“Maʼam, nandito na po tayo sa address na tinuro niyo. Maʼam, ayos lang po ba kayo?” Napataas ang tingin ko nang makita ko si kuyang driver na nakatingin sa akin ngayon. “P-po?” tanong ko sa kanya. “Um, nandito na po tayo, Maʼam, sa address na sinabi niyo po kanina sa akin. Heto po iyon, oh! Eksaktong po sa number ng house kung saan po ako huminto. Pasensya na po kung ginising kita,” sabi niya sa akin. Napalunok ako at napatingin sa may bintana. Nakita ko ang gate namin, nandito na nga ako sa amin. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Siguro dahil sa pagtitimpi na rin na huwag akong umiyak kanina. “S-sorry po, kuya driver,” saad ko sa kanya. Kinuha ko na ang aking bag at lalabas na sana ako sa taxi niya nang magsalita siya. “Ineng, matanda na ako pero hindi nakakahiya ang umiyak, h