“Paano nila nalaman?” inulit ni Linda ang tanong ni Martin. Masinsinang nakinig si Myrna at tinatantsa ang magiging reaksyon ng dalawa. “Paano? Pinaimbestigahan lang naman nila tayo sa mga IT expert nila. Kinuha nila ang social media mo para alamin ang tungkol sa atin!” “Bakit naman ganoon Myrna?” tanong sa kanya ng lalaki. “Bakit hindi? Hindi namin kayo kilala. Ayaw niyong sabihin ang tungkol sa inyo. Ayaw ninyong sabihin kung anong pakay ninyo sa lab. Ano ba talagang tinatago ninyo? Sino ba talaga kayo?” “Bakit mo pa tinatanong kung pinaimbestigan niyo na kami?” “I want to know it from you. I’m giving you the benefit of the doubt.” “Bakit pa?” pabalang na tanong ni Martin. Hindi niya iyon nagustuhan. “You know what Martin, matapos mo akong ipagtanggol kahaon at alagaan kahit papan