Kabanata 9 "Mommy, masakit." Reklamo ni Cronus sa nakakabit na dextrose sa kanyang kamay. Lumapit ako sa kanya at hinimas himas ang nakapalibot sa kanyang dextrose. Simula noong nagising siya dalawang araw na ang nakakaraan wala na siyang ibang sinabi kundi masakit ang kanyang ulo, kanyang likod, at ang dextrose sa kamay. Ako ang naawa sa kanya, kung hindi ako naging pabayang ina hindi niya ngayon mararanasan lahat ng ito. Kung pwede lang na ako nalang sa sitwasyon niya ay gagawin ko, sumasakit ang puso kapag may sinabi siyang masakit sa katawan niya. Simula ng magising siya ay hindi na ako umalis sa tabi niya. Kahit pag-uwi sa bahay hindi ko na nagawa dahil sa takot baka may mangyari na naman sa kanya habang wala ako. Wala sina Elion at Elliot dahil pinauwi ko muna, ayaw nga nilang umu