Nagtatagis ang bagang ni Myrna habang mabilis na lumakad. Napakamapanganib sa Wuhan sa mga sandaling iyon bilang ito ang epicenter ng Desire V-30 pandemic. Tapos aalis ng walang paalam at coordination si Linda. Kung tutuusin ay pwede naman niya itong pabayaan nalang. Kaso lang kahit hindi pa nila kilala ang dalawa ay umaasa siya sa physical na lakas ni Martin upang maprotektahan sila. Compromised ang kalagayan ni Red at pwedeng makahawa kahit alam niyang capable pa rin naman ito. Isa pa, case study na nila ngayon ang kaibigan. “Nasaan na kaya ang babaeng ‘yun?” napunta na siya sa isang village na ghost town na ang itsura. Walang mga tao sa paligid. Sira-sira ang mga gamit sa labas ng mga bahay. Kahit magtatanghaling tapat ay iba na ang kaluskos ng hangin sa paligid. Nakarinig din siya ng