Kabanata 10 "Daddy!" Sigaw ni Elliot ng makita si Eros na pumasok sa loob. Kahit na ukot ukot ang kanyang damit, ang buhok ay magulo, at pawisan, still niyakap parin siya ni Elliot. Umupo siya sa sofa, he look so wasted. Humiga siya doon habang si Elliot naman ay sumakay sa kanyang tiyan. "Baba Elliot." Matigas kong sabi at nilakihan pa siya ng mata. Hindi ko siya pinababa dahil ayaw kong umupo siya doon dahil galit ako kay Eros. Pinababa ko siya dahil mukhang pagod na pagod si Eros. Sinunod naman ni Elliot ang sinabi ko at umupo nalang sa bahaging hindi hinihigaan ni Eros. Pinikit ni Eros ang kanyang mata at tuluyan ng natulog. I took my phone on the table and call Erwan na naka uwi na siguro. Iniwan ko sila doon at oras din ang inabot ni Eros bago bumalik dito sa silid. Hindi ko rin