Chapter 89

1142 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Hindi na namin natapos ni Greeny ang kinakain namin. Sinenyasan ko nalang si Ninth at agad ko na siyang hinila palabas ng shop na iyon dahil ang tungkol sa bagay na ito ay hindi namin maaaring pag-usapan sa isang pampublikong lugar tulad ng shop na iyon. Kaya naisipan ko nalang siyang dalhin sa Ehrenberg Mountain. We don’t really need to go to the mansion. Just in the main entrance because no one really dares to go near the mountain. At sa buong byahe namin pabalik ng bundok ay tahimik lang siya. Tingin ko ay pina-process din niya ang sinabi ko dahil bakas ang confusion sa kanyang mga mata. At nang tuluyan kaming makarating sa bundok ay agad niya akong hinarap. “Tell me everything you know.” “I don’t really know anything,” sambit ko. “I just have this feeling that everytime I look at you, I suddenly remember her.” “And why? I mean, who is she in your life?” Hindi ako sumagot ngunit agad nanlaki ang kanyang mga mata nang ma-realize ang sagot sa tanong niyang iyon. “Y-you are the half-blood.” Bahagya siyang napaatras palayo sa akin. “You are Hope Ehrenberg.” “Just to clarify that one, I am Hope. Heydrich Oxen Pria Ehrenberg,” sambit ko. “Hope is just what I want people to call me before to make my name short. And also because my real name sounds like a man. But I didn’t expect that they would use it to write everything about me in the history books,” sabi ko. “Anyway, like what I said earlier, I am remembering Tamara whenever I see you and that is the reason why I like you. But–” Agad ko na siyang pinutol bago pa siya makapagsalita. “The two of you are not actually the same.” Kumunot ang noo niya. “What do you mean?” “Well, first of all, Tamara will not let anyone bully her,” sabi ko. “She is not a weak woman and she definitely is not the type of woman who will let other people hurt her just because of some petty reason.” “I can’t–” “Hep!” Iniharap ko sa mukha niya ang palad ko para pigilan siya sa pagsasalita. “Your reason doesn’t really matter, okay? What I am trying to say is that, even though I am remembering Tamara whenever I see you, I can certainly tell that you are both different people.” “But you said that I just confirm to you that I am her reincarnation,” Tumango ako. “Sinabi ko nga iyan,” sambit ko. “Kasi iyan lang ang nakikita kong paliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa iyo. Maliban pa doon, alam mo ang pangakong binitawan niya kina Gray at Gracie noon bago ito mamatay so I really have some reason to believe that you are her reincarnation.” “Wait,” aniya. “Ito din ba ang dahilan kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko para sayo? I mean, the urge that I have in my heart to be close to you. To be your friend.” Nagkibit balikat ako. “To be honest, I don’t really know. All the things that I am saying right now still do not make sense to me and I don’t have any spell to support all of these claims.” At sa totoo lang, gusto ko na lang din paniwalaan na siya nga ang reincarnation ni Tamara. Nang sa gayon ay matigil na din ako sa pag-iisip kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Nang sa gayon ay hindi na ako mag-isip kung bakit may parang nagtutulak sa akin na mapalapit sa kanya kahit pa alam ko sa sarili ko na isa siyang Shiann. Mas madali kasi iyon. Mas madaling tanggapin ang dahilan na iyon kasya sa kung ano pa mang kalokohang pinaplano ng tadhana sa akin. “If you are feeling that way, bakit pilit mo pa din akong iniiwasan?” tanong niya. “Hindi ba dapat ay masaya ka dahil muli mong makakasama ang kaibigan mo? Hindi ba dapat ay ikaw pa mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit tayo? Pero kabaliktaran noon ang nangyayari.” Bumuntong hininga ako. “Look, this is not about me and Tamara.” Kumunot ang noo niya. “What do you mean?” “You are clearly aware of what I might do once I come back, right?” sabi ko na mas lalong nagpakunot sa kanyang noo. “The prophecy or something that you have about the half-blood vampire that will take back the throne from your clan.” Nanlaki ang mga mata niya. “Right.” Napailing ako sa naging reaksyon niya. “Hindi mo ba naisip na maaari kang maapektuhan kapag sinimulan ko nang bawiin sa angkan mo ang pamumuno sa bansang ito?” “I…” Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin kaya napabuntong hininga na lamang siya at nag-iwas ng tingin. “Ako ang kinatatakutang half-blood vampire ng angkan mo,” sabi ko. “Na siyang sisira sa lahat ng pinaplano nila para sa bansang ito. Kaya kahit na gusto kitang maging kaibigan, pinipigilan ko pa din ang sarili ko kasi alam kong malalagay lang tayo sa mahirap na sitwasyon.” At ayoko sa sitwasyong iyon. Kung saan maaari akong papiliin ng pagkakataon sa pagitan ng responsibilidad ko at ng kaibigan ko. Hindi na nga naging maganda ang kinahantungan ng pagkakaibigan namin ni Tamara dahil maaga siyang kinuha sa akin, mauulit na naman sa ikalawang pagkakataon dahil ipinanganak siyang muli bilang kabilang ng angkan na siyang kalaban ko sa panahong ito. Hindi ko na kakayanin ang mapunta muli sa ganoong klaseng sitwasyon. Kaya ngayon pa lang ay pipigilan ko na ang sarili ko na mapalapit sa kanya gayong alam ko naman kung ano ang dapat kong gawin para sa responsibilidad ko sa bansang ito. “Kaya pakiusap lang, okay?” sabi ko. “Tigilan mo na ang kakalapit sa akin. That will save the both of us from the conflict that we might face in the future because even though you are really the reincarnation of Tamara, I will not spare you and your whole clan if they keep doing things against me.” Kahit ba parang kahapon lang ang lahat ng nangyari sa buhay ko noon, malaki na ang pagbabago na nangyari sa akin pagkatapos ng mga nalaman ko sa mga nangyari noon. Hindi na ako ang Heydrich noon na mas uunahin ang kapakanan ng dalawang lahi para sa ikabubuti ng bansang ito. Dahil sa pagkakataong ito, mas pipiliin kong isalba ang lahi ng mga bampira na siyang tunay na nagpapahalaga sa bansang ito at sa mga naninirahan dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD