Chapter 8: Delubyo

1138 Words
"Tama na 'yan Myrns. Tama na 'yan. We're one team here. Wag kayong mag- away." Tinanggal ni Prances ang pagkakahigit ni Myrna sa kwelyo ni Red. "Please tama na." "Heto kasing pulang 'to eh! Ilan na ang napatay hindi pa man tayo nakakapasok ng Wuhan! Alam kong head ka ng security team namin pero sana namin maging logical ka sa pinaggagawa mong hakbang. Paano tayo makakahanap ng sagot sa mga tanong natin sa virus na ito kung lahat ng makikita mong buhay at pinagsususpetsahan ay papatayin mo!" Reklamo niya. Uminit talaga ang ulo niya rito. "Alam mo kung hindi lang kayo ang pinaka pinagkakatiwalaang researchers at scientist ng Techno kanina ko pa rin pinasabog ang bungo mo!" Hindi naman nagpatalo si Red sa kanya. Nagsabay na ang init ng kanilang mga ulo. "Eh bakit hindi mo gawin huh? Gawin mo! Pumunta kang mag- isa sa Wuhan! Good luck naman sayo!" Saka siya nag- dirty finger dito. "f**k you ka rin!" Tugon nito. "Ano ba?! I said stop!" At saka tuluyang pumagitna sa kanila si Prances. "Pwede bang pag- usapa natin 'to ng maayos? Pwede ba huh?" "'Yan kasi eh kala mo..." hindi siya pinatapos ng kaibigan. "Tama na muna Myrna Birog. Okay?" Saka nito ginulo ang buhok. Alam niyang inis na talaga si Prances kapag ginulo na nito ang buhok. Kaya ayun nanahimik na muna siya. Hinarap nito si Red. "Naiintindihan kita Red sa mga ginawa mo. Naniniguro ka lang. Wala tayong ibang mapagkakatiwalaan dito kundi ang isa't- isa. Lahat ng mga taong nandito na ay maaaring infected na. Tama ka nasa laboratory ang sagot. Pero maaring wala rin doon. We might get specimens and documents pero darating ang point na kakailanganin natin. Namin ni Myrna ang isang taong infected para mapag- aralan ang virus. That's part of studying a virus. Kaya please naman bago kayo magbabaril dyan pag- usapan muna natin. Pwede po ba 'yun?" Hindi kaagad umimik si Red. "O- okay. Mabuti ka pa maayos kausap at magpaliwanag." Saka ito sumakay ng van. Sumunod na rin ang natirang tauhan nito. "Tara na mga ma'am. Grabe iba ang badass woman niyo. Mga lodi ko kayo." Anyaya ni Caloy. Sasakay na rin sana siya ng sasakyan nang higitin siya palayo sa bandang likod ng van ni Prances. Niyakap siya nito ng mahigpit. "Alam kong ayaw mo ang mga nangyari. Para sayo lahat may solusyon. After all we're working with science. Pero kailangan mo ring kumalma Myrns. Nasa isa na naman tayong possible pandemic. Mukhang kakaiba rin ito. We need to cooperate to them to solve this. We need to do everything to save our families and friends in the Philippines at ang buong mundo. We're partners here. Ayokong kapag nainis yung bwisit na lalaking 'yun ay ikaw na ang barilin niya. Hindi ko makakaya Myrns." Kung siya ay masyadong outspoken sa lahat ng bagay. Parang hindi seryoso dahil palabiro at maingay. Si Prances naman ang silent killer ng Techno Bio Lab. Kalmado. Tahimik. Pero pareho silang may puso, decicated sa kanilang mga ginagawa at matalinong mga babae. Ang tanging kahinaan ni Prances ay hindi marunong ng ng self- defense. Mahina ang katawan nito. Gumanti siya sa pagkakayakap dito. May kakaiba na naman siyang naramdaman sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag. She thought she was just touched by the concern of her best friend. "Magtitimpi ako. Wag kang mag- alala Ces. We will finish this mission together." Tugon niya rito. Saka sila nanatili sa pagkakayakap dito. "Mga ma'am tara G na!" Muling pag- anyaya ni Caloy na nakapwesto na sa driver's seat. Dumungaw lang ito sa bintana. Sumakay na sila ng van. Tahimik na nakamasid si Prances nang makapasok sila sa syudad ng Wuhan. Walang katao- tao sa daan. Walang mga sasakyan. Hinawakan niya ang kamay nito. Tinitigan siya nito saka binigyan ng pilit na ngiti. "Mukhang umalis na nga ang mga tao sa Wuhan." Saad ni Caloy habang marahang nagmamaneho. "Wala pang isang araw magmula noong pumutok ang balita sa virus. Ganoon sila kabilis nakaalis? Wala naman tayong nakasalubong traffic hindi ba?" Tugon ni Red. Hindi na sana niya ito sasagutin pero para informed ito at dahil hindi niya rin naman mapigilan ang kanyang bibig ay sinagot na rin niya ito. "Dalawang bagay lang. Una 'yung nasabi na namin kanina. Baka alam na nila ang tungkol sa virus pero tinatago lang ng lab at ng gobyerno ang balita kaya matagal nang umalis ang mga tao. Pangalawa." She sighed. "Pero nabubuhay na tayo sa social media world. Imposibleng walang balitang kakalat mula sa mga taong lumikas. Ano ang pangalawa?" - Red. "Ang pangalawa. Baka infected na ang buong syudad. Baka marami na ang nawala sa kanila. Baka ang nilabas sa balita ay luma na. Hindi nalang ang lugar na 'yun ang infected. Matagal na itong kumalat." Dugtong niya. Nang mas lumayo na sila sa bukana ng Wuhan ay saka nila napansin na may mga tao pa sa lugar. "Ayun may mga tao pa! Akala ko ghost town na talaga eh." Saad ni Caloy na unang nakapansin sa mga tao. May isang sobrang bilis na sasakyan ang tumakbo sa kabilang lane. Saka bumangga ang sasakyan sa isa sa mga gusali. "Putang ina!" - Caloy. "Oh my God! Ano 'yun?" Reaksyon niya. Saka nagkasa ng baril si Red. "Tingnan niyo ang mga tao. Nababaliw na sila." Saka nila mas pinagmasdan ang mga taong kanilang nadaanan. May nakikipagtalik sa kalye. May nagsasarili sa daan. May naglalakad ng hubo't hubad. May tumatalon sa building. Umaakyat sa poste ng kuryente saka kinakain ang wire. May kumakain ng bato, libro, tao at kung anu- ano pa. Kinuhanan niya ng video sa kanyang phone ang lahat ng kanilang nadaanan. "Diyos ko po. Anong klaseng lugar 'to? Bakit nila ginagawa ang mga bagay na 'yan?" Tanong ni Prances saka napa- sign of the cross. "Mga ma'am mukhang mas malala pa 'to sa zombie virus. Labu- labo na ang ginagawa ng mga tao. Naguguluhan na ako." Komento ni Caloy. "Caloy! Bilisan mo na ang pagpapatakbo! May mga nagbabarilan sa bandang 'yon!" Saka niya tinuro ang mga taong nagtatakbuhan sa hindi kalayuan. Papunta ang mga ito sa kanilang direksyon. Dinig ang putok ng baril sa mga ito. "Tang na! Oo ma'am! Palapit na sila!" Saka nito tinapakan ang gas ng van. Muntik na silang maabutan ng mga taong nagbabarilan. "Dumiretso na tayo sa lab. Wala na tayong mapapala sa mga tao rito. Infected na silang lahat." Tumango siya sa suggestion ni Red. Sa kauna- unahang pagkakataon ay sumang- ayon siya rito. "Caloy narinig mo si Red. Sa lab na tayo dumiretso. Ipapadala ko sa Techno kila Boss X ang nakuha kong video. They need to know na infected na ang malaking bahagi ng Wuhan or worst ang buong Wuhan at ang mga kalapit na lugar. Baka nga ang buong China eh. Hindi lang ito pandemya. Isa itong delubyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD