Ilang beses pang tumingin sa salamin si Shy. Gusto niyang masiguradong presentable siyang haharap sa bago niyang amo. Isinuot niya ang isa sa mga bestidang binigay ng señora. Sinuklay niya rin ang may kahabaan niyang buhok at hinayaang nakalugay iyon. Sumakay siya sa kanyang bisekleta at tumungo na sa malaking bahay.
Nadaanan niya ang isang maliit na flower shop, kaya tumigil siya roon sandali at naglabas ng pera.
"Miss, white roses nga. One dozen. Paki-arrange nang maganda." Nginitian niya nang matamis ang dalagitang tindera. Habang naghihitay ay iniikot niya ang paningin sa kabuuan ng shop. Nakakita siya ng isang malaking red roses na halos kalahati palang ang buka. Nilapitan iyon at binunot sa pagkakatusok.
"Magkano ito, Miss?” Sabay taas ng bulaklak,
"Ah! 450 po.”
"Ang mahal naman pala.”
"Imported po kasi ‘yan, kaya medyo mahal.”
Sinilip niya ang laman ng kanyang wallet."Sige, Miss. Kukunin ko na ito, pero paki-separate." Nanghihinayang man siya dahil sa presyo niyon ay naisip niya namang ngayon lang naman siya gagastos nang ganoon. Para sa kanyang señorito ang bulaklak na binibili niya. Balak niyang ilagay sa kwarto nito ang mga iyon.
Pagkatapos abutin ang mga bulaklak ay sumakay na siya ulit sa kanyang bisikleta. Nilagay niya sa maliit na basket, sa unahan ng kanyang sasakyan ang mga bulaklak. Nasa gate palang siya ng malaking bahay ay nakita na niya si Nanang. Humahangos ito palapit sa kanya.
"Hija, bilisan mo at nandito na ang señorito!”
"Ano po?! Bakit ang aga naman niyang dumating?” Agad na kinuha niya mula sa basket ang mga bulaklak at tumakbo papasok ng bahay. Inilagay niya ang hawak sa ibabaw ng dining table at pasimpleng nilapitan ang matanda. "Nanang, nasaan po ang señorito ngayon?”
"Nasa library.”
Hindi na siya nakapagpaalam nang maayos pa rito. Mabilis na tumakbo siya papunta sa kwarto ng kanilang señorito. Nagmamadali siya nang dukutin ang susi ng kwarto mula sa kanyang bulsa. Hindi siya dapat maabutan nito.
Humihingal pa siya nang sa wakas ay mailagay sa vase ang malaking red roses. Kahapon niya pa hinanda ang lalagyan na iyon. Nang masigurong maayos na ang pagkakapwesto ng bulaklak ay nagmamadaling na siyang tumakbo palabas ng kwarto.
Pero pagbukas niya ng pinto ay bumangga siya sa isang matigas na bagay. Napayuko siya sa bandang baba ng nabangga niya at biglang kumalabog ang kanyang puso. Mga paa ang unang natutukan niya ng tingin. Dahan-dahang hinagod niya ng tingin ang kaharap hanggang sa mapatitig siya sa mukha ng taong iyon.
Natulala siya nang masilayan ang lalaki. Kayumanggi ang kulay nito at may prominenteng panga. Matalim tumingin ang mga mata nito na napapaligiran ng mahahabang pilik mata.
"Get out of my way, b***h!"
Nanginig ang mga tuhod niya sa takot kaya hindi niya nagawang ihakbang agad ang mga paa. Isang malakas na tabig ang inabot niya mula rito at tumilapon siya sa katabing pader. Napaigik siya nang tumama ang kaliwa niyang balikat. Muntik pa siyang mapasigaw sa sakit, pero tiniis niya iyon at sinikap na tumayo. Saka kumaripas ng takbo.
Hindi niya malaman kung saan siya pupunta. Ilang saglit pa ay nasumpungan na lang niya ang sarili sa kusina..
"Oh, hija! Bakit ganiyan ang ayos mo?”
"N-n-nang..." halos ayaw lumabas ang kanyang boses.
"Hija, ano bang nangyari sa’yo?”
"W-wala naman po." Agad na napatuwid siya ng tayo at bahagyang tumagilid. Magsasalita pa sana ang matanda nang marinig nila ang pagbukas ng fridge.
"S-señorito, nagugutom na po ba kayo?" agad na tanong niya rito.
Hindi naman ito sumagot at tumingin lang sa kanilang dalawa. Napapailing na sinalubong nito ang tingin ng may edad na babae. Sumandal pa ito sa gilid ng pinto bago binaling ang tingin sa kanya.
"Hija, doon ka na muna at gawin mo ang mga gawain mo," utos ni Nanang sa kanya.
"S-sige po,” sagot naman niya bago yumuko at patakbong umalis ng kitchen.
"What her name?" tanong ni Knight sa tagaluto.
"Señorito, siya po si Shyramae. Shy for short."
Hindi na ito sumagot at naramdaman na lang ni Nanang na lumabas na rin ito ng kitchen.
***
Habang naglilinis ng living room ay nanginginig pa rin ang buong katawan ni Shy. Nagulantang siya sa takot at muntik pang mapatalon nang may magsalita sa kanyang likuran.
"Come to my room!" Iyon lang ang sinabi ng malagom na boses bago malalaki ang hakbang na tinalikuran siya nito. Natatarantang iniwan naman ni Shy ang ginagawa at halos takbuhin niya ang ikalawang palapag. Napakalaking tao ng señorito niya kaya naman ang bilis nitong nakalayo.
Pasara na ang pinto nang maabutan niya ito. Sinikap niyang mahabol ang pagsara ng pintuan dahil ayaw niyang masarahan nito.
"Come inside!" Lalo siyang ninerbyos dahil sa lamig ng boses nito. "Who put this flower?”
"S-señorito, ayaw ninyo po ba?”
"I said, who put this flower here?!”
"A- ako po, sir.”
"Come here." Iiniangat nito ang kamay na parang aabutin siya. Bigla ang naging reyalisasyon ni Shy sa ginawa nito— ang panaginip niya! Magkapareho ang bulto at boses ng lalaki sa kanyang panaginip at kanilang señorito. Pati ang korte ng palad nito ay hindi niya maipagkakamali. Napatulala na lang si Shy at hindi agad nagawang ihakbang ang kanyang mga paa.
Inilang hakbang lang siya ni Knight at lalo siyang nanginig sa takot.
"Did you hear me?” tanong nito bago siya hinila nang malakas na para bang gawa lang siya sa papel. Hindi niya na-control ang kanyang balanse kaya pumalo ang mukha niya sa matigas na dibdib nito. Lalo pa siyang nahintakutan nang daklutin nito ang kanyang buhok at hilahin iyon pababa. Napipilitang natingala siya sa ang mukha nito.
"Kapag sinabi kong lumapit ka, lumapit ka!" sigaw nito bago siya binitiwan. Napasalampak siya sa sahig. Mabilis naman siyang tumayo kahit nangangatog ang kanyang mga tuhod.
"Mula sa araw na ito, sa kabilang room ka lang para kung kailangan kita ay nandito ka kaagad!"
"Ano raw?”
"What are you waiting for? Doon ka sa kabilang room! Go!"
Agad na tumakbo si Shy. Kaso ay nasarhan na pala ang pintuan at wala na sa kanya ang susi niyon. Halos maiyak na siya sa sitwasyon. Ilang beses niyang sinubukang itulak ang pinto pero talagang naka-lock iyon.
"What are you doing?”
"S-señorito naka-lock po at wala akong susi.”
"Istupida! Sinabi ko bang tumayo ka riyan? Iniwan mo sa kusina ang susi!"
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Shy. First day pa lang ng kanilang amo ay nagagalit na agad ito sa kanya. Nang buksan ni Knigth ang pinto ay dumiretso agad siya sa kusina at hinanap ang may edad na tagaluto.
"Nanang!" Panay pa rin ang pagpatak ng kanyang mga luha habang nagsasalita.
"Bakit anong nangyaroi at umiiyak ka?”
"N-Nakita ninyo po ba ‘yong susi ng mga kwarto sa taas?”
"Naku. Hija! Hindi ko rin alam. Wala bang naibilin ang señora sa’yo? Baka may duplicate?”
"Wala po, Nanang. Ang iniwan lang na susi ay para sa kwarto ng señorito. Kailangan ko rin ‘yong sa kabila".
"Tahan na, hija. Ayusin mo ang mukha mo at saka ka bumalik sa amo natin. Sabihin mo nang maayos sa señorito na walang iniwang susi ang señora.”
Binilisan niya ang paglakad dahil alam niyang naghihintay si Knight sa taas. Hindi nga siya nagkamali. Nakatayo pa rin ito sa harap ng pintuan ng kwarto nito. Itinaas nito ang kamay.
"Akin na. Ako na ang magbubukas."
"S-señorito w-wala pong iniwang susi ang señora para sa ibang kwarto. Tanging ang susi lang po sa inyong kwarto ang nasa akin."
"f**k! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na wala palang susi? Pinaghintay mo pa ako rito!" Agad na hinugot nito ang sarling phone at nag-dial.
Naiwan naman siyang nakamasid dito at pinanonood ang bawat galaw nito. Napakagwapo ng amo niya pero saksakan naman ng sungit. Kaya naman pala ganoon ang pananalita ng lolo at lola nito.
Napatalon siya nang sumigaw ito,"Go to the library. Kunin mo sa pangalawang drawer mula sa left side ‘yong susi!"
Habang patungo roon ay gustong sabunutan ni Shy ang sarili. Bakit kasi siya natutulala? Hindi man lang niya napansin na tapos na pala itong makipag-usap sa tinawagan nito.
"Kailan ka pa naging bobita, Shy?" Inis na inis siya sa sariling katangahan. Nang makuha ang mga susi ay patakbong bunalik sa kinaroroonan ng amo.
Agad na inagaw ng binata ang hawak niyang bungkos ng susi. Isa-isang snubukan nitong ipasok ang susi sa lock pero hindi bumukas ang pintuan. Halos lahat yata ay nasubukan na nito. Sa sobrang inis nito ay hinagis nito ang bungkos ng susi sa kanya at muntik na siyang tamaan sa mukha.
Iyon lang at mabilis na siya nitong iniwan. Dinampot naman niya ang mga susi at sinilip ang butas ng lock. Inisa-isa rin niyang tingnan ang lahat ng hawak. Hindi naman nagtagal ay nabuksan na niya ang pintuan. Agad siyang pumasok doon at hinanap ang switch ng ilaw. Gaya ng kwarto ni Knight ay madilim din sa kwartong iyon.
Nabitiwan niya ang mga susi nang magsalita ang kanyang amo mula sa kanyang likuran.
"What the f**k?! Lagi ka na lang bang tatalon?! Sisigaw?! Itatapon ang ano mang hawak mo sa tuwing magsasalita ako?".
Bubuka sana ang bibig ni Shy pero agad na pinutol ni Knight ang pagsasalita niya.
"Clean the room, at mula ngayon ay dito ka na matutulog!" Tumalikod na ito muli pagkatapos niyon.
Nagngingitngit pa rin si Shy sa sobrang inis. Kanino nga ba siya nagagalit sa sarili o sa kanyag amo? Wala siya sa katinuan nang bumaba siya ng hagdanan. Papaano ba naman siya hindi magkakaganoon kung unang araw palang ng kanilang amo sa bahay ay ganito na agad sila? Paano pa kaya sa paglipas ng mga araw? Kaya ba niyang maka-survive? O rito na siya mamatay?
Sinabunotan ang sarili. ‘Tanga lang ,Shy? Eh ‘di umalis ka!’ Yes. Tama lang na umalis siya dahil hindi niya kayang mabuhay na kasama ang kanyang amo. ‘Ouch! mag isip ka, Shy! May pinirmahan ka kaya? Hello okay ka lang?’ Haisttt. Maloloka na talaga siya sa amo niya.
Mabilis na nilinis ang buong kwarto. "Huh! Buhay-mayaman nga ako sa ganda ng kwarto, araw-araw ko namang kasama ang lalaking iyon... kakainis."
Isang oras din ang ginugol niya sa paglilinis. Nagmamadali na siya nang bumaba. Itinabi niya ang mga ginamit na panglinis. Pumasok siya sa stock room at kumuha ng bed sheet sets, towel at robe. Kahit dito man lang ay makabawi siya. Agad na umakyat siya at mabilis ang kilos na pinalitan ang bedsheet ng kama. Inayos din niya ang mga towel sa banyo. Pagbaling niya ay napasigaw naman siya sa gulat, "Ano ba naman itong amo niya parang kabote na bigla na lang sumusulpot. Napasimangot na siya at nanghahaba ang nguso na tumungo. Dinampot niya ang roll ng tissue at ipinasok sa banyo. Paglingon niya ay nakahilata na ang kanyang amo sa ibabaw ng kama. Nakapikit pa ito.
Sinamantala niya ang pagkakataong iyon at tumalilis ng takbo papalabas ng room.
"Come back!” sigaw ni Knight, kaya nabitin ang isang paa niya sa paglabas ng pinto. Agad siyang bumalik at humarap sa amo.
"Stay,” sabi nito bago pumikit muli. Parang timang lang ang kanyang señorito ano ba itong lalaking to may sayad? Ilang minuto na siyang nakatayo doon pero nakapikit pa din ito.
"Shyramae!”
"P-po señorito?”
"Lumapit ka rito, bilis!”
Sa takot ay agad na sinunod niya ito. "Andito na po ako.”
"Masahehin mo ako,” utos nito sa kanya. Nanglalaki ang mata na hindi siya makagalaw aa pagkabigla
"Bingi ka ba at hindi mo naririnig ang sinsabi ko?”
"S-señorito k-kasi h-hindi po ako marunong.”
"Come here. Tuturuan kita. Bilisan mo!”
Nangangatal na lumapit siya sa amo. Agad naman siyang hinila nito kaya nawalan siya ng panimbang at nadapa sa ibabaw nito. Napangiwi siya dahil humampas ang kanyang boobs sa matigas na dibdib nito. At bago pa man siya makapag-isip, nanlaki na lang ang kanyang mga mata nang dumapo ang mga labi nito sa labi niya.
"Señorito!" Natigagal siya pero binalewala lang ng binata ang pagtutol niya rito. Lalo pa nitong idiniin ang mga labi sa kanya at kinagat ang pang-ibaba niyang labi. Napasigaw siya sa sakit. Sinabayan naman nito ‘yon at pinasok ang dila nito sa kanyang bibig. Ilang minuto silang ganoon, Binitiwan na lang siya nito nang halos hindi na siya makahinga.
Biglang bumiling si Knight at iniikot siya sa ilalim nito. Itinukod nito ang magkabilang braso sa magkabila niyang gilid, bago siya tinitigan Naipilig niya ang kanyang ulo palayo rito.
"Look at me!" utos nito kaya wala na naman siyang nagawa.
"Ilagay mo sa kukote mo ang sasabihin ko. Minsan ko lang ‘to sasabihin sa'yo." He smirked. "First. Isang salita lang okay?"
Tumango lang siya.
"Second. Susundin mo lahat ng gusto ko.”
Tumango na naman siya.
"Third. Dito ka matutulog sa kamang ito!”
Tumango ulit siya.
"Fourth. Hindi ka pweding makipag-usap sa kahit na sinong lalaki!”
"P-po?”
"Hindi ‘yan ang inaasahan kong isasagot mo, Shyramae!"
"O-opo, señorito."
"Now after dinner, maligo ka at dito ako matutulog!”
"Ano?"
"Ano may reklamo ka?”
"P-pero, s-señorito... s-sabi ninyo, rito ang room ko, eh bakit dito kayo matutulog?”
"At sinong nagbigay sa’yo ng pahintulot na magtanong? To tell you honestly, kapag ginusto ko, walang makakahadlang sa akin!”
Tulala si Shy habang nag-aayos ng dinning table. Ano bang klase ng tao ang amo niya? Papaano ang gagawin niya ngayon? Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na baso nang may lumapit sa kanya.
"Oh, hija? Anong nangyayari sa'yo wala ka yata sa sarili mo?”
"Nanang, ahm...”
"Let's eat,” boses ng amo nila ang nagpatigil sa kanyang magsalita. Papalapit ito sa table.
"Señorito, kain na po kayo. Mamaya na kami—”
"No! Sumabay kayong dalawa.” Magsasalita pa sana siya nang samaan siya ng tingin ni Knight. Sa kawalan ng pagpipilian ay umupo na lang siya gaya ng inutos nito. "Bakit ang layo mo? Dito ka sa tabi ko. Katapat ka ni ‘Nay.”
Napatingin siya kay Nanang. Nginitian naman siya nito.
Sinamantala niya ang pagkakataon na magpaalam sa amo. "S-señorito, maari po bang umuwi muna ako sa amin?”
"Don't talk ,Shyramae. Kumakain tayo!"
Natameme na lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain.