CHAPTER 31: Utos ni Mister Ukyo

2680 Words

NAKARIRINIG ako nang malakas na ingay mula sa aking room ngayon. Inaantok pa ako pero hindi ako makatulog dahil sa malakas na tunog na naririnig ko ngayon. “Gusto ko pang matulog...” ani ko sa aking sarili. Kinuha ko ang isang unan at tinakip iyong sa aking tenga. “Lubuyan niyo muna ako... Inaantok pa talaga ako!” malakas na sabi ko pero ang tunog na iyon ay ayaw talaga akong tantanan. Napabangon na ako at tinignan ang alarm clock na nasa side table. Hindi naman iyon ang tumutunog. Eh, ano iyong tumutunog na sobrang ingay! Nangunot ang noo at nagkasalubong ang aking magkabilang kilay nang hindi pa rin tumitigil ang maingay na tunog na iyon. Napababa na ako sa kama para hanapin ang tunog na iyon. Pinatalas ko ang aking pandinig at napahinto ako nang marinig kong nanggagaling sa telephone

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD