Chapter 95

1157 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nag-aalalang mata ni Wayne. Ngunit agad din siyang nakahinga ng maluwag nang makita akong dumilat kaya napahinga siya ng malalim. “Thanks god,” aniya. “Maayos naman ang pakiramdam mo, hindi ba?” Pinakiramdaman ko ang sarili ko at tumango. “Yes.” Agad na akong tumayo at nang wala na akong naramdaman na kirot sa likod ko ay agad akong nag-inat. “Mamaya nyo na sabihin sa akin kung ano ang nangyari ng mawalan ako ng malay. Kailangan ko nang puntahan si Xan.” Tumango siya. “Take care of that brat.” Itinuro ko si Greeny na nasa gilid pa din pero mukhang kalmado na siya ngayon. At nang muli siyang tumango ay agad na akong tumakbo palabas ng bahay ni Zedd tsaka nagtungo sa gitna ng village kung nasaan si Xan. Habang tinatahak ko daan papunta sa plaza ay nakikita ko ang bawat barrier na nasa paligid ng village na ngayon ay paulit-ulit na binabalya ng mga Shiann vampires. Masyado silang marami at hindi nila tinitigilan ang barrier kaya mayroon na itong mga c***k. Bahagya na din itong numinipis kaya mayroon na lamang itong ilang minuto bago tuluyang masira at makapasok ang mga uhaw na bampirang iyon. Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko hanggang sa tuluyan ko nang narating ang plaza. Nakita kong nakaluhod na si Xan at nahihirapan na din siyang huminga kaya tingin ko ay malapit nang maubos ang kanyang mana. Kaya agad ko na siyang nilapitan at kinuha ang glowing paper na hawak niya tsaka sinimulan ang muling pagsu-supply ng sarili kong mana dito. “H-Heyd,” nanghihina niyang sabi. “You can rest now, Xan,” sabi ko. Iginala ko ang tingin sa paligid at unti-unti nang nawawala ang mga c***k sa barrier ko at kumakapal na din ito. “I will take care of the rest.” “O-okay,” aniya at tuluyang napahiga sa lupa tsaka nawalan ng malay. Napabuntong hininga nalang ako at napailing. Hindi ko naman sinabi sa kanya na matulog siya sa sahig pero siguro ay talagang nasagad na ang mana niya kaya hindi na niya nagawa pang makatayo at makapunta sa bahay ni Zedd. Kaya naman binuhat ko na siya at ipinasan sa likuran ko. Sa ngayon kasi ay wala na akong poproblemahin sa depensa ng village. Kakayanin nitong pigilan ang mga Shiann vampire na iyon kahit gaano pa sila katagal magwala sa labas nito. Kung tama kasi ang nararamdaman ko sa kanila, mga common at rogue vampire blood lang ang ginamit para gawin silang bampira. Kaya magkakaproblema lang ako kapag mayroong dumating na isang Shiann vampire na mayroong dugo ng isang elite vampire. Kinuha ko ang cellphone ni Xan at agad na tinawagan si Uno na mabilis namang sumagot. “What is your situation there, Xan?” bungad ni Uno. “This is Heydrich,” sambit ko. “At maayos naman ang sitwasyon namin dito. Though, we had a little problem earlier.” “Because of Greeny Shian?” tanong niya. “Yeah,” sagot ko. “Nasugatan ako nang iniligtas ko siya pero naka-recover na naman ako kaya hindi niyo na kailangan pang mag-alala.” “Then? Why did you call?” “To check your situation there,” sabi ko. “Nasabi na ba ni Zedd ang lahat ng kailangan nyong malaman tungkol sa mga Shiann vampires?” “Yeah, we already got everything we needed,” aniya. “But right now we don’t want to engage in a fight.” “Great move,” sambit ko. “Titigilan nila ang pag-atake sa inyo bago pa sumikat ang araw. But in my situation, I don’t think that will be the case.” “Why?” “Well, most of the Shiann vampires here have already lost their minds so I am not really sure if they will remember that they are not allowed to stay outside once the sun rises,” paliwanag ko. “Though, I am not really confident if things will stay as it is right now.” “You have something in mind?” “As of now, I only sense Shiann vampire with rouge and common vampires.” Inilapag ko si Xan sa sofa nang tuluyan kong marating ang bahay ni Zedd. “But I do have a little bit of information about Ara and I am sure that this is not a simple plan as we all think.” “What do you mean?” “She will attack soon.” Muli akong lumabas ng bahay ni Zedd at diretsong tumingin sa barrier. At mula sa kinatatayuan ko ay agad kong nakita ang isang nilalang na siyang kanina ko pa binabantayan. “She will be using a normal elite vampire that is serving her to destroy the barrier.” “Oh s**t!” Nakarinig ako ng isang pagkabasag mula sa kabilang linya at malaki ang posibilidad na ang barrier na nakapalibot sa kanilang lugar ang nabasag dahil dinig ko na din ang pagkakagulo nila maging ang sunod-sunod na utos ni Uno para sa kanilang depensa. “Uno!” sigaw ko upang agawin ang kanyang atensyon. “Nabasag na ang barrier namin,” aniya. “Narinig ko nga,” sabi ko. “And to be honest, malapit na ding mabasag ang sa amin.” “What?” “Siniguro ni Ara na sabay niyang susugurin ang dalawang lugar nang sa gayon ay maipit ako sa gitna at magdesisyong tumulong lang sa isa,” paliwanag ko. “But I don’t really understand why she had to attack you? Hindi ba’t mas madami pa ding mortal sa lugar mo kaysa sa mga bampira?” “Tingin ko ay hindi ang mga bampira dito ang pakay nila,” sambit niya. “May isang bagay siyang gustong makuha na nasa pangangalaga ko.” Kumunot ang noo ko. “What is it?” Saglit siyang natahimik at ramdam ko ang pagdadalawang-isip niya na sabihin sa akin kung ano ang pakay ni Ara sa lugar niya. “Wain?” Nadinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. “Pakay niya ang Sierra-Ehrenberg vampire na nasa pangangalaga ko.” Nanlaki ang mga mata ko. “W-what?” Sierra-Ehrenberg vampire? “I will explain everything to you after all of this,” sabi niya. “For now, let’s both focus on depending on our people.” “O-okay.” Wala na akong nagawa nang putulin niya ang tawag namin at kung hindi pa tuluyang nawasak ang maliit na bahagi ng barrier na siyang kanina pa pinatatamaan ng elite vampire na kalaban namin ay hindi ako matatauhan. “Heydrich!” tawag sa akin ni Zedd. “Nabasag na ang barrier.” Huminga muna ako ng malalim at panandaliang inalis sa aking isipan ang mga sinabi ni Uno kanina tsaka bumaling sa kanya. “Gather everyone inside your house, Zedd. We have to move faster.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD