Chapter 13: Pagtakas

1403 Words
Habang pinapakinggan ni Myrna ang kwento ni Marilyn ay nadurog ang kanyang puso. Si Prances nga ay naiyak na at napayakap sa kanya. Gusto nilang yakapin din ang kanilang kabayan ngunit hindi nila magawa dahil baka infected na ito. "Grabe naman ang pinagdaanan ninyong mag- ina. Bayani ang iyong asawa." Humahagulgol na saad ni Prances. "Ano na?!" Sigaw ni Red sa kanila. "Matagal pa ba 'yan? Lumalalim na ang gabi oh." "Sandali lang huh?" Paalam niya sa mga ito saka lumapit kina Red. "Matulog na kayo. Kami na ang bahala ni Prances na ihanda ang van para ma- isolate sila. Kailangan niyong magpahinga. Ikaw Caloy para may energy kayo sa pagda- drive bukas. Kayo naman Red dahil kayo ang pisikal na lakas namin sa misyon na ito. Kailangan niyong makaipon ng lakas." "Siguraduhin mo lang 'yan ah. Matutulog na kami. Ipanalangin niyo nalang din na hindi tayo sigurin dito ng mga infected na nababaliw sa gabi. Tara na nga." Tumango siya at saka binalikan sina Prances, Marilyn at anak nito. "Aayusin lang namin ni Prances ang likod ng van." Pagkausap niya sa babae. "Doon ka namin ipupwesto sa likod huh? Maglalagay kami ng plastic na pagitan mula roon sa pwesto papunta sa amin. Kailangan naming masiguradong selyado talaga 'yun." "Teka lang Myrns. Sure na ba tayong infected siya?" Tanong ni Prances. "Baka kasi hindi naman siya infected. Hindi na natin siya kailangang i- isolate." Nakipagtitigan siya kay Marilyn. "Matanong nga kita. Sure ka bang infected ka?" Hindi ito kaagad umimik. Tumango lang ito saka napaluha at muling nagkwento. ........... "Mama si papa?" Tanong ni Maliah sa kanya habang nagtatatakbo siya palayo. Wala pa ring tigil ang kanyang pagluha. Mas lalo pa siyang napahagulgol sa tanong na iyon ng kanyang anak. Masakit na nga ang kanyang mga paa at binti, labis pa ang sakit ng kanyang nadudurog na puso. Napapagod na siya ngunit hindi siya pwedeng tumigil. Hindi pwede dahil baka hindi pa sila nakakalayo. Baka maabutan sila ng mga armadong tauhan ng lab. Masasayang ang pagkamatay ng kanyang asawa. Hindi nalang para sa kanya eh mas higit para sa kanilang anak na musmos pa at marami pang naghihintay na magagandang bagay pagdating ng panahon. "Mama pagod ka na po? Stop na muna tayo mama." Umiiyak na rin ito. Marahil dama ng bata ang sakit. "Kaya ko pa anak. Kaya ko pa." Nakatugon din siya rito. Napansin niyang mabilis ang mga sasakyan sa main highway. Kahit ang mga public transportation tulad ng mga bus at taxi at punuan na rin at hindi nagsasakay. Nagtago sila sa likod ng waiting shed. Doon siya huminga ng malalim at nagpahinga. Binawi niya kahit papano ang kanyang lakas. Uminom ng tubig at pinakain si Maliah ng baon nilang tinapay. Napakabigat ng kanyang bag. Maraming alcohol, face mask, at mga tinapay ang laman noon. "Kailangan nating makaalis ng Wuhan anak. Marahil kaya nagkakagulo ang mga tao ay dahil lumabas na sa lab ang virus na iyon. Hindi tayo pwedeng huminto. Magpapalakas lang si mama huh? Kung kailangan kong maglakad ay gagawin ko." "Paano na po si papa, mama? Nasaan na si papa?" Iniwas niya ang tingin sa anak bago pumatak na naman ang luha sa kanyang mga mata. "Naiwan si papa mo eh Maliah. Kailangan niya pang magtrabaho eh. Tayo kailangan na nating umuwi ng Pilipinas." "Iiwan natin si papa?" "Oo anak. Iyon din naman ang gusto ng papa mo. Ginagawa niya 'to dahil mahal na mahal niya tayo. Mahal na mahal ka ng papa. Lagi mo 'yang tatandaan anak ah. Mahal ka ni papa." Hinawakan niya ang mga pisngi ng bata. "Mahal ko rin po si papa. Ikaw din po mama mahal kita." Dagli niyang niyakap ang anak. "Mahal na mahal kita anak. Gagawin ko ang lahat para makaligtas ka sa delubyong ito. Gusto kong maranasan mo ang magandang buhay. Ililigtas ka ni mama kahit na anong mangyari." Humiwalay siya sa pagkakayapos dito saka siya kumuha ng dalawang face mask. Isang surgical at isang cloth. Isinuot niya 'yun kay Maliah. "Wag na wag mong huhubarin 'yan huh? Hindi ka pwedeng mahawa." Naglabas din siya ng alcohol. "Ito ibulsa mo. Kapag humawak ka sa kahit anong bagay ay linisan mo ang iyong kamay ng alcohol." Nagsuot din siya ng dobleng face mask at nagbuhos ng alcohol sa kanyang mga kamay. Nagpatuloy na siya sa paglalakad. May isang bus na huminto sa hindi kalayuan. Ang akala niya'y makakasakay na sila ngunit nagsibabaan ang mga tao. Ang sigaw ng mga ito ay may infected na nakasakay sa loob ng bus. Minabuti nalang ni Marilyn na maglakad talaga palayo. Sa may kakahuyang bahagi sila bumagtas upang walang tao. May makasalubong o makasabay man silang iilan ay kaagad naman siyang umiiwas sa mga ito. Dalawang linggo ang lumipas. Paubos na ang supply nila ng pagkain. "Mama nagugutom na po ako." "Sandali lang anak huh? Pupunta tayo sa bayan. Maghahanap ako ng makakain natin." Kahit na puno ng pangamba ay nagtungo pa rin sila sa malapit na bayan. Patago silang naglakad. Parang ghost town ang lugar. Madumi. Walang katao- tao. Kung meron man ay naka- face mask at PPE din. Ang iba naman ay mga infected na. Nakakita siya ng tindera na kinakain ang mga paninda nitong de lata. Marahil ang mga paninda nito ang desire ng tindera. Meron ding kumakain ng pera. Hindi naman nananakit ng iba ang mga infected kung wala kang kinalaman sa desire nila. Magpo- focus lang sila sa kanilang desires. Nakakita siya ng isang convenience store. Nagmasid na muna siya. Walang tao roon. Walang nagbabantay. "Anak Maliah." Umupo siya at kinausap ang bata. "Dito ka lang sa likod ng pader huh? Wag na wag kang magpapakita sa ibang mga tao. Nakita mo 'yung tindahan na 'yun. Doon pupunta ang mama. Kukuha ako ng mga makakakain natin. Bibilisan ko anak. Bibilisan ko. Dito ka lang, okay?" "Okay po mama." Patago siyang nagtungo sa convenience store. Nakita niyang nasa counter ang cashier. Binabalatan ang sarili. "Diyos ko po. Anong klaseng virus 'to?" Tahimik niyang nasambit sa sarili. Saka siya bumalik sa tunay niyang pakay. Kumuha siya ng mga de lata, tinapay, maiinom at iba pang pagkain sa loob. Nang palabas na siya ay nakita niya ang nag- iisanh alcohol. Hindi niya rin alam pero kinuha niya pa rin 'yun kahit puno na ng alcohol ang kanilang bag. Pagbalik niya sa pader na pinagiwanan sa anak ay wala na ito roon. Iginala niya ang mga mata. Nakita niyang buhat na ito ng isang Tsinong lalaki palayo. "Hey! You! f**k you! Give me my daughter!" Dali- dali niya itong hinabol. "Mamaaaaa! Mamaaaaa!" Umiiyak na si Maliah. "This child is mine. I want I child! I will eat her!" Bulalas ng lalaki. Lalo siyang kinabahan. Ibig sabihin ang desire ng lalaki ay mga bata. Lalo pa siyang kumaripas ng takbo. Nang malapit na siya ay tumalon siya at buong lakas na sinipa ang lalaki. Tumaob ang lalaki. Napakabilis ng mga pangyayari. Imbes na sumubsob sa lupa ang bata ay nakarga niya pa ito. Sobrang adrenalin rush ang mga naganap para maligtas niya ang anak. "That child is mine! I will eat her!" Nagsalita pa ito ng wikang Cantonese at iyon din ang ibig sabihin. Nanlilisik ang mga mata nito para sa kanyang anak. Naglalaway pa ito. "Maliah, anak. Takbo. Bumalik ka dun sa huling lugar natin na pinanggalingan bago tayo nagpunta rito. Doon sa mapuno malapit sa ilog. Natatandaan mo ba? Takbo dali!" "Mamaaaaa!" Sigaw ng bata bago magtatakbo palayo. Tumayo ang lalaki upang sundan ang anak ngunit pinatid niya ito. Akmang tatakbo na rin siya nang hawakan nito ang kanyang kanang binti. Muli siyang nasubsob sa lupa. Habang nakahiga ay pumatong ito sa kanya. Hinawakan ang kanyang magkabilang mga braso. Bumitaw sa isa saka tinanggal at tinapon ang mga suot niyang face mask. Hindi na niya napansing tumutulo na sa kanyang bibig ang mga laway nito. Sigaw pa man din siya ng sigaw. Tumingin siya sa kanyang paligid. Nakita niya ang isang malaking bato malapit sa kanyang kanang kamay. Iyon ang ipinukol niya sa lalaki. Saka lamang siya nakatakas. ........... "Infected ako mga ma'am. Twenty five days na ang nakakaraan mula nang mangyari 'yun. Malapit ko nang marating ang huling bahagi ng virus na ito ng Desire-V. Kitang- kita ko ang mga pagbabago sa sarili ko sa mga nagdaang araw at linggo. Kahit wag niyo na akong kunin. Iligtas niyo lang ang anak ko. Parang awa niyo na." Nagkatinginan sina Myrna at Prances.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD