"Saan n'yo nakuha ang mga iyan?" tanong ng boss na babae sa pagkaing dala-dala ng mga tauhan. "Sa sasakyan nang napagkamalan naming ang crush mo, Ma'am. Pero iba naman kasi Jameston Clarke Smith ang pangalan nito samantalang Daylan Jefferson Smith ang pangalan ng may buntot na iyon," tugon ng lider. "Ang sabihin ninyo ay umariba na naman ang makakati ninyong mga kamay. Aba'h ang dukutin si Daylan ang bilin ko hindi ang magnakaw!" singhal pa ulit ng babae. "Nakakatakam kasi, Ma'am. Puno ng pagkain ang back sit ng sasakyan niya lalo iyang suman na punong-puno ng gata bilang toppings, Ma'am. At iyang cascaron ( minatamis sa probinsiya ) ang sarap iyan, Ma'am, tikman mo," sagot ng isa. "Sa inyo ng lahat iyan pero akin iyang nilagang mani at mais. Pero next time siguraduhin n'yong makukuha