, pero ayaw ko muna itong magduda sa ngayon. Hindi maganda para sa aking mga plano.
Nakita kong ngumisi si Sabel.
Sabel: Ako? Hindi ka kilala?
Malakas na humalakhak si Sabel na naging dahilan para kumunot ang aking noo.
Sabel: Para sabihin ko sa iyo, kilalang-kilala kita. Ikaw si Leah na dating kasintahan ni Philip.
Malakas akong napasinghap at nanlaki ang aking mga mata sa sinabing iyon ni Sabel.
Bakit kilala ni Sabel si Philip?
Si Philip na aking pinakamamahal.
----------
to be continued...