Chapter 14: Case Study

1047 Words
"Infected ako mga ma'am. Twenty five days na ang nakakaraan mula nang mangyari 'yun. Malapit ko nang marating ang huling bahagi ng virus na ito ng Desire-V. Kitang- kita ko ang mga pagbabago sa sarili ko sa mga nagdaang araw at linggo. Kahit wag niyo na akong kunin. Iligtas niyo lang ang anak ko. Parang awa niyo na." Nagkatinginan sina Myrna at Prances. "We actually needs you Marilyn. Kailangan namin ng tulong mo." Tugon ni Myrna sa kanilang kabayan. "A -ano pong tulong?" Tanong naman nito. "Magiging case study ka namin." Si Prances ang tumugon. "Ano pong ibig sabihin ng case study mga ma'am?" Muling tanong nito. "Ang alam ko sa case study ay 'yung subject na pinag- aaralan sa mga laboratoryo. Ganon ang nangyari kay Lumen doon sa lab." "Tama ka." Si Myrna na ang sumagot at kumumpirma sa sinabi nito. "Sa pagkakataong ito ay wala naman na kaming gagawin sayo. Sa kasamaang palad ay infected ka na. Gusto lang sana naming malaman kung paano ang evolution ng virus sa katawan ng infected na tao. Ano nga ba ang nangyayari sa bawat araw? Ano ang mga nagiging pagbabago hanggang sa dumating ang thirtieth day? Kailangan naming malaman ang lahat ng iyon para mas mapag- aralan ang Desire- V. Kung magiging mahigpit sa datos ang lab pagpunta namin doon at kung hindi nila ibigay sa amin o hindi namin makuha sa kanila ang sinasabi mong available vaccine ay malaking tulong ang gagawin naming pag- aaral sayo." "Nasa dulong bahagi ng Wuhan ang lab. Grabe ka nga eh nagawa mong lakarin 'yun for more than a month para lang maligtas ang anak mo. Aabutin pa tayo ng seven days bago makarating doon. Bukas ay twenty sixth day na ng virus sayo. Sapat na ang limang araw para maging case study ka. 'Yung past twenty five days ay pwede mo nalang ikwento sa amin ang mga nangyari sa katawan mo for our documentation." Dugtong ni Prances. "Ang tanong ay payag ka ba?" Pagkuha niya sa approval nito. Bumuntong- hininga ito saka tumango. "Kung makakatulong ito para pagdating ng panahon ay matigil ang virus na ito ay payag ako. Sa isang kondisyon." Sabay- sabay silang napatingin kay Maliah, sa bata na nakaupo na at nakatulog na pala sa gilid ng kalsada. "Wag niyo pong pabayaan ang anak ko. Ma'am Myrna at Ma'am Prances. Ituring niyo po siyang sa inyo. Sana'y maging bagong pamilya at magulang niya kayo. Dalhin niyo po siya sa isang bagong kinabukasan na wala nang pandemya. Walang virus. 'Yung makakapaglaro siyang muli at matutupad ang kanyang mga pangarap. Parang awa niyo na po." "Hindi mo kailangang magmakaawa." Saad ni Prances saka tinanganan ang kanyang kaliwang kamay. Bumilis na naman ang t***k ng kanyang puso. May kuryenteng dumaloy mula sa kamay nito papunta sa kanya. Hindi na talaga niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. "Aalagaan namin ang bata. Aalagaan namin at palalakihin ang anak mo. Kami ay magiging bago niyang magulang at magiging isang pamilya kami. Ipinapangako po namin 'yan. Tama Myrns?" Tumingin at nakipagtitigan pa sa kanya si Prances. Para tuloy siyang nag- daydream na magkasama na sila sa isang bahay. Isang buong pamilya talaga. It was so good. Hindi man lang siya nakaramdam ng pandidiri o ka- wirduhan sa mga naisip niya. Napangiti pa nga siya eh. Nakaramdam siya ng saya. "Myrns? Myrns? Hindi ba ipinapangako natin?" Pag- uulit ni Prances. Saka lang siya nahimasmasan at nagising mula sa kanyang imahinasyon. "Ah oo Ces." Tumango siya saka ibinaling ang atensyon kay Marilyn para hindi niya mawala sa konsentrasyon. "Ipinapangako namin Marilyn na aalagaan namin si Maliah. Mamahalin namin siya na parang sa amin at isang pamilya." "Ang sweet naman ninyo. Sana ay magtagal pa kayo." Nakangiting saad nito. Nagkatinginan sila. Saka lang nakaramdam ng awkwardness si Prances at nauna itong bumitaw sa kanyang palad. Halos maubo naman siya habang nakatingin sa madilim na kawalan. "Gusto niyo na bang i- kwento ko ang day 1 to 25 ko?" Tanong nito. "Naku wag na muna. Magpahinga na muna tayo. Ihahanda lang namin ni Ces ang likod ng van para maayos ka naming ma- isolate. Tapos matulog at magpahinga na muna tayo." Nagsimula na nga nilang ayusing magkaibigan ang likod ng van. Naglagay sila sa pagitan ng makapal na plastic. Siniguro nilang selyadong mabuti iyon at walang hangin na sisingaw papunta sa kanila upang hindi sila mahawa. Walang umiimik sa kanila habang ginagawa iyon. Hindi niya alam ang iniisip ni Prances pero ang sa kanya ay ang panunukso sa kanila ni Marilyn at ang daydream niya kanina na mayroon silang pamilya at mag- asawa sila ng matalik na kaibigan. "Tawagin na natin sila?" Tanong nito matapos silang mag- ayos. "Baka lamukin ang mag- ina roon." "Tara." Tugon niya. Halos madurog ang kanilang puso sa nakita. Nakaupong natutulog ang mag- ina sa gilid ng kalsada. Naka- social distancing ang mga ito. Halatang gustong alagaan ni Marilyn ang anak ngunit nagsisimula na itong umiwas sa bata upang hindi mahawa. Naka- PPE suits pa ang babae. May hawak na alcohol. Ayaw talaga nitong mahawa ang bata. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kaibigan. Umiiyak na ito. "Tahan na." Inakbayan niya ito. Unti- unting naging iba ang kahulugan ng pag- akbay niya rito. Nalilito na talaga si Myrna, sa totoo lang. "Tahan na Ces. She did everything to save her child. Grabe 'yung nilakad niya para makahanap ng tulong sa bata. We will not waste her efforts. Tutuparin natin 'yung pangako natin sa kanya. Aalagaan natin ang bata." "Oo Myrns. Oo. Napakasakit lang na makita ang ganitong tagpo after eleven years. May mga mahal sa buhay na namang nagpapaalam at nagsasakripisyo dahil sa isang bagong pandemya." Lalo pa itong naluha. "Let's have that child Myrns. Let's have her. Hindi na niya dapat maranasan pa ang pagkawala ng isang magulang. Huli na ang magaganap sa loob ng limang araw." Saka sila tuluyang nagyakap na magkaibigan. Pinakalma na muna niya si Prances. Gayunpaman ang puso niya ang hindi makalma. Naaawa siya sa patutunguhan ng mag- inang Marilyn at Maliah ngunit nae- excite din siyang alagaan ang bata. Ang maging magulang sila at maging isang pamilya. Ano ba 'to? Ngayon pa ba ako lalandi sa gitna ng mas matinding pandemya? At sa kapwa ko pa babae at bestfriend ko pa? Infected na yata ako ng virus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD