Chapter 97

1153 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov The only attack that I am currently feeling outside the barrier is done by the Shiann vampire that has already lost their minds because of Greeny’s sudden appearance. Hindi ko na maramdaman ang presensya ng elite vampire na sumira kanina ng unang barrier ko at isa iyon sa naging kumpirmasyon na ginawa nila ang pagsugod na ito sa lugar na ito dahil alam nilang agad akong pupunta dito. At doon sila gagawa ng paraan kung paano papupuntahin si Greeny dito para naman makumpirma nila kung ano ang kahalagahan nito sa akin at kung magagamit ba nila ito laban sa akin. Habang ang pagsugod na ginawa nila sa lugar ni Uno ay dahil na sa ibang bagay. Mayroon silang ibang pakay sa lugar na iyon na tulad nga ng sinabi ni Uno kanina na nasa kanilang pangangalaga. Pero ayoko munang isipin iyon dahil hindi pa din maganda ang sitwasyon namin sa mga oras na ito. “I… I am sorry,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Greeny. “I shouldn’t have listened to what she said. I shouldn’t have gone here.” “Too late to blame yourself, Greeny,” walang gana kong sabi. “Just stay put there and don’t do anything stupid again. You might be the reincarnation of Tamara but don’t expect that I will save you again if you did stupid things that might danger the lives of everyone here.” I already accepted it. That she is really the reincarnation of my best friend. And I am actually happy about that because I managed to meet her again after all these years that passed. And I won’t deny that I will really save her even if it costs my life if ever she will be in danger. But if she will be the one who will be putting my people in danger, then, I will not think twice to choose my own people instead of her. Because I have a responsibility to protect every vampire around me. And whether we like it or not, she is still part of the Shiann clan. The people who murder the late emperor that do everything for this country. So, I can’t really stay by her side even if she is my friend’s reincarnation. And I think she will understand me. Well, iyon ay kung siya pa din ang Tamara na nakilala ko. Bumaling ako kay Xan. “Did you already regain your mana?” Pinakiramdaman niya muna ang kanyang sarili tsaka tumingin muli sa akin pagkuwa’y tumango. “Yeah. I can fight if I have to.” “I am not really sure if we really need to fight but we can’t let our guard down,” sabi ko. “Hindi man umaatake ang elite vampire na sumira ng unang barrier ko, ay hindi pa din siya nawawala sa paligid.” “Posible ba na naghihintay lang siya ng pagkakataon na masirang muli ang barrier natin?” tanong ni Wayne. “Kaya naghihintay siya sa paligid.” Nagkibit balikat ako. “Tulad nga ng sinabi ko kanina, posibleng ang pakay nila dito ay kumpirmahin ang gagawin ko kapag nasa panganib si Greeny. Pero isa din sa iniisip ko ay ako din ang pakay nila.” Kumunot ang noo nila. “Anong ibig mong sabihin?” “Uno said earlier,” sabi ko. “They have something inside their place that Ara wants. And that is a Sierra-Ehrenberg.” Nanlaki ang mga mata nila sa narinig. “Are you saying that you are not the only Sierra-Ehrenberg in this era?” tanong ni Xan. “Hindi ba’t kayo ang dapat na nakakaalam tungkol sa bagay na iyon dahil kayo ang nabubuhay sa buong panahong lumipas mula nang patulugin ako ni Graysean at Papa Kelliar.” “Sorry,” aniya. “Pero alam mo naman na wala akong nalalaman tungkol diyan. Ni wala nga din akong ideya na buhay pa pala si Wain Richelle.” Bumaling ako kay Zedd na agad umiling. “Matagal ko nang pinutol ang koneksyon ko sa labas ng village na ito kaya wala din akong nalalaman,” paliwanag niya. “Pero kung sakali man na mayroon pa ngang isang Sierra-Ehrenberg na pinangangalagaan ang mga Richelle, malaki ang posibilidad na tulad mo ay pinatulog din ito.” “Iyan din ang iniisip ko,” sabi ko. “Dahil hindi naman kakailanganin ng isang Sierra-Ehrenberg ng proteksyon ng kahit na sino kung gising ito.” Now, ang gusto kong malaman ay kung sino ang Sierra-Ehrenberg na pinangangalagaan ng mga Richelle. Lima lang naman kaming Sierra-Ehrenberg. At dahil patay na Hella, tatlo na lang ang maaari kong isipin. Sina Keya, Liya and Graysean. According to Xan, nawalan na lang sila ng contact sa mga ito. Walang nakakaalam kung saan sila nagpunta. Walang record na namatay sila. Bigla na lang silang nawala na parang bula. “Wait,” ani Wayne. “If I remember it correctly, minsan nang nabanggit ng mga magulang ko ang tungkol sa mga Richelle at sa half-blood na kanilang pinangangalagaan na tulad ni Heydrich ay nagdesisyon ding matulog ng mahabang panahon.” “What do you know?” Umiling siya. “Nothing much. But I am certain that the Sierra-Ehrenberg that Richelle is actually serving is Graysean Ehrenberg.” Nanlaki ang mga mata ko. “What?” “I don’t have any proof to confirm this,” sabi niya. “I am just telling you what I know because my father was keeping his eyes on the activities of the Richelle because we believe that they betrayed your family. So he probably got that information when he was scouting around them.” “Graysean.” Naikuyom ko ang aking mga kamao. Hindi imposible ang sinasabi ni Wayne. Maliban sa akin ay malapit din si Uno kay Graysean dahil nagkasama sila sa squad ko noong second general pa ako ni Kei. Magkasundo naman sila lalo na kapag ako ang topic at pareho silang handang gawin ang lahat para lang tulungan ako kaya hindi imposible na sa kanya nga piniling magsilbi ng mga Richelle dahil nasa panig ko na naman ang mga Andrades. Pero kung ganoon pala ay bakit hindi pa din siya gumigising? At bakit hindi man lang ako sinabihan ni Uno tungkol sa kapatid kong nasa pangangalaga pala nila noong una kaming nagkita? At isa din ba ito sa dahilan kung bakit pinili ni Mai na manatili sa lugar ng mga Richelle kahit na sa akin naman pala siya dapat sumama? Inis kong ginulo ang buhok ko tsaka huminga ng malalim. Tulad nga ng sinabi ko kanina, kailangan ko munang isantabi ang tungkol sa bagay na ito. Higit kong kailangan na mag-focus sa pagpapanatili ng barrier na nakabalot sa buong bahay ni Zedd hanggang sa tuluyang sumikat ang araw. May responsibilidad akong dapat kong unahin sa mga oras na ito. Sana lang ay magawang protektahan ni Uno ang sinasabi nilang Sierra-Ehrenberg na nasa kanilang pangangalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD