Naninibago tuloy ang binata dahil sa katahimikan ng my loves niya. Hindi man niya ito kilala ng lubusan pero iyon ang next step niya, ang kilalanin ito upang maligawan ito. "My loves ko, Miss beautiful, may problema ka ba? Napakatahimik mo naman yata ngayon." Baling niya rito. "Wala naman, may iniisip lang ako, Smith," tipid na tugon ng dalaga pero ang isip at puso ay nagtatalo. Sa ikalawang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kakaiba sa opposite s*x pero mukhang malabo na naman. Dahil nagsisismula pa lang silang magkakilanlan ay lalayo na ang binata. Pero ano ang magagawa niya eh hindi naman niya ito nobyo. "I know, there's something wrong, my loves. Are you thinking about the call?" muli ay tanong ng binata dahil napalalim na naman ang pag-iisip nito. "Call of duties naman iyon 'diba,