Chapter 46

1104 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Kakatapos ko lang uminom ng dugo ni Zeri at sa mga oras na ito ay nakahiga ako sa sofa at nakapikit ang aking mga mata habang pinakikiramdaman ang mga posibleng epekto nito sa akin.   Sa dalawang insidente kasi, ang dugo ni Zeri ay higit na nagpapasa sa akin ng kapangyarihang iniwan ni Kei. Habang ang dugo naman ni Wayne ay ang siyang nagpapasa sa akin ng iniwan nitong alaala.   Though, that was only part of my theory. Wala pang kasiguraduhan iyon dahil ito palang ang ikalawang pagkakataon na ininom ko ang dugo ni Zeri. Kaya nga gusto kong malaman ngayon kung tama ba ang iniisip ko.   Ngunit ilang minuto na yata ang lumipas nang mahiga ako sa sofa’ng ito ngunit hanggang ngayon ay wala pa akong nararamdaman na kakaiba.   Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at sandali pa akong tumitig sa kisame ng silid na ito pagkuwa’y bumuntong hininga.   “Did something happen?” tanong sa akin ni Zeri.   Bumangon ako at umiling. “Well, first things first. Walang kahit na anong alaala ni Kei ang pumasok sa utak ko. So, there is a possibility that your brother’s blood is the only one who holds those memories. Second, I actually can’t feel anything new in my body.”   “Alam mo ba kung ano ang mga kapangyarihang mayroon ang Sierra?”   Akma akong magsasalita ngunit mabilis din akong natigilan dahil doon ko na-realize na wala nga pala akong kaalam-alam tungkol sa kapangyarihang pinanghahawakan ng mga Sierra.   Ang tanging alam ko lamang ay ang kanilang kakayahan na gisingin ang vampire blood ng isang half-blood na nanggaling sa angkan ko.   Their venom is also much stronger than any other member of the monarch vampire.   Ang kasunod noon ay ang kanilang proteksyon na natatanggap mula sa lahat ng nilalang na naninirahan sa bansang ito bilang kasiguraduhan na hindi sila basta masasaktan ng ibang lahi. Proteksyon na naging dahilan kung bakit sa tagal ng panahon ay napanatili nila ang kanilang pamumuno sa buong Valier.   Napatayo ako. “Right,”   “Huh?” Kumunot ang noo ni Zeri. “Anong sinasabi mo?”   “How did Hei manage to kill Kei when Sierra received a powerful blessing that protects everyone of them in any kind of harm?”   “What do you mean?”   Bumaling ako sa kanya. “Every emperor of this country receives blessings from all the types of creatures that have been living in this place once they succeed to the throne.”   “Blessing? Like a protection?”   Tumango ako. “With that blessing, no one can hurt them. Ni hindi nga din siya tinatablan ng kahit na anong spells. Iilan lang ang nakakaalam ng bagay na iyon. And now that I remember that details, I wonder how Hei manage to kill Kei.”   And how did someone manage to kill the rest of the Sierra Clan? And even my clan? What the hell really happened back then?   At paano nagawang makaupo ng mga Shiann sa trono ng palasyo gayong sigurado ako na hindi sila bibigyan ng basbas ng iba pang nilalang na naninirahan sa bansang ito?   Inis kong ginulo ang buhok ko.   “Hey.” Agad akong nilapitan ni Zeri ay inayos ang buhok ko. “Please calm down, okay?” Inalalayan pa niya akong maupong muli sa sofa at naupo siya sa tabi ko. “You can ask Hei about that thing, right?”   “I am not even sure if she knows about that.” Limitado lang naman ang alaalang sinilip ko mula kay Hei nang tikman ko ang dugo niya.   Hindi ko naman kasi gustong i-invade ang privacy niya kaya tanging mga mahahalagang pangyayari lang sa buhay niya na may kinalaman sa mga gulong nangyari noon ang sinilip ko.   “Like what I said, iilan lang ang nakakaalam ng tungkol sa bagay na iyon kaya malaki ang posibilidad na hindi din alam ni Hei iyon,” sabi ko tsaka bumuntong hininga. “And I think, there is only one thing that I can do to learn everything that has happened before.”   “And what is that?”   “I need to find some seirei,” sambit ko. “Sila lang ang makakapagsabi sa akin ng lahat ng nangyari sa nakaraan. Maging ang mga bagay na hindi alam nila Xan at Hei ay masasabi nila sa akin.”   “At saan ka naman makakakita ng mga ganoong nilalang?” tanong niya sa akin. “Ipapaalala ko lang sa iyo na ayon sa mga librong iniwan ng angkan mo sa mansyon, matagal nang nagtatago ang ibang nilalang na naninirahan sa bansang ito dahil sa takot na sila naman ang isunod ng mga Shiann.”   Napabagsak ako ng balikat.   Right! Sa pagkaubos ng mga bampira, hindi imposible na sila naman ang pagdiskitahan ng mga Shiann dahil hindi nila ibinibigay ang kanilang basbas upang maging tunay na silang pinuno ng bansang ito.   O maaari ding pinagtataguan nila ang anak ni Kei na siyang pinakadahilan ng pagkaubos ng lahi ng mga bampira nang sa gayon ay hindi na sila matulad pa sa sinapit ng lahi namin.   Lalo na ang mga seirei na higit na mas malakas sa mga bampira na maaaring maging threat sa mga kasalukuyang namumuno sa bansang ito.   Kaya kung susubukan ko man silang hanapin ay nakasisiguro kong hindi iyon magiging madali.   Kakailanganin kong halughugin ang buong Valier para lang magkaroon ng lead sa kung saan sila naglalagi sa panahong ito.   “Why don’t we just wait for Xan,” sabi ni Zeri. “Malay mo ay may kilala siyang seirei na naninirahan lang sa malapit dito.”   Bumuntong hininga ako. “Ano pa nga ba ang magagawa ko?”   Kahit naman gustuhin kong pabalikin agad si Xan ay hindi maaari dahil higit na mahalaga ang ipinapagawa ko sa kanya.   Mas kakayanin ko pang maghintay na malaman kung may alam siyang tinitirhan ng mga seirei kaysa hindi malaman ang resulta ng mga ipinapagawa ko sa kanya ngayon.   “Mas mabuti pa, maglilibot muna ako sa labas para mahimasmasan naman ako,” sabi ko. “At ikaw, tapusin mo na ang mga dapat mong tapusin para makauwi na tayo, okay?”   “Okay,” sagot niya. “Pero huwag ka nang masyadong lumayo, huh? Kaunti na lang naman ang gagawin ko.”   Tumango ako at tumayo na. “Babalik ako after one hour.” Ginulo ko nalang ang buhok niya pagkuwa’y lumabas na ng office at tinahak ang daan palabas ng school.   Makakagulo lang naman ako sa pagtatrabaho niya kaya mas mabuting lumabas at nang makasagap ng hangin. Baka sakaling kahit paano ay maikalma ko ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD