KINABUKASAN, naging maaga ang gising ko dahil na rin sa namamahay ako ngayon. Napaupo ako sa king size bed ko at tinignan ang paligid na kulay itim at puti ang kulay. “Heto na ba talaga ang magiging room ko?” kausap ko sa aking sarili habang naglilibot pa rin ang mga mata ko. “Sobrang lamig,” ani ko na naman kaya naiyakap ko lalo ang makapal na kumot sa sarili ko. Naalala ko na naman ang nangyari sa dining hall kagabi pagkatapos sabihin ni Orion ang katagang iyon na, gusto niyang magkaroon ng kapatid sa akin. Tandang-tanda ko pa rin ang magkabilang pisngi ni Mister Ukyo na namumula kaya nang mapatingin si Orion sa daddy niya ay inasar na niya ito. “Mommy, daddyʼs face is wed wight now! Heʼs blushing po!” malakas na sabi ni Orion at lumipat pa siya ng upuan kay Mister Ukyo. “Daddy, yo